Chapter 2

11 1 0
                                    

Halos hindi makakain ang mag-iinang Del Castillo dahil sa hindi matigil na pagsasalita ni Senyora de Villaverde.  Lahat na yata ng alam nitong maaaring maisali sa isang kasalan ay ikinukwento nito.  Nalulula pa ang mag-inang Carla at Charmaine sa mga bagay na naiisip ng ginang, dahil karamihan sa mga iyon ay sa ibang bansa pa mabibili.  Kahit naman dating maalwan ang buhay nila ay hindi naman sila ganoon mag-isip ng pagkakagastusan.  Nagkataon lamang na nagkasakit ang kanilang padre de familia, at ang pagpapagamot dito ang kanilang naging prioridad, hanggang sa maubos ang kanilang ipon at maipagbili pa ang ilan sa kanilang mga negosyo.  Lubos na nilamon ng hospital bills, gamot at pagbyahe sa ibang bansa ang kanilang pera dahil sa America pa nila ipinagamot si Mr. Del Castillo.  Ang tanging naiwan sa kanila ay ang kanilang bahay na unang naipundar ng mag-asawang Del Castillo, at ang negosyong talyer ng kanilang panganay na si Charles na isang mechanical engineer, at bakeshop ni Mrs. Del Castillo.  Ang sumunod sa panganay na si Chad ay sumama sa kaibigan nito sa America, at suma-sideline bilang isang baguhang modelo ng mga damit.

"Good evening.  Sorry I'm late."

Nagulat pa si Charmaine sa malamig, ngunit buong-buong boses na pumutol sa pagsasalita ni Senyora de Villaverde.  Agad siyang napalingon sa hallway na kanilang dinaanan kanina papasok sa dining hall ng masion.  Natulala siya sa lalaking nakasuot ng executive suit.  Walang kangiti-ngiti at seryosong-seryoso ang hitsura nito, kaya damang-dama ang makapangyarihang aura nito.  Ngunit ito na yata ang pinakagwapong lalaki na nasilayan niya, pasensya na ang kanyang Papa at mga kuya.

"Hmpt! We're almost done here, Enrique.  Buti at nagpakita ka pa!  Nakakahiya sa pamilya ng fiancee mo," naiinis na saad ng Senyora.

"We had a board meeting, Mama.  You know that it was scheduled today." sagot naman ni Enrique.

"Your father was there, and he can do without you at the board meeting.  At alam niyang ngayon pupunta sina Charmaine para mapag-usapan na ang mga detalye sa kasal ninyo."

Sarkastikong napangisi si Enrique, "Does my opinion matter in this wedding, Mama?  You didn't even give a damn to what I feel in this so-called marriage."

Sa sinabi ni Enrique ay napayuko sina Charmaine at Carla na para bang napahiya.  Si Charles naman ay nagtagis ang mga bagang.

"Enrique!" galit na bulyaw ng Senyora at malakas na nakalampag ang mga hawak na kubyertos sa pinggan nito, na nagpasinghap ng malakas kay Charmaine dahil sa gulat.

Agad na napatingin si Enrique sa suminghap na dalaga... na sa tingin niya ay parang dalagita pa lang dahil sa batang-bata nitong hitsura.  Maputing balat, may hugis puso na mukha, round almond-shaped na mga mata na pinarisan ng malalantik na pilik, may manipis na hindi katangusang ilong, at mga labi na kulay pink, na marahil ay natural na nitong kulay.  Nakita niya ang takot sa mga mata nito.

Tumikhim ang isang lalaki na katabi ng isang may edad na babae na kanilang bisita, "Senyora, sa tingin ko po mas mabuting mag-usap po muna kayo ng inyong pamilya tungkol sa mga bagay-bagay.  Sa ngayon po, dapat na po tayong magpahinga dahil pagod na po tayo sa mahabang oras ng pag-uusap."

Nagpakawala muna ng malalim na paghinga ang Senyora, at bumaling muli sa anak, "This is your fault, Enrique.  You ruined this night.  Mag-uusap tayo pagdating ng Papa mo." mababa ngunit mariing sabi ng Senyora na may matatalim na titig kay Enrique.

Napailing na lang si Enrique at bumaling ang tingin sa dalagitang bisita.  Pinakatitigan niya ito.  Tapos ay muling nagsalita, "I think you should be thankful that I came late than never to come at all.  Samantalang ang sinasabi ninyong fiancee ko ay wala rito.  I think you're being unfair, Mama."

"Hah! Napag-usapan na namin halos ang lahat-lahat, Enrique.  And for your information, kanina pa nandirito ang fiancee mo, at naghihintay sa iyo."

Napakunot ang noo ni Enrique.  Nandito ang fiancee niya?  Napatingin siya sa mga bisita, particularly kay Carla.  Maganda pa rin naman ito, classic beauty.  Maganda pa rin ang pangangatawan.  Kung hindi ipakikilala ang mga anak ay mapagkakamalan na nasa late thirties lang ito.  May nabubuo na sa isip niya.  He just can't accept the fact that his Mom will really think of this kind of thing.

"N-no, Mama... Don't tell me..."

"Yes, my dear son," at pumunta si Senyora sa likod ng nakaupo at nakayuko pa ring si Charmaine, at inilagay ang mga kamay sa balikat nito, "meet Charmaine, your soon-to-be bride."

Laglag ang panga ni Enrique.


**********

Charmaine Del Castillo's picture above. 💓💓💓😊😊😊


YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon