Madaming klase at syle ang mga babae..
May one of the boys.
May feeling one of the boys pero naglalandi lang talaga.
May kikay at maarte.
May maldita.
May rich kid with a good heart.
May rich kid na walang heart.
May maganda pero panget ang ugali.
May panget na panget din ang ugali.
May ganda lang ang ambag.
May panget lang talaga.
May panget pero mabait na at matalino pa.
May madaldal at may sobrang tahimik.
Ako?
Ako yung pinaghalo-halo!
Di maganda pero feeling ko di din naman ako panget. HAHA
Di matalino pero di naman bumagsak nung nag-aaral pa.
One of the boys? Minsan. May mga tropa din naman akong lalaki, mas madami lang din talaga ang babae.
Maarte minsan pero pag tinamaan ng arte, asahan mo, sobrang arte talaga. Yung tipong, parehas kulay ng under garments at plantsado pa.
Maingay? Sobra! pero kaya din naman mag seryoso at makausap ng matino.
Klase ng mga lalaki? Parehas lang din sa babae. May mga maarte, tipong mas maarte pa sa babae.
May pa-cool kahit jologs naman talaga.
May mga cool tulad ng dancer, member ng banda at mahilig sa sports.
May matalino.
May bobo.
May gwapo pero maangas.
May gwapo pero humble.
May babaero.
Well...karamihan ay babaero. Panget man o Gwapo.
Si Dylan?
Pogi? Para sakin oo HAHAHAHA
Cool? Hmmmmmm... kung ang pagiging mysterious at cool..pwede na J
At ito pa..Skater boy siya. Nagkaron ng madaming sugat sa katawan dahil bata pa lang siya ay pag gamit na ng skateboard ang hilig niya. Although hindi payag ang papa niya sa sports na napili niya ay hindi niya ito tinigil. Medjo bad boy..super turn on HAHAHA
Matalino? Siguro. Di pa kami close para malaman ang mga bagay na yun.
Babaero? Hopefully not.
so ito na nga...
Flirting...ang ibang babae ay nagpapakita ng sweetness, or parte ng katawan. Obviously di ko kaya gawin, bukod sa hindi ako makinis dahil may skin asthma at eczema ako ay malaki pa ang tyan ko. In short, hindi ako sexy. Ang iba, lagging didikit na parang linta sa lalaki na hindi ko din kaya dahil sobrang halata naman yun.
paano na....ano ang dapat gawin...
pag di ka sexy at hindi ka din kagandahan? Idaan sa personality or idaan sa pagpapapansin (Nica style).
Pag may kras ako, maingay ako. Way para malaman niya na nag eexist ako. Di man niya malaman pangalan ko, atleast makita niya ang itsura ko. Mainis siya or matuwa? Bahala na muna sa umpisa.
Next, pag nasanay na siya na maingay ako, magpapakipot ako ng onti. Tahimik sa isang sulok ng mga ilang oras at dapat siguraduhin na alam yun ni kras. Para magtaka siya kung bat biglang nagbago.
Next, kausapin ang tropa na asarin kay kras. Imbes na mainis ako or magkunwari na hindi ko siya kras? Aamin ako. Ipapakita ko na gusto ko siya at makikiride lang sa pang-aasar ng tropa. Pero, pag nalaman na ng kras ko na gusto ko sila, nahihiya na ako ng totoo. Di na ako namamansin. Kahit tingin or ngiti di ko magawa. Ewan ko din kung bakit. Pero dahil sa ganun actions kaya mas nakakalito kung may gusto ba talaga ako or wala. Thoug makakausap pa din naman ako pag sa chat or text.
Effective naman siya nung highschool at college days ko kaya inisip ko gawin kay Dylan..so far, nag try ako maging maingay at tahimik pero ayun. Waley naman siyang pakialam. Next step? Since kakaiba si Dylan, kailangan ko muna talaga makipag close sa kanya.
Nag download ako ng game na medyo nilalaro na ng mga kaibigan ko.
matagal ko siya dinownload since parang pang matalino yung laro. Yung kailangan mag-isip. Ayaw ko ng ganun HAHAHA
"FLOW FREE" ang name ng application. Different colors na kailangan pagdugtungin at hindi pwede mag overlap sa ibang colors.At dahil medyo kumekerenkeng ako...
"Dylan,.matalino ka daw. Sagutin mo nga to" sabi ko ng magulat siya dahil tinabihan ko siya sa mini bus na sinasakyan namin pabalik ng office galing sa school orientation.
"akin na" sabay kuha ng cellphone ko at nag focus sa laro.
BOOM!! Simula nun, halos lagi na nasa kanya ang cellphone ko,.nag uusap kami pag di ko kaya yung level. Automatic siya na kaagad ang maglalaro. Next usap, pag binalik na niya sakin ang cellphone. Hindi ko alam na ganun lang pala kadali. Di kami madalas nagkakatabi sa sasakyan pero at least nakakausap ko na siya ng kami lang kahit mabilisan. Sana pala matagal ko na dinownload yung laro na yun.
*****
Gusto kong asarin kami. Pero lagi pa din siya inaasar kay Ate Shine. Wala pa din akong info kung may nililigawan bang iba si Dylan or kahit kung may ka MU man lang siya.
Nasa isang school kami na may maliit na kubo malapit sa basketball court. Tapos na akong mag orient ng Makita ko na nakaupo sa loob si Dylan at Kuya Rey. Lumapit ako. Tumakbo pa ako para mas mabilis, baka kasi maunahan pa ako ng iba at mawalan ng upuan. Umupo ako malayo kay Dylan. Technique para mapansin nila na kunwari ayaw ko siya makatabi,.
"Bakit naman anlayo mo kay Dylan? Diring-diri?" pang asar #1 ni Kuya Rey.
"Edi sige tatabihan" patawang sagot ko naman sa kanya. Lumapit ako at tinabihan si Dylan. Dinikitan ko siya na halos mahulog pa siya sa inuupuan niya.
"Bagay naman pala kayo oh" pang asar #2 ni Kuya Rey. Ayan na. gumagana na. Mga tropang mang aasar ang next step para mapabilis ang plano.
Nagulat ako,.napatayo ako bigla at napalit ng inupuan. Hindi ko inexpect na magagawa yun ni Dylan..
Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, pero since mas matangkad siya ng bahagya kesa sakin, hanggang sa tenga lang umabot ang ulo niya.
Hindi ko nakita ang mukha niya ng ginawa niya yun pero siguro nakangiti siya, dahil nung nakalayo na ako, medyo tumatawa siya.
"bagay daw tayo" sabi ni Dylan..nagtawanan sila ni Kuya Rey.
"oo nga bagay nga tayo"sabay alis at balik ko sa aking mga kagrupo.
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide
General FictionWhat happens when two different people with different personalities meet? Is LOVE possible to prosper? Can their love overcome their differences? Based on a true story.