Chapter 2: "New-Found Ones" (Cont. story of First Day of Classes)

208 9 9
                                    

A/N : After this, Focus  na muna sa Studies!  Malapit na ang MIDTERM Week!

Vote or Comment po!

_________________________________________________________________________________

Chapter 2

Cont. story of First Day of Classes

“New-Found someones”

Pakakuha ko ng order ko, naghanap agad ako ng pinakamalapit na table.

Halos lahat ata may tao. 

May mga nagbabasa..

yung iba, nakaharap sa Laptop palibhasa, Wi-Fi campus itong school.

 May mga tao ding mga kaharap agad calculator at sa tingin ko, mga Accountancy students din yun..

May mga nagreretouch, nakikipagchismisan at siyempre..

 kumakain.  Remember?  Canteen po ito.  Hehe.

Hanap. Hanap. At yun!

Mag-isa lang si girl sa table. 

Malaki din naman ‘yun kaya siguro okay lang if makikishare ako sa kanya.

 Tahimik lang siya, maputi, curly ang dulo ng hair niya, mukhang matalino kasi may eye glass. 

Mukha naman siyang mabait.

“Pwede makishare?” tanong ko.

Tumango lang siya bilang tugon..

Ang tahimik namin.

Gusto ko sana siyang kausapin kaso, baka deadmahin lang ako.

 Malay ko ba kung katulad din siya nung ibang students dito.

 Speaking of..

Parang nakikita ko ata silang papalapit sa’min..

Tugudugtugudug..

Medyo kinabahan ata ako. 

Feeling ko kasi, may di kanais-nais na mangyayari..

Nagsimula na lang akong kumain. 

Medyo mabilis na din para makapag-evacuate na ako mula sa lugar na ‘to.

Subo. Subo ulit.

Tugudugtugudug.. ( Tibok ng puso ko yan.)

Wait..

Parang may mga huminto ata sa may table namin.

Angat ulo.  And..

Halaaa!  What do those looks mean?

Para bang.. ano-pang-ginagawa-niyo-dito looks??????

Tumayo na si Girl na katapat ko sa table samantalang ako..

Heto, nakatanga pa din sa kanila. 

Puzzled.  Anong meron?

Maya-maya, parang natisod ata si girl??!!

PINATID  ata nung isa?!  Hmp!  Nagtawanan pa yung ibang nasa canteen.

Kinuha ni babaeng maarte yung juice ni girl tahimik at..

Binuhos sa kanya..

“Sorry ha?!  Di ko sinasadya..”   with matching pout at simpleng  tawa pa..

Province Girl's City Adventure (Leila's Journal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon