Chapter 18 : Caught

66 3 1
                                    


---chapter 18---

Papunta na kami sa isang kwarto kung saan kita namin ang interrogation room.

Ito yung pinakahinihintay kong mangyari. Ang sagutin na ni kuya ang mga tanong na bumabagabag sakin. Ayun ay kung talagang sasagot na siya…

"Nathan" pagtawag ni Kuya Lorenz sakin. "Sabi mo gusto mong marinig ang sasabihin ng kuya mo"

Tumango na lang ako at sumenyas siya na sumunod at  naglakad na ako. Tapos tumayo si Danica at susunod na sana, at si Justin naman, nakaupo lang sa pwesto niya…

"Wag ka nang sumama, Danica" sabi ko sa kanya, at nagpabebe siyang mukha. "Kahit anong pa-cute na gawin mo diyan, bawal kang sumama, okay?"

Sabay ngiti ko, tapos siya naman, simangot.

"Sige na" sabi niya. "Hintayin na lang kita dito paglabas, at papunta na daw si mama dito, ba't ba kasi pati siya kailangan dito?"

"Basta… wag mong subukang gamitan ng impluwensya ang mga tao dito katulad ng ginagawa natin sa school kaya tayo nakakalabas pasok" sagot ko naman. "Justin, itali mo 'yan kung kinakaliangan, alam kong hindi yan mapapakali diyan"

"Sige boss" sagot niya.

Naglakad na kami, at hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako nung nangyari kanina sakin… wala akong malay sa mga nangyayari. Pangatlong beses na 'to…

---flashback---

"Nathan, gising ka na?" may tumawag sakin, si Danica. Ramdam ko yung hinihigaan ko ngayon, at nakatitig lang ako sa kisame kung nasasaan ako. Nagposisyon ako ng paupo. Nasa isang room na naman ako ng isang ospital "Nawalan ka na naman ng malay kanina"

At…

"Nagwala ka kanina sa taas" sabi ng doktor. "By the way, I'm Doc. Clarence, medyo kakilala ko na sina Danica dahil kay Adrian, buti nakatawag agad si Lorenz kanina" katabi ni Doc. Clarence, si Justin, nakarating agad sila dito? At naka-uniform pa sila. Mukhang pinapunta sila dito ni kuya Lorenz. "Ano? Ayos ka lang?"

"Ayos lang po" sagot ko. At… wala akong maalala sa sinasabi nila. Ako? Nagwala sa taas? "wala akong maalala sa sinasabi niyo, ang huli…doon sa rooftop…"

"Iyak ka ng iyak daw kanina, para kang bata" sabi ni Justin at pinagtawanan pa ako ng loko.  "Tapos magpapakamatay ka na daw, anong trip mo?"

Pangatlong beses na 'tong nangyari, nahimatay ako at walang maalala sa mga ginagawa ko.

---back to the present---

Pagpasok namin sa loob. Kita ko sa loob ng interrogation room si kuya naka-upo sa harapan ng isang mesa. Nakasilip kami ngayon sa one-way mirror.

At sa speaker, rinig namin ang pagtatalo ni Kuya at ni sir Dominic. Ang nakapagtataka lang, wala pa ang abogado ni kuya.

"…ag-alis ko nga sa apartment niya, maaayos pa siya!" Sabi ni kuya. "Kanina ko pa 'yon pinagdidiinan sa inyo!"

"Sa mga CCTV na nakuhanan sa bahay ni Anthony, ikaw lang ang pumunta sa bahay niya" sabi ni Sir Dominic. "Nagtalo pa nga kayo sa footage, tapos umalis ka"

"Umalis na nga ako noong panahong yun!" Sabi ni kuya Lyndon. "Hindi na ako bumalik paglabas sa bahay niya"

Tiningan ko ang mga pulis sa loob, habang inoobeserbahan ang mga nangyayari, at base naman sa obserbasyon ko, mukhang kapanipaniwala ang mga kilos ni kuya, o na-master na lang niya ang pagsisinungaling.

"Kuya Lorenz, alam niyo kung bakit pumunta si kuya sa bahay ni Anthony?" Tanong ko.

"Ang sabi ng kuya mo, may sasabihin siyang napakahalaga, at confidential na hindi daw maaaring sabihin samin" sagot naman niya. "O, palusot lang niya yun, alam naman natin ang tinutukoy ko"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RecollectionWhere stories live. Discover now