Chapter 7 : Coercion

60 0 0
                                    

• NATHAN •

Kinabukasan...

Sa cafeteria, habang umiinom ako ng kape, sa aming apat ako lang ata ang mahilig sa kape...

"Patay na daw si Dylan, nabalitaan niyo na naman siguro, di ba?" sabi ni Kean, siyempre, tatay at kuya niya pulis, malamang alam na niya.

Nasa school kami ngayon, and our Filipino teacher is not present so... hayahay muna kami dito sa student's tambayan.

"Bakit, ano ba daw nangyari?" tanong Justin the gags.

"Hindi pa sinasabi nina kuya kung bakit" sagot ni Kean. "Malay ko ba sa kanila, hindi ko nga alam kung may alam sila o wala, pati mga doktor..."

"Panong, pati doktor?" tanong ko. Medyo interesante yung kwento, kahapon napatay niya si coach at isang guwardiya, tapos, mababalitaan na lang namin na patay na siya. "Ano? Pati doktor di alam? Ganon 'yon?"

"Ganun nga" sagot ni Nico. "Sabi ni mama, hindi daw nila alam ang dahilan kung bakit nagkaganon, malakas pa naman daw siya, tapos, nag-purong itim yung mata niya, tapos yun..."

"Wala na siya..." sabi ko. "Purong itim na mata... nakakatakot"

"Sabi nga rin nina mama" sagot ni Nico. "Ngayon lang daw nakakita ng ganon"

Ang bilis ng nangyari, kahapon lang yun lahat... at... si Sam... kahapon, kung hindi ako nagkakamali, siya yung dahilan kung bakit hinabol kami kahapon ni Dylan, tama ba?

Napaisip ako...

"Nathan, yung kasamahan ni kuya, Anthony yung pangalan niya, yung dapat mag-iinterview sa'yo kahapon..."

Sabi ni Kean.

"Anong meron?" sabi ko.

"Kung pwede daw, pumunta ka daw sa opisina nila" sabi Kean. At bakit naman... "baka daw makatulong ka para maging malinaw yung kwento tungkol sa nangyari"

"Ako?" Sabi ko. "Ako na naman?"

"Oo, ikaw na naman" may nagsalita sa likod, si Timothy, biglang nawala ako sa mood ko, nang narinig ko yung boses na yun, hay... "Ang galing mo Nathan, talagang inuunti-unti mo nang sipsipan ang parents ni Danica"

"Ha?" tanging nasabi ko, tanghaling-tapat bigla na lang may mambabad-trip sa'yo. "Hanggang ngayon ba insecure ka na hindi ka tinanggap nina Auntie at Uncle date?"

bigla na lang bumalik yung alaalang yun sa isipan ko...

"Ang yabang mo din no?" at bigla na lang akong kwinelyohan, hinawi ko na lang yung kamay niya, para matanggal. "Binabalaan kita Nathan, kung hindi mo rin lang mamahalin si Danica ng totoo, tigilan mo na siya, wag niyo siyang gamitin, lalong-lalo na ng kuya mo"

"Ano ba talagang problema mo ha?" Tinulak ko na, nayayabangan na ako eh. "Ayaw ko ng gulo, Timothy, wala akong pakialam kung mayaman kayo o maimpluwensya ang mama mo ha"

"Talagang... ang sinasabi ko lang sayo Nathan..." sabi niya. "Wag mong lolokohin si Danica, lalong lalo na ngayon, nandito pa yung ex mo, subukan mo lang at di mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo"

Nainit na yung ulo ko dito, ano, pinalalabas na ganon akong klaseng lalake? At ex?

"Tayo na tol" awat nung kasama niya, at agad namang naglakad na palayo sila. "binabalaan kita Nathan, kapag nalaman kong niloloko mo pa rin si Danica..."

Pahabol niyang mga salita, sabay gesture ng gilit sa leeg.

Naiwan kami sa cafeteriang apat at...

RecollectionWhere stories live. Discover now