Chapter 4

18 4 19
                                    

Friday na!!! Buti naman at di namin kailangan mag uniform ngayon. Though white polo shirt lang naman ang sinusuot namin, nakakasawa din kasi. Dumihin pa, eh alam niyo naman ako, sa super di mapakali sa isang lugar, uuwi ako na madumi ang damit ko.

Ako yung tipo ng babae na di mahilig mag ayos, as in, kahit powder at lip tint wala. Kahit mahaba ang buhok ko, bihira ako mag suklay. Saktong patuyo lang ng buhok sa electric fan tapos ponytail na agad. Gets niyo?

Pero pag na feeling kyot ako na super minsan lang mangyari, kahit papaano ay inaayos ko naman ang porma at itsura ko.

Nagpatali ako ng buhok sa nanay ko dahil di ako marunong pag ako lang. Nag powder ako. Nag skinny jeans at nag suot ng kyot na blue blouse. Since blue ang favourite color ko, I have a feeling na magiging maganda ang araw ko.

Last day ng trabaho para sa week na ito, meaning, next week ko na ulit makikita si Dylan. 1 month na lang at matatapos na ang school orientation project pero di pa din kami close. Oras na para kumilos kilos naman ako. Pero alam niyo kasi, pag may kras ako, nagpapapansin ako sa pamamaagitan ng pakikipag daldalan ng walang humpay sa ibang tao, sa pagtawa ng malaks at sa pagiging magaslaw. In short, basta dapat makulit ako. Super papansin diba. Mahiyain kasi ako pag mismong yung kras ko na ang nakausap ko.



Anyways, nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan habang papunta kami sa office ng mapansin ko na nakapila sa terminal ng jeep si Ken, ang OJT sa department nila Dylan.

"pa, gilid ka po, sabay natin yung officemate namin" sigaw ko sa tatay ko dahil malayo ang driver seat. Alam niyo yung yellow cab ng government na parang L300? Ganun yung company car na pinahiram samin.


so ayun na nga..


Hindi kami super close ni Ken kaya hindi kami nag-uusap habang nasa byahe. Nakakapag usap lang kami pag kasama ang Team Schools. Buti na lang anjan ang twinie ko para ientertain siya.

Bumaba kami sa sasakyan ng makita namin ang mga taga LAN na sina Kuya Don, Calvin at Kuya Rj.

"aba sabay kayo pumasok ah"
"Ken, nagbayad ka ba? Sir, mahilig mag 123 yan"
"something's fishy"


Pambungad na bati samin ng mga tubol HAHAHAHA magkakasama sila dahil bago pumasok ay naninigarilyo muna sila sa may maliit na tindahan malapit sa terminal ng mga tricycle sa likod ng building ng opisina. Ang alam ko maaga din lagi pumapasok si Dylan, pero ever since nakilala ko sila, never ko pa siya nakita sa hallway ng maaga.

Sinabay na nila kaming 3 sa paglalakad. Tinanong ko si Ken kung naninigarilyo din ba siya, ang sabi naman niya ay hindi, pero nainom daw siya ng alak (kahit di ko naman tinanong) -____- Napapaisip din tuloy ako kung may bisyo din ba si Dylan.


****


"gutom na ako"
"san ba tayo kakain"
"malayo pa ba?"


Paulit- ulit kong tanong habang naglalakad kami palabas sa napakalaking school ng QCPU (Quezon City Polytechnic University). Tanghaling tapat at kakatapos lang naming mag orient sa QCPU, ang nag iisang school na scheduled sa amin ngayon araw. Lahat kami ay gutom na at naliligo na sa pawis.

"May Mang-Inasal sa may labas lang ng school" sabi ni Kuya Don.
"Dun na lang. Unli Rice" excited na sagot naman ng twinie ko.

Lahat ay sumang ayon dahil masusulit namin ang food budget.
Isa-isa ng binigay samin ang pera para umorder. Nakadikit ang tingin ko kay Dylan. Nakahanap na sila ng mauupuan namin pero sa kasamaang palad, nakahiwalay sa table namin si Dylan. Napakatahimik talaga niya. Ang hirap iapproach.

Habang kumakain ay inaasar sa akin si Ken. May kumakalat na chismis na kras daw ako nito. Habang nasa orientation kami ay lagi itong nanonood sa akin. Tinabihan pa niya ako nung mag picture taking kami. Pero since mabait ako, nakikiride na lang at bumabanat din ako.


***


Tapos na kumain ang lahat at nagkkwentuhan na lang. Biglang nagpaalam ang mga lalaki maliban kela Prince at Ken na lalabas lang daw muna sila upang magpababa ng kinain.

"Dito lang daw si Ken kasi andito si Nica"
"Ken, tabihan mo naman siya"


Pang asar nila habang sabay-sabay na tumayo at nag naglakad palabas ng Mang-Inasal. Nakatingin pa din ako kay Dylan pero syempre yung hindi halata. Pumunta sila sa may matandang nagtitinda sa gilid. Nagtatawanan habang may binibili.

Si Calvin ang unang nagsindi ng sigarilyo. Katabi niya si Dylan, grabe ang payat pala talaga niya pero hindi naman yung tipong isang uod na lang ang pipirma or yung tipong tatlong ubo na lang HAHAHAHA matangkad din kasi siya kaya mas halata ang pagka payat niya. Tsaka chubby din si Calvin kaya alam niyo na HAHAHAHA

Naka Blue din siya, destined talaga kami, pero bakit wala pa din nangyayari. Mas inaasar pa ako kay Ken kesa sa kanya. Akala ko pa naman ito na ang tamang panahon para sa aming dalawa.

May inabot si Calvin kay Dylan. Ngumiti naman ng pagka ganda ito dahil sa binigay ni Calvin.

"Naninigarilyo din pala si Dylan?" tanong ko sa mga kasama ko ng makita kong humithit na siya ng sigarilyo.

"Oo Te Nica, sabay-sabay sila naninigarilyo pagkatapos kumain ng tanghalian. Pero si Kuya Dylan, minsan lang sumama sa umaga or sa hapon" sagot naman ni Prince. Mas close ko siya kesa kay Ken dahil siya ang ka-team ko.


TURN OFF.


Major major turn off ang naramdaman ko. Isa sa ayaw ko sa lalaki ay yung naninigarilyo. May asthma kasi ako at hindi ko din ma-take ang amoy ng yosi.

Bumalik na ang mga lalaki sa loob ng Mang Inasal at inaya na kaming lumabas dahil hinihintay na kami ng driver para bumalik sa office.

"Naninigarilyo ka pala" pasimpleng tanong ko kay Dylan.
Tumango lang siya habang nakangiti.


***


N: "Ken samahan mo ako"
K: "Sige. Saan ba"
N: "Sa Doctor, magpapatingin ako"
K: "Hala bakit"
N: "Andami ko na kasing nararamdaman para sayo eh"

Yown!!. nagbabanatan lang kami at nagsimula na kami maging close ni Ken. Alam naman nila lahat na sinasakyan ko lang ang mga biro nito, at nag eenjoy din sila kaya walang pumipigil sa amin.

K: "Dalawang beses lang naman kita gusto makasama"
N: "talaga? Kelan"
K: "Now and Forever"
N: "Ako, isang beses lang kita gusto makasama"
K: "oh? kelan naman"
N: "Gusto kita makasama sa pag tanda"

HAHAHAHAHAHAHA tawa lang sila.. havey na havey pa ang jokes na yan noon. Lalo kaming inasar sa isa't-isa. Pero di pa din ako maka move on sa nalaman ko. Imbes na sa kanya ako mapalapit, kay Ken naman ako naging close tapos may nakaka turn off pa na bisyo itong si Paps Dylan.

Magugustuhan ko pa din ba siya?
Pwede naman maging negotiable ang standards ng mga babae diba?
Okay lang naman siguro kahit naninigarilyo siya basta wala ako sa paligid. Tsaka baka mabait naman talaga siya, ang kyot pa.

Sige...Sige...

Give chance.
One more chance.

Sa next step, sisiguraduhin kong di na ako papalya at magiging friends na kami..
Malay niyo, tumigil siya sa paninigarilyo pag sinabi ko.

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon