Entry # 1: My First day
June 13
Monday
10:15 PM
Naligaw ako kanina.Nagtanong ako, natarayan naman.May nakabungguan ako at ako ang nasigawan.Natulala ako. Mali ang unang napasukan kong room. Kaya, Late ako sa first class ko. Naipahiya ako sa klase. Haaay! Yan ang mga nangyari sa akin sa unang pasok ko sa classroom ng school na ‘to.
After all, may naging mabuti din naman sa ‘kin. Tinulungan niya akong magdala ng armchair.Ang gwapo niya. As in! Siya si Vince. . ang unang tao dito na nagsabing, “ang Cute ko daw” . Cute daw ako?!
Maganda yung canteen ng school.Malaki, malinis, masasarap ang pagkain pero mahal naman. In short, classy. Pero, kung gaano kaclassy ang lugar na yun, ganun din naman ka poiseless ang nangyari sa akin kanina. May tinulungan ako pero nadamay pa ako. Ang masama pa, mas Nabad vibes pa ata sa’kin yung isa. Si Mart. Anak ng may-ari ng school. Hindi ko alam pero di ko talaga maiwasang magworry kapag naiisip ko yung sinabi niya sa ‘kin kanina. : (( ayoko ng gulo dito.
Dumating ulit si Vince that time at yun din ang time nung sinabihan niya akong cute daw ako.Namula ata ako nun.Hehe : )) pero, antanga ko! Sa sobrang pagmamadali ko kanina para makapagevacuate sa lugar na yun, medyo nadeadma ko siya. Nakabangga pa ako sa pinto. Haay! Triple-tripleng kahihiyan! Tsk.
Nakilala ko na pala ang mga kablock ko. So far, napakafriendly nila.Mukhang mababait at mga responsible sila.Akalain mo, si Mae? Yung tinulungan ko kanina. JPIA officer pala siya.Mabait.
Maganda nga pala talaga ang system nila dito especially sa mga courses na may BOARD EXAM. By block, may retention Policy din.
Lesson for today:
“Not all that starts badly ends badly, too. It depends on how we’ll react to every situationand on how we see it.”
Think positive always! : ))
--Leila <3
BINABASA MO ANG
Province Girl's City Adventure (Leila's Journal)
Teen FictionThis is a story about the adventure of a simple province Girl who was given the chance to enter and to study in her DREAM School. Ang pagpasok niya dito ang simula ng maraming Pagbabago na mararanasan niya. Mga pagbabago at karanasan na magmumulat...