Masaya kaming nag-uusap tungkol sa magiging pangalan sana ng baby namin... four months pa lang naman ang dinadala ko kaya hindi pa talaga kami makapagdecide dahil hindi pa rin naman namin alam ang gender ng aming anak.
Maya-maya ay may nagring na cellphone.
"Excuse me..." at tumayo ang lalaki para lumabas at sagutin ang tawag.
"Hi hon..." narinig niyang sagot ng kanyang asawa sa tumawag.
Hindi na niya napigilan ang mapaluha. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman na para bang hirap na hirap siyang huminga, at parang may sumasakal sa kanya. Akala niya, kapag nabigyan niya ng anak ang kanyang asawa, kahit paano ay magkakaroon siya ng halaga dito. Akala niya ay matututunan din siyang mahalin ng lalaking mula pa noong una niyang makita ay itinangi na niya sa kanyang puso.
Hinaplos niya ang kanyang maumbok na puson habang walang humpay sa pagtulo ang kanyang mga luha.
"Anak, hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ni Daddy... hanggang ngayon, siya pa rin ang mahalaga, kahit na naririto ka na... Sa palagay ko, kailangan na natin pagbigyan si Daddy, para hindi na tayo pare-parehong mahirapan at masaktan... lalo ka na... Hindi bale, hindi ka iiwan ni Mommy, dahil ikaw ang magsisilbing alaala, na minsan, naging mahalaga din ako kay Daddy, kahit isang gabi lang..."