Journal Entry # 6
June 18
Saturday
10:02 PM
Maganda din naman ang naging araw ko kahit na “nanakaw” yung pera ko.. Anyway, pera lang naman yun.. Pasalamat na lang ako at walang nangyaring masama sa ‘kin. Kahit na allowance ko yun next week.. kahit na alam kong mas kelangan ko na naman ngayong magtipid dahil dun.. Haay! Di ko pa din talaga maiwasan ang hindi malungkot sa nangyari. Bakit ba kasi ganun ang ibang mga tao sa mundo? Sana, maisip din nila na hindi lang sila ang nangangailangan. God always provides. Maniwala lang sila at dapat, kahit ano pa man ang mangyari, di pa din sila sumuko sa paggawa ng TAMA.
Magpa ganun pa man, at least, nakatulong ako..
Si Nico.. siya ang naging “savior” ko kanina.. haha. Di niya lang kasi ako pinautang para sa pagkain namin kanina sa Mcdo, hinatid din nila ako dito sa Dorm. “nila” kasi yung driver niya talaga yung nagdrive. Hehe.
Si Vince.. haaaay: )) Nubeyen! Napapangiti na naman ako oh.. Erase. Erase. Kelangang pigilan habang maaga pa kahit crush lang ‘to. Crush? Antok lang ulit ‘to.
Maiba tayo, kelangan ko pa palang mag-aral para prepared next week. Mag-isa na naman ako dito sa room. Di ko tuloy maiwasan ang di malungkot. Namimiss ko na din kasi ang Pamilya ko at siyempre, ang Bicol..
Lesson for today:
“There are always Good reasons behind every situation.. Just look at the brighter side.”
Leila <3
BINABASA MO ANG
Province Girl's City Adventure (Leila's Journal)
Roman pour AdolescentsThis is a story about the adventure of a simple province Girl who was given the chance to enter and to study in her DREAM School. Ang pagpasok niya dito ang simula ng maraming Pagbabago na mararanasan niya. Mga pagbabago at karanasan na magmumulat...