Chapter 4
Sumunod lamang ang paningin ko habang palayo siya nang palayo sa kinatatayuan ko. Walang isang minuto ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, parang isang application na isang pindot lang ay awtomatikong na-uninstall. Parang gusto kong ibalik ang oras. Pero talagang malabong mangyari ang hinihingi ko.
You can't bring back time, because past is already part of history.
"I'm hoping that we will meet again for the second time, Priya." Walang kagana-gana kong sambit habang nakatunganga na tipong naghihintay na masusubuan ng pagkain. Ibubulong ko na lang 'to sa hangin, malay mo baka sasagutin ako.
Inayos ko muna ang sarili ko bago umaktong umalis sa kinatatayuan ko. Talagang walang mangyayari kung maghihintay lamang ako sa wala. Get a life, Faith. Just go on and enjoy every millisecond you have.
"Faith!"
Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa likuran. Parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko na lumingon na walang utos galing sa utak ko. Napakunot ako bigla. He was giving me a big confusion in my mind.
"Bakit ka bumalik? Hindi ka pa ba tapos na paglaruan ako?" Suhestiyon ko na may halong pagdududa.
"I forgot something."
Ito na ba 'yun? Ito na ba ang sagot sa mga hinihiling ko? Did the time stop for a moment? "Baka stepping stone na 'yan na magkakalablyp ka ulit?" Sambit ng kabilang isip ko.
Tiningnan ko siya nang maigi mula ulo hanggang paa. Gwapo nga siya, isang simpleng lalaki na hinahanap din ng isang simpleng babae. Sino bang hindi magkakagusto sa isang lalaking sandali ko lang nakausap ay parang nahuhulog ako ng dahan-dahan. Pero hindi ko pa rin gusto ang lalaking masama ang ugali! I am looking for an attitude not because he's handsome or charismatic. Priya is just a legitimate guy with a good appearance outside. Hindi siya pogi 'pag kinatay ang totoong laman niya. Kumbaga sa isang ginto na kung tinignan sa malayo ay daig pa nito ang bagong shave na kili-kili ko dahil sa sobrang kintab nito. Pero kapag tinignan mo sa malapitan doon mo lang malalaman na peke pala ito!
"I said, I forgot something." Pag-uulit niya sa ikalawang pagkakataon na parang pinapakita niya na nabibingi ako. 'Wag mong sabihin Priya na magnanakaw ka ulit ng isang halik sa pisngi bago umalis? Hindi ako papayag sa pagkakataong ito.
Hindi mo ako maloloko!
"Tigilan mo nga 'yang kakaenglish mo. Nakakapangit dinggin! Love your own language, aber." Matigas pa sa bato na sabi ko. Sabi pa nga ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda "Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda." Take note, kumpleto ang pagkakasabi ko ng pangalan ng ating pinakamamahal na pambansang bayani. Syempre may respeto ako sa kanya. Mema.
BINABASA MO ANG
Infidele - Unfaithful
General Fiction[Completed] "Roses promise heart, deaths promise love." Faith Khaftia Acevedo continues to caterwaul after they cool off. She doesn't stop blaming herself for loving the man whose heart is untrue. She cries harshly and let her anger escapes. She has...