"I know an event organizer that we can hire for the wedding. I assure you that she is one of the best in town. Syempre, ayaw ko naman na magkaroon ng aberya ang nalalapit na kasal ng ating mga anak..." litanya ni Senyora de Villaverde.
"Naku, hindi naman kailangan ng magarbong kasal. Dadami lang ang magiging gastos. Simple lang naman ang gusto namin, Mare," sagot naman ni Mrs. Del Castillo.
"Amiga, we are talking about the wedding of my eldest son, Enrique Miguel. As the first born son of de Villaverde, people are expecting a grand wedding! And don't you worry about the expenses. Lalaki ang sa amin, kaya dapat lang na kami ang gumastos sa kasal," maereng saad ng Senyora.
"A-alam naman namin 'yon, Mare, k-kaya lang kasi..."
"Let us shoulder all the expenses, Carla. Baka kasi kulangin yung pera na ibinigay namin sa inyo, hindi kayo makabayad sa mga utang ninyo..." nakairap na naman ang Senyora.
Hindi na lamang kumibo ang mag-iina na del Castillo sa sinabing iyon ng Senyora. Mahirap ang makipagtalo rito, lalo na at uungkatin nito ang dahilan ng magiging kasalan ng mga anak nila.
Napayuko na lamang si Charmaine, ang disi-nueve anyos na bunsong anak ni Mrs. Carla at ng yumao nitong asawa na si Mr. Manuel del Castillo. Siya ang ipapakasal sa anak ni Senyora de Villaverde na si Enrique Miguel de Villarverde, na isang beinte-nueve anyos na binata, at katulong na ng kaniyang ama na si Senyor Enrico de Villaverde sa pamamalakad ng imperyo ng kanilang mga negosyo.
Labis ang pagkabahala ni Charmaine sa magaganap na kasalan. Hindi pa kasi niya nakikita sa personal si Enrique. At ito pa lamang ang una at pormal na pakikiharap niya at ng kanilang pamilya sa mga de Villaverde. Unang napagkasunduan ang tungkol sa kasalan nang makipagkita ang kanyang ina at ang kanyang kuya Charles sa mga de Villaverde upang makiusap tungkol sa naiwang loan ng kanyang ama bago ito pumanaw, may walong buwan na ang nakalilipas. Mahigpit na tinutulan ng kanyang kuya Charles ang tungkol sa napagkasunduan, dahil siya ay bata pa, at malaki ang agwat ng edad nila ni Enrique, at natatakot ang kanyang kuya na hindi sila magkasundo. Tinutulan rin ni Enrique ang pagpapakasal nila, subalit ito ay naging isang mahigpit na utos ng kanyang ama at wala na siyang nagawa para kumontra pa.
Akala nga niya ay makakaharap din nila si Enrique, pero hindi pa raw ito nakakauwi, ayon sa Senyora.
"Charmaine, hija, darating ang couturier sa makalawa para masukatan ka. You can choose the style of your wedding gown from their catalogues. I'm sure you will be so lovely in whatever style you would pick up. And also if you want to put names on the list of the entourage, and guests that you would like to invite for the wedding," nakangiting pagkausap sa kanya ni Senyora.
Tipid na ngumiti si Charmaine sa ginang, "Siguro po, yung kaibigan kong si Adelle ang gagawin kong maid of honor, at ang mga kuya ko naman po isasali sa mga groom's men. Mag-iimbita rin po ako ng ilang kaibigan ko sa university... Ibibigay ko na lang po ang mga pangalan nila sa susunod."
Lumawak ang ngiti ng Senyora, "Perfect! Now let's go to the dining room and have dinner," tumayo ang Senyora at lumapit sa kanya kaya napatayo na rin siya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi, "Nagpahanda ako ng mga paborito mong putahe. I asked your Mom about those, and made our chef cook those foods for you."
Alanganing ngiti ang ibinigay niya sa ginang, at saglit na napasulyap si Charmaine sa kanyang ina, "M-maraming salamat po, Senyo-"
"Oh dear! You call me Mama. You will be my daughter-in-law soon, and will be part of our family. So start calling me Mama, alright?"
Tipid na tumango si Charmaine, "O-opo, M-mama,"
"That's better. Come, let's have dinner before the foods get cold."