Chapter 1: Welcome to the University

338 14 10
                                    

A/N: Medyo inedit ko na din po yan! Vote or Comment po if you want!

_________________________________________________________________________ 

Chapter 1

Welcome to the University

“Grabe! Ate Jane, di pa din talaga ako makapaniwala! Ang ganda nung School. Ang laki talaga. Ang ganda din nung Dormitory.” 

Andito nga pala ako ngayon sa Alabang, sa apartment ng mga pinsan ko. 

Bale, itong si Ate Jane nga pala ay isa sa mga pinakaclose kong pinsan kaya very open talaga ako sa kanya. 

Okay lang naman itong apartment nila. 

Bagong renovate  kya, lumaki-laki na din kahit papaano.

“ lei, deserve mo yan..  Napakalaking opportunity yan para sayo.  Mag-aral ka ng mabuti dun at always make your family as an inspiration.  Wag kang basta-basta magpapa-api dun pero, wag ka ding makikipag-away! “ 

Sabi ni ate Jane. Actually, ganyan din yung sabi sa akin ng parents ko bago ako lumuwas.  Haay! Namimiss ko tuloy sila.

 “Don’t worry! Di naman po ako ganun. I’ll behave in the very best that I can.  Pasensya hangga’t kaya.  Malay ko ba kung maraming spoiled dun. Tsk!” sabi ko sa kanya.

So ayun.. hinatid niya na din ako sa Dormitory.

Halos 2 hours din ata ang biyahe namin papunta dito sa Quezon City. 

Medyo traffic din kasi, bukas na yung start ng classes. 

Marami nang estudyante ang nagsisibalikan sa Metro Manila mula sa kanilang mga probinsiya.  Mga pasado alas 3:00 na kami nakarating dito sa Dorm.

 Nagandahan din talaga si Ate Jane. Haha :D Gusto niya din talaga kasing makarating sa school na ‘to.

 Masaya talaga  silang may pinsan na silang makakapag-aral dito. 

Yung mga  pinsan ko kasi, private din yung school nila pero, yung mga  hindi naman ganoon kakilalang school sa Pinas. Hehe : )

 Pagkatapos ng paalamanan namin ni Te Jane, ayun, bumalik na siya sa Alabang.

“Hmm.. Mga 6:00 na, bakit kaya wala pa yung room mate ko?”  tanong ko sa sarili ko.

Well, 2  lang kasi kami sa room kaya malamang kung wala pa siya, ako pa lang dito.

Maya- maya, may narinig na akong pumapasok sa kwarto. 

At sa tingin ko, yung roommate ko na nga yun! Tumayo ako at nag “Hi” sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at dumire-diretso na sa bed at locker niya.

Ito kasing room namin, malaki din.

2 single bed at may tig-isang malaking locker at tig-isa ding study table.

 White at pink ang kulay nung pader. Tiles din yung sahig at malinis at maaliwalas talaga tignan.

Dati, nung nasa Bicol pa ako, nagboboard din ako pero, 4 kami sa kwarto, di nga kagandahan yun at medyo makalat din.haha .

Icompare ba? Pero, totoo, halos 1/3 lang yung itsura ng boarding house ko compared dito sa bago . 

Kulang-kulang  1 oras may kalahati din ang biyahe mula sa bayan namin papuntang school ko dati kaya nagboarding house ako. 

Sa City din naman yun pero, compared dito sa Metro Manila, malayo pa ang agwat ng PagkaCity nun..

Malaking building nga pala tong Dorm na halos sa loob lang ng School.

 4-storey ‘ to at sa tingin ko, mga 50 ang rooms at bawat room, may kanya-kanyang CR.

 Pangmayaman talagang dorm.

 Kaya, ang swerte ko at libre ako.  Magkano nga kaya ang bayad dito noh?hmm..

“Kelan ka lang dito?” 

kinakausap na pala ako nung roommate ko. Kahapon ko pa ‘to nakita pero halos ngayon ko lang mas narealized na ang ganda pala talaga nitong Dorm.

“Aah, kahapon pumunta na ako dito pero umalis din kasi, dun muna ako sa pinsan ko nagstay tas kaninang around 3 ako nakarating ulit dito.” Sagot ko.

“Aaaah.. By the way, I’m Cassandra Kho from Cebu and you are?”

Kaya pala tsinita kasi may lahi talaga siyang chinese.haha.  Ang cute niya. Halatang may kaya sa buhay.

“I’m Leila Reyes from Bicol.”

“Nice to meet you! Sana magkasundo tayo.  But I think, di naman yun mahirap kasi, mukha ka naman mabait.”

“Ikaw din! Mukhang napakabait mo.” Sabi ko din sa kanya. Pero, totoo naman talaga. Angelic kasi yung mukha niya.

At yun ang start ng aming long conversation.

 Nalaman ko din na 1st year pa lang pala siya. 

Mag18 na din siya pero iba kasi yung system sa Chinese school na pinasukan niya sa Cebu. 

Kagagraduate niya lang from High School.

May business ang Family nila sa Cebu.  So, may kaya nga talaga. 

Nagshare din ako sa kanya.

 Naging honest ako, siyempre. 

Naniniwala talaga kasi akong, Honesty is the best Policy! Haha:D

ano daw?

Well, yun nasabi ko nga sa kanya na scholar lang ako kaya ako nakapasok sa school na ito. 

Mga maga12:00 na din ata kami nakatulog.

Pareho kaming excited para bukas sa First day of Classes.   Exciting talaga! As in!

Ano kaya ang mangyayari bukas? Marami kayang mga gwapo akong makikita?

Wait,  bakit ko ba yun naisip?

Erase. Erase.

 Lei, remember, andito ka para mag-aral at hindi para sa iba pang bagay na makakdistract lang. Haha :D

At ayun na nga, nakatulog na ako after kong magpray.

Province Girl's City Adventure (Leila's Journal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon