Kabanata 7

55 2 0
                                    


Bago pa tumunog ang alarm clock ko ay nagising nako."Good morning!!" sigaw ko habang naguunat.

Hay! Ang bilis ng araw. Friday na nga ngayon. 1 week nako as a 2nd year high school student.

Dumiretso agad ako sa CR ko para maghilamos ng mukha.

Pababa nako ngayon ng hagdan. Nakita ko agad si kuya Ken ng dumiretso ako ng kitchen. Woah?! Nagluluto siya. Marunong siya magluto? "Goodmorning kuya Ken. Anog niluluto mo?" bati ko sabay tanong "Goodmorning. I cook fried rice and bacon for our breakfast." sagot niya sa tanong ko.

"Sasabay kaba sakin kuya Ken?" tanong ko

"Oo. Ihahatid uli kita hanggang room niyo" sagit niya

Nagkibit balikat na lamang ako.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni kuya Ken. Katahimikan ang bumalot saming dalawa.

Tingin siya ng tingin sakin, tila parang may gusto siyang sabihin saakin. "May sasabihin ka ba sakin?" tanong ko na pumutol sa katahimakan naming dalawa

"Ah, wa-wala naman." aniya

Nandito nakami sa school. Gaya nga ng sinabi niya, ihahatid niya ko hanggang room. Kaya ayun, hinatid niya nga ako.

Gaya nung una niya kong hinatid, maraming nagtinginan at nagbulungan. Ganoon din ngayon. Napailing nalamang ako ng makita ko ang reaksyon nila.

"Zak, ang daming nakatingin ng masama sayo oh" tugon ng isa sa mga kaklase kong babae.

"Hayaan mo na lang sila." paliwanag ko.

Ilang sandali ng makarating na ako ng upuan ko. Nagulat ako ng biglang may bumulong sa tenga ko "Goodmorning Ms.Lopez. It's nice to meet you again" bulong neto sa tenga ko sabay ngisi.

Napatalon ako ng kaunti sa ginawa niya. Pero parang kiniliti ang buo kong katawan sa ginawa niya. Naginit din ang pisngi ko ng nakita ko siyang nag killer smile.

Ang gwapo talaga netong Ej nato. Walang kakupas kupas. Argh! Akin ka na lang. Plsss! Akin ka na lang.

"G-goodmorning din" bati ko sa kanya na may halong kaba at kilig.

Nang nakaupo na kami. Dumating na ang adviser namin.

Habang nagtuturo ang prof. namin. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi ni Sir Pajello. Tanging laman lang ng utak ko ay si Ej. Kung ano ba ang dapat kong gawin para mapansin niya ako. Para magustuhan niya rin ako. Hay! Kung pwede lang gumamit ng gayuma. Dati kopa ito ginawa. Magtitiis na lamang ako, hangga sa mahalin mo rin ako.

Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sakin. Kaya napalunok ako ng marahan at nag-ayos ng upo. Saka ako tumingin sa harapan at kungwaring nakikinig sa itinuturo ng prof. namin.

"Parang ang lalim ng iniisip mo?" bulong niya sakin kaya napalundag ako ng unti.

"Ha? Hindi. Nakikinig ako." sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.

"Talaga?" aniya sabay ngisi saka humarap sa harapan

Ikaw At Ako  (On-going)Where stories live. Discover now