Chapter 5

42 2 2
                                    




Chapter 5: Happy Love vs Sacrifice Love



TAHIMIK naman ang lahat ng propesor ng University of San Lorenzo habang hinihintay ang pagdating ni Mrs. Elpha Anderson. Ito kasi ang Dean ng Psychology department at hindi lang iyan, ito rin ang Director ng school. Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na ito at humingi ng pasensya sa paghihintay.


"Sorry, I'm late and now let's proceed to our meeting," pagsisimula ni Mrs. Elpha at naupo sa kaniyang swivel chair. Tumayo naman ang isang Dean ng Education department na si Mrs. Hernandez.


"The meeting for today is for our students. Taun-taon tayong nagsasagawa ng isang aktibidad na kung saan mayro'n tayong anim na estudyante na ipanlalaban natin sa motivational speech."Napatango naman ang lahat at pinagpatuloy ni Mrs. Trinidad ang mga sasabihin.


"Narito tayong lahat, ang iba't-ibang departamento o kurso na kung saan kayo ay pipili sa mga estudyente na isasalang niyo sa aktibidad na iyon." Marami namang nagbulung-bulungan at mga reaksyon na nakikita ni Mrs. Elpha ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at pinagpatuloy sa pananalita si Mrs. Trinindad.


"Paglalaban-laban natin ang mg estudyante hanggang sa may manalong kampyon at ipanlaban sa ibang university." Napatango-tango naman ang mga kapwa faculty member saka nagbitaw ng mga kaniya-kaniyang tanong kay Mrs. Trinidad.


"Ngayon na ba kami pipili?"


"Opo, Mr. Suarez. Ngayon na po kayo pipili," tugon ni Mrs. Trinidad at sinulyapan si Mrs. Elpha na matamang nakikinig lamang. Ipinagpatuloy naman niya ang mga pagsagot sa kapwa faculty.


"Ano bang klase ng estudyante ang kailangan sa aktibidad na ito?" tanong ni Mr. Cruz, isang Dean ng Tourism department. Nag-ayos muna ng salamin sa mata si Mrs. Trinidad bago sinagot ang tanong.


"Maraming karanasan. Lalong-lalo na sa usaping pag-ibig." Tila may dumaan naman na anghel sa gitna nila dahil sa biglang pagtahimik. Maging si Mrs. Elpha ay natigilan sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Mrs. Trinidad.


"Pa-pardon? Is it true? Bakit iyon pang tema?" pagtataka ni Mrs. Elpha ngunit nagkibit-balikat naman si Mrs. Trinidad.


"Maging ako Ma'am ay nabigla sa binigay sa aking mechanics ng motivational speech ngayong taon. At heto nga, nakapagtatakang may seminar pa talaga about sa Love, is it weird, right?" sumang-ayon naman ang ibang faculty sa mga narinig. Maging sila ay nabigla sa naging tema ngayon ng motivational speech. Natahimik lamang ang lahat nang tumayo si Mrs. Elpha.


"I'll go ahead, I have to go somewhere." Hindi na hinintay pa ni Mrs. Elpha ang sagot o reaksyon ng mga faculty member sa kaniyang pag-alis samantalang hindi pa tapos ang meeting, basta ang mahalaga ay makaalis siya roon at makapag-isip.



KINAKABAHAN SI SHERMAINE sa kaniyang pagsasalita sa harap ng maraming estudyante. Lahat ng mga ito ay mga seryosong nakikinig sa bawat sasabihin niya. Hindi man maitatanggi na lahat ng mga sinasabi niya ay pawang katotohanan. Halos ang ilan ngang mga nakikinig ay naiiyak na rin at ang ilan naman ay natulala na lamang dahil may mga kaniya-kaniyang iniisip. Na may pagkakahalintulad sa mga sinasabi ni Shermaine.

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon