A/N : Hello po! This is my first work dito sa Wattpad na ipupublish. Sana po magustuhan niyo at sana, mainspire at may matutunan kayo..
You can Vote po if you want and if you want din po, pwede niyo din akong iFan. haha :))
Comment, Like or Vote! Please?hehe :))
Province Girl’s City Adventure (AKALA KO LANG PALA)
This is a story about the adventure of a simple province Girl who was given the chance to enter and to study in her DREAM School. Ang pagpasok niya dito ang simula ng maraming Pagbabago na mararanasan niya. Mga pagbabago at karanasan na magmumulat sa kanya sa totoong sitwasyon sa kabilang mundo, ang buhay sa CITY.
Samahan natin siya sa kanyang pakikipagsapalaran..
_____________________________________________________________________________
Province Girl’s City Adventure (AKALA KO LANG PALA)
By Hapcher
PROLOGUE
Just when I thought that everything will be just a dream.
Akala ko, hanggang imagination ko na muna, ang makapasok sa Pinapangarap kong School na ito.
Akala ko, sa mga gawa-gawang stories lang nangyayari ang mga di kanais-nais at humiliating na treatment ng ibang students sa kapwa nito students.
Akala ko, di totoo ang mga Prince Charming.
Akala ko, hindi ko kayang makisabayan sa kanila.
Akala ko, Exaggeration lang ang pagkabaliw sa Pag –ibig.
Akala ko madali lang makalimot.
Akala ko, totoo na.
AKALA KO LANG PALA..
Ako si
Leila..
Isang simpleng dalaga na lumaki sa Probinsiya..
In short, PROBINSIYANA..
Subalit, hindi naman nahuhuli. Informed din naman sa mga latest..
Mahilig din kasi akong magbasa at magdiscover.
Marami akong gustong matupad na pangarap di lamang para sa sarili ko kundi, para na din sa Pamilya ko.
Magsesecond year college na ako sa kursong BS Accountancy.
Hindi kami mayaman dahil mahirap lang kami.
Simpleng mangingisda ang papa ko samantalang sa bahay lang si mama.
Scholar ako sa dati kong school kahit Public lang yun. Maganda din dun pero, mas maganda daw dito, sa Mamahaling Eskwelahan na ito. Ang aking DREAM SCHOOL.
Paano nga ba ako nakapasok dito?
Well, ganito lang naman po yun..
Last summer vacation, nagsummer job ako sa isang resort sa aming lugar. Isa kasi sa mga tourist destination ng bansa ang aming bayan. Naging guest namin ang taong tumulong sa akin para makapasok sa school na ‘to bilang isang scholar.
Oo, bilang isang SCHOLAR.
How come nga ba?
Naging malapit din kasi siya sa akin noon at ako din yung nakapagligtas sa pinakamamahal niyang anak mula sa pagkalunod. Hmm.. OA ba? Pero, pwera biro.. Nangyari talaga..
Medyo napabayaan kasi nung yaya. Di niya napansin na nahulog na pala doon sa Pool yung 3 years old na bata.
Nagkataon naman noon na papunta ako sa gate para salubungin yung mga bagong guests ng resort kaya nakita at nailigtas ko yun.
Medyo kinabahan ako noon ah kasi ang cute-cute pa naman. Sayang kung malulunod lang.
May lahing British yung nanay at Spanish naman yung tatay.
Receptionist nga pala ako doon sa resort kaya responsilbility ko ang pag-accommodate sa mga guests.
Pagkatapos nung nangyari, bilang pagtanaw daw ng utang na loob, inoffer niya sa akin yung opportunity na makapag-aral sa school daw nila bilang isang scholar.
Sabi niya kasi sa akin, deserve ko daw na makapag-aral sa isang prestigious school.
Madalas ko din kasi siyang makausap noon. So, nakwento ko sa kanya noon na pangarap ko talagang makapag-aral sa University of the Philippines kundi man doon, doon na lang sa school, na akalain niyo yun?
School pala nila?!
Kilala kasi ito di lang dahil sa mahal kundi dahil sa, maganda talaga ang kalidad ng edukasyon.
Nung una, tumanggi ako kahit gaano ko pa man kagusto iyon kasi, di naman ako humuhingi ng kapalit eh.
Responsibilidad nating tumulong kung kaya naman.
Nature natin yan bilang taong nilikha ng Diyos.
Sa huli, pumayag na din ako kasi nag-insist talaga sila. Ganoon sila kabait at kayaman! Di lang kasi sila may-ari ng school, may mga Hotel din sila, restaurants at iba pang manufacturing business.
At ito na nga, andito na ako. Mula sa Bicol, dito na nga ako sa Manila mag-aaral. Sa School Dormitory ako titira ng walang bayad, free tuition pa ako, may 5,000 monthly allowance pa at 5000 book allowance din every semester.
Ganun ang sakop ng scholarship ko. 90 na Gen. weighted average lang naman ang dapat kong imaintain eh. Kaya, sa tingin ko, kayang-kaya ko naman.
Di naman sila ganoon nahirapan sa pagtransfer sa akin dito kasi, matataas naman yung grades ko sa dati kong school.
Wait.. parang kanina pa ako nagkukwento pero parang di ko pa nababanggit yung pangalan nung tumulong sa akin.
Siya nga pala si Mrs. Ashley Morales.
Morales kasi di ba nga Half-Spanish ang asawa niya? Mga 27 years old pa lang ata siya. Half british yung papa niya at half- british din yung mama. Therefore, half-british at half-filipino siya. Asawa niya? Super yaman din.hehe
17 years old na nga pala ako at magi18 na this year. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin dito. Ang alam ko, siguradong mahihirapan akong mag-adjust kasi, mapapalayo na talaga ako sa pamilya ko at mayayaman at matatalinong tao din ang makakasalamuha ko compared sa dati kong school.
Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na dito na talaga ako mag–aaral.
Akala ko..
Hanggang pangarap ko na lang ‘to kasi to be honest, ang tuition dito sa isang taon ay halos doble lang ng annual Family Income namin.
BINABASA MO ANG
Province Girl's City Adventure (Leila's Journal)
Teen FictionThis is a story about the adventure of a simple province Girl who was given the chance to enter and to study in her DREAM School. Ang pagpasok niya dito ang simula ng maraming Pagbabago na mararanasan niya. Mga pagbabago at karanasan na magmumulat...