What happens when two different people with different personalities meet? Is LOVE possible to prosper? Can their love overcome their differences?
Based on a true story.
"Hi. Ako si Niña. Kami ay galing sa Office of the Vice Mayor and we're here to discuss the City Councilor's website."
Narinig kong nasisimula na ang twinie ko na mag orient sa kabilang classroom. February na at start na ng aming city project . nagstart kami mag meeting at practice nung December pa kaya matagal-tagal din ang paghahanda.
Naging assistant muna ako sa first day at hinayaan na si Kuya Don muna ang magsalita sa harap para magkaron ako ng idea kung pano mag intro at paano ang tamang pag discuss...
Naunang matapos mag orient ang team namin. Lumabas ako at pumunta sa kabilang classroom kung san andun ang twinie ko at si Dylan. Naka white polo shirt at jeans na naman siya pero bakit ang lakas ng dating niya sakin. Ang swerte ng kambal ko, makakasama niya palagi si Dylan.
*click*
nakita kong pinicuran ng kambal ko si Dylan gamit ang digicam na pinahiram ng office. Required kaming gumawa ng documentary at reports per school na pinupuntahan naming.
So ayun na nga......ngumiti si Dylan at may kasamang peace sign pa sa dalawang kamay. Maygaddah!!!! First time ko siyang makita na ngumiti ng ganun. Namumula ang mukha niya at halatang nahiya sa posing na ginawa niya. Paps, lalo mo naman ako pinapafall niyan HAHAHAHA
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*****
kras din kaya niya si Dylan? pano kung kras nila ang isa't- isa akala ko ba may something sa kanila ni Ate Shine sana maging close na kami
Nababaliw na naman ako. Matindi talaga ako tamaan pag may kras ako. Alam niyo na, nag iimagine, nag hahangad. Pano ba naman, 22 na ako and ang last bf ko eh 2nd yr college pa. Sino ba naman di gugustuhin makita si Mr. Right diba.
Pabalik na kami sa office. Kasama ko sa sasakyan sina Prince, Sir Ed, Kuya Don, Twinie ko, Dylan, Ate Shine at Ate Celine.
hawak ko ang cp ko habang nanonood ng videos ni Yukibebe ko (member siya ng boyband na 1:43), dahil solid yukista ako, nakikikanta din ako sa favorite kong Sa Isang Sulyap Mo.
"Bakla naman yan eh" sabi ni kuya Don ng Makita kung ano ang pinapanood ko.
Papatalo ba ako?
"ooooh tubol!! baka ikaw ang bakla" pang aasar na sagot ko.
tubol ka pala eh bakla ka pala eh kiss kita uxztoh mo?
nakiki-asar na din ang mga kasama namin habang nagtatawanan. As usual, si Dylan nakikitawa lang at di pa din makatingin sakin. "Dylan, tawa ka lang ng tawa. Magsalita ka naman jan" pasimpleng banat ko. Ayan. Ako na gumawa ng first move para mag usap kami.
- - - - tumingin lang siya sakin.
di nagsalita. Pero PAK! Tumingin na siya. tinignan niya ako na hindi naman mukhang irritable ang mukha dahil sa pang aasar ko. Ito na ba ang simula?
"luh tingin pa siya eh" tuloy ko sa pag aasar na syempre may halong paglalandi na dapat di halata. Ganyan dapat, low key lang HAHAHA
"gusto mo makita si Dylan na maingay?" banat ni kuya Don. "di lang maingay, nagsasayaw pa" gatong naman ni Sir Ed.
Sila Sir Ed, Kuya Don, Kuya Rey, Calvin ang mga kasama ni Dylan sa LAN Department. Si Prince at Ken naman ay OJT lang nila.
anyway highway......
"oo uxztoh ko yun!! Patingin ako"
may halong excitement at pagtaas pa ang kamay ang pagsagot ko. May pang asar na ako kay Dylan, makikita ko pa ang ibang side niya.
binatukan ni Dylan si Kuya Don since di naman niya pwedeng gawin yun kay Sir Ed dahil bukod sa mantanda na ito at ito pa ang head ng LAN. Hahaha
"wag."
yun lang.
yun lang ang sinabi niya pero what the!!! Parang lalong tumindi ang pagka kras ko sa kanya. Sinabi niya yun ng nakangiti pero may halong pagka mysterious pa din.
ooh paps. Gusto ko din mabatukan ng ganyan. Gusto ko din mahawakan ng palad mo ang ulo kahit alam kong amoy pawis ako HAHAHA
5 na ng hapon at pauwi na ang lahat. Si Dylan at ang video pa din niya ang topic ng makasalubong ko sila sa hallway. Nagkakaayayaan mag inuman, sa government din nag tatrabaho at ina at ama ko pero magkakaiba lang kami ng department kaya malaman sanay-sabay kami ng uwi.
natapos na naman ang araw na hindi kami nakapag usap.
masyadog pa-hard to get si paps. oras na para gawin ang next move ;)