Sa buhay, may mga pangarap na akala natin hindi matutupad..
Pero, NATUTUPAD : )
May mga bagay na akala natin hindi mangyayari,
Pero, NANGYAYARI..
Higit sa lahat, ay ang mga bagay na akala natin totoo na..
Pero, hindi pa pala..
Kahit ano mang rason, ganyan talaga siguro ang buhay..
May mga bagay na nalalaman natin pero maraming bagay pa rin ang nanatiling misteryo..
Kahit saan man tayo dalhin ng kapalaran..
PANIGURADO, May MAGANDANG RASON ang bawat bagay : D
Ako si Leila at ito ang aking PAKIKIPAG-SAPALARAN..
Journal entry # 1
July 1
Kahapon, nawala ang Journal ko. Ang Journal kung saan ko naisulat ang mga una kong karanasan dito sa University. Hindi ko alam kung paanong nawala. Basta, hindi ko na lang mahagilap kung saan. Hay naku nga eh! Sayang yung mga entries ko dun. Pero, ika nga.. Life must go on. Kaya eto, bumili nalang ulit ako at personalized pa.
Malapit na nga rin pala akong mag-isang Buwan dito. Kahit hindi pa isang buwan mula nang pumasok ako dito sa University, sobrang dami nang mga nangyari. Akala ko noon, mahihirapan akong makisalamuha sa mga estudyante dito, pero akala ko lang pala ‘yun.
Marami-rami na rin akong naging kaibigan dito tulad ni Sandra, ang roommate ko sa Dormitory at si Mae at Nico na blockmates ko. Meron pang isang tao na hindi ko lubos maisip kung paano ko nakalapit, si Vince. Isa siya sa mga pinaka-kilala dito sa Harrison University. Kaibigan niya si Mart na siya namang anak ng may-ari ng University. Hindi ko alam kung paanong nangyari na ang isang probinsiyanang tulad ko, mapapansin nila. Ahm, actually ni Vince lang pala. Si Mart kasi, hindi naman ako pinapansin nun. Suplado yun eh pero, hindi ko maikaka-ila na gwapo siya. Hal-f-british kasi.
Mamaya nga pala, lalabas kami ni Vince. Niyaya niya kasi ako. Hindi ko alam kung Date ba ‘yung matatawag pero kung Date nga ‘yun, iyon ang magiging First Date ko. Kinakabahan ako. WAAH! Ano kayang susuutin ko? Di bale.. Tutulungan naman ako ni Sandra eh.
Sana, maging maganda ang araw ko. Sana, maging masaya din ang paglabas namin ni Vince mamaya. WAAAH! Excited na talaga ako!!
Nagiging hectic na rin pala ang schedule namin kaya baka, hindi na rin ako araw-araw makakapag-sulat dito sa Journal. Pero, pangako, lahat ng mga memorable experiences ko, isusulat ko.
Lesson/ Realization:
“Lahat ng nawawala, nakakabalik rin sa takdang panahon..”
--Leila <3
____________________________________________________
Hapcher’s note:
To all readers of Province Girl’s City Adventure, this is all especially dedicated to you.
And yes, this is the continuation of it : )
Sa lahat ng mga magiging readers nito, I want to tell you all that, I will make this story a realistic one. This is about an adventure of a girl.
Hindi lang ito basta iikot sa LOVE. This is also about lessons of Life.
Best for every student. Gusto ko talagang i-share ito sa lahat : )
Hindi lang dahil sa gawa ko ‘to kundi maging dahil sa gusto kong maka-impluwensiya sa iba.
Kung gusto niyo pong malaman ang mga unang karanasan ni Leila sa University, basahin niyo na lang po yung Province Girl’s City adventure. Pero, kahit hindi niyo naman mabasa yun, makakarelate pa rin kayo : )
HARRISON UNIVERSITY is a University na tulad ng De La Salle University.
Univeristy siya para sa mga may kaya sa buhay at maging matatalino na rin.
2 Semesters bawat Academic Year ang HU. May Pre-school, Elementary, High School at College.
May Masteral at Doctorate na rin.
Almost P60,000 per Sem ang Tuition.
Si Leila ay isang Scholar. Free Tuition, Free rin sa Dormitory, may P5,000 monthly allowance at P5,000 Book Allowance per sem.
Kailangan niya lang i-maintain ang General weighted Average na 90.
____________________________________________
Well, sana magustuhan niyo at masubaybayan : )
Sana rin, matutunan niyo ang mga lessons na makakapaloob sa Kwento :D
*Lahat pwedeng mangarap kaya lahat Dapat ay Mangarap! Dahil sa pangarap nagsisimula ang lahat..”*
---- Hapcher<3
BINABASA MO ANG
Province Girl's City Adventure (Leila's Journal)
Novela JuvenilThis is a story about the adventure of a simple province Girl who was given the chance to enter and to study in her DREAM School. Ang pagpasok niya dito ang simula ng maraming Pagbabago na mararanasan niya. Mga pagbabago at karanasan na magmumulat...