Tuliro ang isip ni Enrique. Nasa kwarto niya siya at nakatingin sa garden ng kanilang solar, pero malayo ang iniisip. May hawak ang isang kamay na isang baso ng scotch, at ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kanyang slacks. Ganito ang ayos niya kapag may iniisip.
Hindi niya malaman kung relief, tuwa o dismaya o pagkainis ang kanyang dapat maramdaman. Relief at tuwa, dahil hindi ang biyudang si Mrs. Carla Del Castillo ang kanyang pakakasalan. Kahit naman kasi maganda at sexy pa rin ang ginang, hindi niya lubos na makita ang sarili na magiging asawa ang babaeng nasa halos ciquenta na ang edad, at ang panganay nitong anak ay kaedad niya. Sobra namang awkward na tawagin siyang papa ng kaedad niyang stepson, kung sakali.
Dismaya at inis, dahil hindi nga mas matanda sa kanya ang ipapakasal, pero napakabata naman. Mukhang kakagraduate lang ng highschool, menor de edad pa. Although maganda talaga si Charmaine Del Castillo, pero hindi naman yata tama na paikutin nila ang buhay nito, and worst, ang maging pambayad-utang.
Isa pa, mayroon na siyang nobya. Si Asha Fuentes, isang socialite at anak ng isang dating beauty queen at isang mining magnate. Si Asha ang naiisip niyang kabuuan ng isang babae na dapat niyang maging kapareha. Ang katulad nito ang babaeng nababagay sa isang tulad niya. Mataas ang self-confidence, sophisticated, sultry and mature kind of woman. Sa ngayon ay nasa New York ito para sa shopping spree nila ng mommy nito.
Kilala niya ang mag-asawang Del Castillo. Noong nabubuhay pa si Mr. Manuel Del Castillo ay ilang beses na niya itong nakakaharap dahil isa ito sa mga loanee ng kanilang bangko. Noon ay maayos naman ito magbayad, ngunit nang huli silang magloan, na si Mrs. Del Castillo na ang nag-apply, ay hindi na ito nakabayad, at sa huli, nalaman nila na ginamit ang pera para sa pagpapagamot ni Mr. Del Castillo sa sakit nitong liver cancer.
Kilala rin niya ang dalawang anak na lalaki ng mga Del Castillo. Si Charlemagne, na mas kilala sa tawag na Charles, at si Chaldemane, na tinatawag na Chad. Kaedad niya si Charles, at schoolmate niya sa university. Si Chad naman ay beinte-cinco, at kilalang happy-go-lucky at casanova. Kaya nagulat siya na may isa pa palang anak ang mag-asawa, at babae pa. Hindi kasi niya ito nakita o nakilala kahit noon pa man. At sa isang nakakayamot na pagkakataon, magiging asawa pa nya ito.
Hindi na niya alam kung ano ang dapat talagang gawin. Ayaw niya sa mangyayaring kasalan, ngunit hindi niya kayang suwayin ang kanyang ama. Sa kanilang tatlong magkakapatid, sa kanya ang pinakamalaki ang expectation na inaasahan. Bilang panganay at lalaki, lahat ng tao ay nakaabang sa mga kilos at magiging salita niya, kaya dapat lamang siyang maging maingat. Ayaw din niyang ma-disappoint ang kanyang mga magulang. Kaya hindi niya alam kung maituturing niyang biyaya o sumpa ang kalagayan niya sa pamilya at lipunan. Daig pa niya ang de-numero ang kilos.
Pagod na naupo siya sa sofa na nasa loob ng kanyang silid. Isinandal ang likod at ulo at napapikit. Gustong sumakit ng kanyang ulo sa mga naiisip. Halata na gusto ng kanyang Mama si Charmaine. Napakalambing nito sa dalagita. Palibhasa ay sabik sa anak na babae. Naubos na yata ang pasensya ng kanyang ina sa kanilang tatlong magkakapatid na pulos barako.
Kailangang makaisipsiya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila ni Charmaine Del Castillo...
![](https://img.wattpad.com/cover/83985542-288-k483990.jpg)