Chapter 4

8 0 0
                                    

Nasa ibabaw ng kanyang kama si Charmaine, upang magpaantok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa ibabaw ng kanyang kama si Charmaine, upang magpaantok.  Naka-loose sleeveless top siya at loose trousers lamang.  Naiisip niya ang mga nangyari kanina sa mansion ng mga de Villaverde.  Ayaw magpakasal ni Enrique; hindi lang niya malaman kung siya ba ang issue nito, o talagang wala pa sa isip nito ang lumagay sa tahimik.

Kahit naman siya ay wala pa sa isip ang pag-aasawa.  Kaka-nineteen lang niya three months ago, at ang nais lang niyang gawin ay bumalik sa pag-aaral na nahinto upang mapaglaanan ng pera ang pagpapagamot ng kanyang Papa.  Unang taon pa lang sa kolehiyo ang natapos niya, kursong Mechanical Engineering.  Idolo talaga niya ang kanyang Kuya Charles.  Mahilig din siya sa mga sasakyan, at mga makinarya.  

Humiga si Charmaine at inakap ang kanyang unan.  Tila kay bilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay.  Parang kailan lang ay masaya silang pamilya.  Ngunit sa loob ng halos dalawang taon ay parang nilukob sila ng kung anong masamang espiritu, na ang dating masayang mag-anak, ngayon ay puno ng kalungkutan at problema.  At ngayon mapipilitan siyang mag-asawa ng maaga upang kahit papaano ay masolusyonan ang mga utang nila.

Pumikit si Charmaine, "Papa, nasa langit ka na ba?  Naririnig mo ba ako?  Miss na miss na kita...  Papa, ipapakasal daw ako kay Enrique de Villaverde.  Pero ayaw naman niya makasal sa akin...  Ayaw ko lang mamoblema pa si Mama sa mga utang natin, kasi lagi na lang sya umiiyak eh..." parang batang sumbong ni Charmaine sa kanyang isip, "Wala naman problema sa akin kung magpakasal kami.  Pogi naman sya, kahit medyo matanda sya sa akin... Basta matapos na ang problema ni Mama... Ayaw ko na syang umiiyak eh..."

"Basta Papa, i-guide mo lang kami, parang nung dati lang.  Miss ka na namin, at mahal na mahal ka namin...  Ituro mo sa amin ang mga dapat naming gawin, para maging masaya kami ulit, kahit hindi ka na namin makakasama..." tahimik niyang dasal at iyak sa namayapang ama.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tinanghali na ng gising si Charmaine, kaya nagmamadali siyang naligo at nagbihis upang lumabas ng kanyang kwarto.  Tutulungan niyang magluto ang kanyang Mama bago ito pumasok sa bakeshop.

Pababa siya ng hagdan nang may marinig na mga boses na nag-uusap sa kanilang salas. Nagmamadali siyang bumaba upang malaman kung sino ang kanilang bisita.

    "Gigisingin ko na si Charmaine para hindi na kayo maghintay pa ng matagal," dinig niyang sabi ng kanyang Mama.

Naisip niyang isa siguro sa mga kaibigan niya sa university ang bumisita upang balitaan siya sa mga nangyayari, dahil ilang semestre din siyang hindi nag-enrol.  Kaya naman mas nagmadali siya upang makarating agad sa salas, ngunit nabigla siya nang makilala ang mga kausap ng kanyang Mama.

Sina Senyora del Villaverde at ang kanyang anak na si Enrique.

Agad siyang nakita ng Senyora, "Oh! Charmaine is already here! Good morning, hija.  You are so lovely and fresh in the morning." nalulugod na bati sa kanya ng Senyora.

Nagbigay siya ng isang kiming ngiti sa kanilang mga bisita, "M-Magandang umaga po sa inyo."

Nilapitan siya ng Senyora at hinagod ang kanyang makinis at mamula-mulang pisngi na tulad sa mga Koreana, na walang mga pores na makikita, "You are really pretty, hija.  Bagay na bagay sa anak kong si Enrique. Right, Son?" at nilingon nito ang binata sa likuran.

Bumuntong-hininga ang binata, "Maybe we should be heading now, Mama.  Hindi ako pwedeng mag-absent ng madalas sa office.  You know the German investors are coming and we need to prepare our proposals."

Muli siyang binalingan ng Senyora, "Kailangan natin ma-meet ang caterer ng wedding ninyo at ang printing office para sa design ng invitations.  Enrique only gave this day to accomplish those, dahil gusto kong magbigay din siya ng kanyang opinion kahit sa ganung mga bagay man lang para sa inyong kasal.  Now, dress up so that we could finish things up today."

Napatingin si Charmaine sa kanyang Mama, at tinanguan naman sya nito.  Tumango naman sya sa Senyora at muling bumalik sa kanyang silid upang magbihis ng mas maayos na damit para sa lakad nila sa araw na iyon.

    

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon