Chapter 9

70 1 0
                                    



Chapter 9: When he cried for Love



-Anderson's Hospital-


"Hmmm..." sa narinig na ungol ni Elpha sa anak ay tila nabuhayan siya. "Baby? Brylle? Are you okay? Is there something pain now on you? Sabihin mo kay Mommy..." nag-aalang winika ni Elpha at hinalikan ang hawak niyang kamay ng anak.


"Hmmm..." napatulo na naman ang luha sa mga ni Elpha. Alam niyang nahihirapan na ang anak pero pursigido pa rin ito'ng lumaban sa kinakaharap na sakit. Nakikita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman ng anak pero nakikita niya rin kung paano ito lumalaban para sa isang pangarap.


"Baby... kayanin mo. Please, kayanin mo."


"Baby, malapit ka nang mag-college! Ano bang gusto mong maging? Ano rin bang pangarap ng baby ko?" galak na tanong ni Elpha sa anak niyang si Brylle na ngayon ay masiglang kumakain ng putaheng niluto nito.


"Mom, I want to be like Dad. At ang pangarap ko ay makasal kay Shermaine,"anang Brylle na talagang proud na proud sa sinabi. Nagkatinginan naman ang mag-asawa saka napangisi.


"Hahaha. Talagang naku-curious na ako sa Shermaine mo, anak. Gusto ko na talaga 'yon makilala."


"Soon, Mom. Makikilala mo siya"


"Baby... lumaban ka pa, okay? Ipapakilala mo pa sa'kin si Shermaine, diba? Magtiwala ka kay Mommy, anak. Gagaling ka... gagaling ka at matutupad ang pangarap mong... maikakasal ka sa babaeng mahal mo," nakita naman ni Elpha ang paglandas ng luha sa mga mata ni Brylle.


"I love you, my son."



HALOS mapanganga si Shermaine sa sobrang mangha sa pinuntahan nila. "Omyghad! Hindi ko akalaing dito tayo magpupunta, Drei!" Maligayang sambit ni Shermaine habang turo-turo ang malaking pangalan ng naturang lugar.



~Enchanted Kingdom~


"Ngayon na narito ka na, sulitin na natin 'to, okay?" Nakangiting sinabi ni Andrei sabay hinawakan ang kamay ng dalaga. Nagtaka naman si Shermaine sa paghawak ng kamay sa kanya ni Andrei. Iba kasi ang klase nang pagkakahawak nito sa kanya. Hawak nang may pag-aalala. Hawak nang may respeto. At, hawak nang may pagmamahal.


"Pagbigyan mo ako kahit ngayon lang, Maine. Puwede bang humingi ng pabor?"


"A-ano 'yon?"


"Puwede bang ako muna ang nasa isip mo at walang ibang sino man? Puwede bang ako muna sa ngayon at hindi si Brylle? Pangako, pagkatapos ng araw na 'to, malaya ka nang isipin siya kahit anong oras pa naisin mo. Hindi na ako tututol pa," nagtaka naman ang dalaga.

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon