Author's Note

435 5 3
                                    

Paalala lang:

Everything written is fictional.

Walang layuning sumira ng reputasyon o imahe ang mga kaganapan sa kwento. Hindi sumasalamin ang mga nakasulat sa totoong buhay

Lahat ng pagkakatugma ng pangalan ng tao o grupo, lugar o pangyayari sa totoong buhay ay coincidental lamang.

Kung may problema comment na lang.

Romance/Mystery/Drama/tapos may konting sci-fi

---o---

Ano kayang pakiramdam ng makalimot, yung parang nangangapa ka sa dilim, medyo nagugulumihanan, yung marami kang tanong pero hindi masagot? Yung tipong yung mga pinakamamahal mong mga tao, nakalimutan mo na, at hindi mo alam, sinasaktan mo sila ng di mo namamalayan? Kasalanan bang maituturing kung wala kang magawa dahil limitado lang yung alam mo, dahil yung mismong sarili mo, di mo magawang pagkatiwalaan? Dahil yung sarili mo hindi ma-identify kung tama ba o mali yung ginagawa mo, o nararapat ba o hindi yung nagagawa mo.

Hindi palagi tungkol saya ang buhay natin. Kung ikaw ba yung tatanungin, mas gusto ma bang maalala yung mga bagay na makakasakit lang sayo, o hahayaan mong maging tanga ka na lang habang buhay na hindi alam yung totoo? Karaniwang tanong di ba? Pero kung ikamamatay, as in literal na ikamamatay mo ang pag-alala sa nakaraan mo, pipiliin mo pa rin bang alamin yung totoo?

Hindi tayo nabubuhay para sa sarili lang natin, kung yung pag-alala mo ba makakasagot sa tanong ng iba, ng mga mahal mo sa buhay, pipiliin mo na bang mamatay, o mananatili ka sa dilim, nakalugmok, hindi alam ang totoo?

---o---

TEASER 😯

--o--

"Ibig sabihin..." hindi ko mainitindihan ang mararamdaman ko, ang labo, lahat ng mga alaala ko... "Kapag naalala ko lahat, maaaring mamatay ako?"

"Yang mga alaalang hindi pa naibabalik sa'yo, pwedeng maglaho ng tuluyan at kailanman di mo na maalala" sabi ni Doc Elany sakin. "Meron kang hyperthymesia, tapos nabagok ang ulo mo, at nagka-amnesia... espesyal ang kaso mo. Kung gusto mong maalala lahat, bilisan mo bago mahuli na ang lahat baka di mo na masabi ang kailangan mong masabi sa lahat"

Mamamatay ako?

"Ang mga alaala mo ngayon, nanganganib na... at base sa obesrbasyon ko" tiningnan ko siya, mata sa mata, at natatakot ako... "Ang mahal mo... ang pinakamakatutulong sa'yo makaalala ng lahat"

Si Samantha?

--o--

Ang alaala, isa yan sa mga yamang di mananakaw ng iba pero... maaaring maglaho... hanggang sa wala nang matira...

Ang di maalala ng isip, puso ang makakaalala. Ngunit kung ang puso mismo ay napapaniwala sa kasinungalingan... diyan tayo magkakaproblema...

--o--

Buwiset ka kuya! Ano binebenta mo na ako sa mga 'to?

"Ano ba Nathan?" Sabi ni Sir Henry sakin at... "Subukan mong sumagot ng hindi maganda"

"Ano mahal mo ba si Danica o hindi?" Dagdag ni Sir Ted. "Sagot..."

RecollectionWhere stories live. Discover now