Author's NOTE

81 2 0
                                    


AUTHOR'S NOTE

Una. Ito ang kauna-unahang Romance story ko. Alam kong hindi ito perpekto sa inaakala niyo pero ginawa ko ito mula sa puso ko. Ginawa ko 'to para rin sa mga taong nakaranas na ng ganitong mga karanasan sa kanilang buhay. Ginawa ko 'to upang malaman ko rin sa sarili ko kung may tsansa ba ako'ng makagawa ng mga romansang nobela.

Pangalawa. Sa mga manlalait po ng Romance story ko, SALAMAT ng marami. Tanggap ko 'yon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga genre ang Romance. Pero, pinipilit ko po'ng hasain ang sarili ko sa genre na ito bilang isang manunulat. At, sa hindi ko inaasahang darating, natanggap ang Romance story ko.

Laking PASASALAMAT ko sa Le Sorelle Publishing dahil dito. Kaya ngayon ay ginaganahan na ako'ng magsulat ng mga Romansang nobela. Nawa'y abangan niyo pa ang mga susunod kong nobela, hindi lang sa Romansa kundi sa Aksyon at iba pa (action po talaga genre ko).

Pangatlo. Katulad ng nasabi ko sa pangalawa, nagpasalamat ako sa publishing na nabanggit dahil ang kauna-unahan kong Romansa ay magiging libro na.

Kaya, ang Kabanata 10 o WAKAS ay hindi kop o ipo-post dito. Gusto ko po'ng basahin niyo ito na nasa libro (assuming po ako hehe) sana makabili kayo! Ibabalita ko na lamang po kung paano kayo makakapag-order sa mga gustong bumili.

Salamat!

Nagmamahal,

BambiewWp (J.Grado)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) 🎉
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon