Warning! 'Wag pong gayahin ang mga nakalakip na salitang maaaring ikakasakit ng loob ng kapwa mo. Please beware and be aware.
Chapter 2
500 meters to Petron Station, see you.
Buti pa ang sign board may patutunguhan. E ako ano? NGANGA!
Hindi ko na alam kung ilang kilometro na ang nilakad ko. I don't know where to stop because all I want is to forget the past. Gusto kong kalimutan ang mga nangyari kanina. Gusto kong tumubo ulit mula sa pagkakalanta.
"Everything will just go on smoothly — and I am hoping that this pain won't affect me anymore," napapaisip na lang ako sa wala. I don't know how to reassemble my brokenness. Dahil lahat ay parang wala nang halaga para sa akin.
Everything don't have an importance anymore.
Umupo ako sa bench at saka tiningnan ang mga dumadaan sa kalsada. Maraming mga street vendors ang pagala-gala, dagdagan pa ng mga pedicab driver at mga estudyante na tumatawid sa pedestrian lane. Habang tinitingnan ko silang lahat, mas lalong sumasakit ang ulo ko. Siguro nga'y hindi ako nasanay sa maraming tao.
"Miss, alam mo ba kung saan may comfort room dito?" napaangat ako ng tingin, nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.
Isang lalaki ang lumitaw sa harapan ko. He's also wearing his school uniform. Medyo may kataasan, matangos ang ilong at mukhang mabango pa. Mabibilog ang mga mata at medyo kulot 'yung buhok at saka red lips. He's somewhat new to my sight. I don't know if I've seen him before. Teka, kanina lang parang binagsakan ako ng langit at lupa? Marahil epekto na nga 'to ng gumagalang Zika virus.
"Paturo naman o, talagang sasabog na 'tong dala ko," muli niyang sabi.
Tinignan ko siya, nanginginig ang kanyang mga binti't kamay. Nagtataka ako, siguro nga'y naiihi ito.
"May alam ka ba?" nagmamadali niyang tanong.
May ganito na pala sa ngayon, instant Giniei na nanghihingi ng tulong? Naku, baka blessing in disguise pala ang lalaking 'to at mukhang mabait din naman.
"Sa totoo lang pareho lang tayo na walang kamuwang-muwang sa lugar na 'to," saad ko na parang nag-aapologize dahil mukhang naiihi narin siya. Kitang-kita ang pamumutla niya. Kawawa.
"Mukhang lalabas na kasi 'tong dala-dala ko," nagsusumamo niyang saad habang ang dalawang kamay ay abala naman sa pagpigil ng ihi niya.
"Lalaki ka naman at saka pwede ka namang umihi sa gilid-gilid diyan. Hindi kailangan maghanap ng C.R. Hindi naman siguro malaki 'yang baston mo kaya pwede kang magchuchu tatalikod lang ako," pasimple akong ngumisi.
Simangot ang natamo ko mula sa kanya.
"Hell, hindi ako naiihi!" pagtatanggi niya na siya naman ang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Infidele - Unfaithful
General Fiction[Completed] "Roses promise heart, deaths promise love." Faith Khaftia Acevedo continues to caterwaul after they cool off. She doesn't stop blaming herself for loving the man whose heart is untrue. She cries harshly and let her anger escapes. She has...