Introduction

160 2 0
                                    

• NATHAN •

Medyo umaambon noon, gabi na, yung kotse ko naiwan ko pa sa parking lot ng IBS. Nang nag-ring yung cellphone ko, si Adrian tumatawag.

"Kuya, hello, nasan... ka na?" Sabi ko, biglang nanigas yung katawan ko, kinokontrol ko yung sarili ko, kahit galit na galit na ako sa mga nangyayari, ayaw kong magpadala, ayaw kong mabaliw kaya... "Hello kuya?"

"Nandito ako sa tapat ng Gerwood cafe, dito sa loob ng subdivision" sagot niya. "Nasan ka na ba Nathan?"

"Ah... nandito na ako sa... sa... papasok na ako... sa loob" sagot ko, at alam kong hindi sa lamig kung bakit ako nangangatal pero... "Nakapunta ka na... kena at Gwen?"

"Oo, na-replicate ko na yung flash drive, kung may mangyari man, alam mo na kung saan 'to makikita" sagot niya. "Nathan may problema ba? Bakit ganon yung boses mo?"

"Wala kuya... pupunta na... ako diyan" sagot ko.

Naglakad ako papunta doon sa cafe, ilang minuto rin yun mula sa entrance kung saan niya ako tinawagan. Wala masyadong sasakyang nadaan, at yung mga poste ng ilaw, papatay-buhay na at...

"Nathan!" Sa di kalayuan nakita ko na si  kuya Adrian, nakaway sa harapan ng cafe. Nang biglang...

Mayroong pumutok na baril. Napatigil ako sa paglalakad, at nakita ko si kuya Adrian na bumagsak, tulala lang ako sa malayo, at di ko alam yung magiging reaksyon ko. Wala pa atang taong nakakaalam.

At sa likod ko naman...

Biglang may bumusinang kotse, pagkatalikod ko, ilaw ng sasakyan. Humaharurot, hindi ko alam, at sa isang iglap. Lumipad ako sa ere...

At bumagsak yung ulo ko sa lupa.

RecollectionWhere stories live. Discover now