"ok sige. mag work ka na ulit. baka naiistorbo kita."
gusto ko ng tapusin ang away na toh. wala na ako sa mood makipag usap.
"bakit ka ba talaga nagalit? Please, wag naman sana natin palakihin ang kasalanan ko. Sorry hindi naman kasi ako perpekto katulad mo. Sorry ah"
"hindi ako galit. paulit ulit kong sinabi na ok lang. ikaw lang ang nagsasabi na galit ako" sabi ko habang pinipigilan lumabas ang luha sa mga mata ko.
I was shocked when I heard him say those words. Kahit kailan hindi ko naisip na masasabihan niya ako ng ganyan at mataasan niya ako ng boses. We weren't like this before. We were deeply in love and extremely happy. Well, we're still happy but not as happy as we used to.
***
Ang aga pa pero badtrip na ako. Yung feeling na ang sarap manapak ng taong haharang harang sa daan. Yung sigawan yung mga mag jowa na masyadong PDA. Yung sampalin yung mga taong nakangiti palibhasa hindi sila late sa trabaho. I was in a hurry on my way to the Lecture Room A. nyemas!! Litsi!! Pisti!! late na late na talaga ako! Halos lumipad na ako sa sobrang bilis ng takbo ko. Tsss! Nakakawala ng ganda. Effort pa naman ng outfit ko ngayon. Skinny jeans, cute blouse at cute sneakers. Curse that walking pen my best friend gave me!!! -_- kung san-san kasi pumupunta, nagpapahanap pa. masyadong paimportante.
Our supervisor Ms. Vanessa, Ms. V for short, called an emergency meeting for some project thingy. Good thing I'm kinda friends with her kaya hindi ako masyado mapapagalitan at buti na lang hindi siya katulad ng ibang boss na mahilig magpahiya ng employee.
I saw my co-workers already taking down notes as soon as I entered the room and woah! they're really listening XD Madalas kasi naglalaro lang sila (or should I say "KAMI") ng cp, nakikigamit ng wifi para mag facebook, nagtetext or nakatulala lang pag may meeting. Malamang seryoso toh at malaking project ang nakasalalay.
I sat next to Ate Celine sa may 4th row, wife siya ng cousin ko. Medyo close naman kami kaya natanong ko sa kanya kung ano yung mga unang sinabi ni Ms. V. medyo sapilitan pa ang pagsagot niya kasi nag iinarti siya. Haha! Kailangan pang kulitin at daldalin ng bonnga eh. Pero alam ko naman hindi niya ako matitiis *u*
"Magkakaron tayo ng website orientation regarding sa website ng City Council at mga ordinances" sabi ni Ate Celine habang nakikinig. Si Ate Shine na ang nagsasalita. Siya pala ang gagawa ng modules para sa website orientation.
"oh kelan daw ang start? Eh diba may iba pa tayong project na ginagawa for tourism?" naiinis ako kasi gutom na din ako. Tapos natataranta pa ako sa pagsulat ng minutes sa meeting na toh.
"end of January or 1st week of February ata" sagot niya habang nagsusulat. Ganun kasi sa office, kailangan lagging may records ang meeting,.kailangan lagging may kopya.
Dahil hindi pa halos magkakakilala ang mga tao sa loob ng Lecture Room A, napagtripan ni Ms. V ang mga staff niya. Isa-isa niya itong pinatayo at inabutan ng mic para iintroduce ang mga sarili nila.
First nag introduce ang galing sa Legislative Unit, next ang LAN kahit sila ata ang pinaka onti. Staff ako ng Tourism kaya isa ako sa mga pinaka last na nagsalita.
"hi. I'm Nica from Tourism Unit" mahina kong sabi nung iabot ang mic sakin. Gusto ko pa sana kumaway at mag smile ng bonggang bongga!! Pero aba! Mahiyain kaya ako, hindi nga lang halata. ^__^v
"oh nagsalita ka na kanina ah"
"naduduling na ba ako?"
"bakit bigla kang tumaba?"
Singit na pang aasar ng mga tao dahil sunod na nagpakilala ang kambal ko. Yes! Unfortunately I have a twin sister. Wahaha! Joke! Labs ko yun ;) Magkasama kami sa iisang department, buti nga pumayag ang office na ihire kami pareho.
Afterwards, nag explain na ulit si Ms. V at Ate Shine ng mga gagawin. Legislative unit, LAN, Tourism and CCRIU ang kasama sa website orientation. Pinag-usapan ang magiging groupings at kung saan maaassign. 3 teams ang assigned sa schools. 5 teams naman ang sa barangay. Each team has 4 members. dalawa para sa speaker at 2 para sa technical.
Member ako ng group 1. Kasama ko si Prince, Sir Ed, at Kuya Don. kung minamalas nga naman, isa ako sa mga napiling speaker. Maeexpose ako masyado!!! O.o
Pinilit ko sila na gawin na lang akong member ng technical, like duh! Magaling kaya ako sa computer at projectors. Isa nga ang computer literate sa mga skills na nakalagay sa resume ko eh ^__^ pero ayun. Wala eh. Di kinaya ng aking powers T.T it hurts. It hurts a lo!!! <//////3 hindi ko na mapaninindigan ang pagiging mahiyain ko sa mata ng mga taong ito </////3
Once kasi nasanay ako magsalita kasama sila, boooom! Hindi na ako titigil. Hahaha ^o^
Makakaangal pa ba naman ako? Takot ko lang. baka mamaya mawalan ako ng trabaho ng wala sa oras. Oh no! I need to save for my future! Pano na lang ang dream house ko? Ang around the world. Ang kasal!!! Ay wala pala akong boyfriend. Haha! Pano na lang ang dream wedding ko?!!! So pft. No choice.
Finally, I've decided na making na talaga sa meeting and as soon as tumingin ako sa harap, nakita ko ang isang lalaki. Tall, dark? Medyo. Handsome? Well, para sakin he's handsome. Para sa iba, wala akong paki. Haha! Ang kyoooot niya! bagay na bagay sa kanya ang jeans at plain white t-shirt. Parang dumilim ang paligid at sa kanya lang naka focus ang liwanag. Sakin naman naka focus ang aircon dahil super naninigas na ako sa lamig..haha!
Love at first sight? Malamang hindi kasi nakita ko na siya dati pero di naman ako nainlab XD crush lang siguro. Ayie! Nag vivibrate ang hotness kong katawan! Kinikilig aketchii :">
Eeeh. Naka smile ako hanggang matapos ang meeting. Magiging masaya sana ang orientation project kung kasama ko siya sa group, kaya lang hindi. Kambal ko ang kasama niya sa group pati si Ate Shine. Ang malas naman ng araw na toh para sakin T.T
Mabait kaya siya? Parang snob naman. Magiging close kaya kami? Exciting toh!! ^o^
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide
Fiksi UmumWhat happens when two different people with different personalities meet? Is LOVE possible to prosper? Can their love overcome their differences? Based on a true story.