Chapter 6

41 2 1
                                    



Chapter 6: He's back



"Sure ka bang okay ka na, Dyosa?" Nag-aalalang tanong ni Andrei kay Shermaine na napaupo sa sofa nito. Napangiti naman ang dalaga at napapikit.


"Oo, Drei. O-okay lang ako," nauutal na naman siya. Pilit na iniiwasang hindi maiyak sa kalagayan niya ngayon.


"Rate 1 to 10. Gaano ka, ka-okay?" At tinabihan niya ang dalaga. Hinawi naman nito ang buhok sa mukha ng kaibigan at tintigan ang mga mata nito'ng nakapikit.


"Sabihin mo, Shermaine. Gaano ka ka-okay?" seryosong turan ni Andrei na ikinadilat naman ng mata ni Shermaine. Alam niyang sesermonan na naman siya ni Andrei. Base na rin sa itsura nito.


"Please? Pabayaan mo muna ako, Drei. Gusto kong mapag-isa," mapait na napangiti si Andrei at napaiwas na lang din ng tingin. Pilit naman niyang kinakalma ang sarili. "Nagkita na ba kayo?"


"Si-sino?"


"Don't think that I'm stupid, Shermaine. Sabihin mo, nagkita na ba kayo?" nakaramdam naman ng kirot sa dibdib si Shermaine nang makitang namumula ang mata ni Andrei. Hindi niya alam kung bakit parang namamasa-masa rin ang mata ng binata. Nang mapansin ni Andrei na tinititigan ni Shermaine ang mata niya ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin.


"Drei..." tawag ni Shermaine. Napansin pa ni Shermaine ang pagkuyom ng kamao ni Andrei. Hinawakan naman niya ito na ikinabigla naman ni Andrei kaya muli ito'ng napaharap sa kaniya. Nakita ni Shermaine ang namumuong luha na papalabas sa mata ni Andrei. Gusto niyang pigilan ang luhang iyon ngunit hindi niya magawa, mali, hindi niya kaya dahil maging ang luha niya ay hindi niya kayang pigilang manatili sa loob at huwag lumabas.


"O-okay. A-a-alis na ako... gusto mong mapag-isa, diba? Bye." Hindi na napigilan pa ni Shermaine. Alam niyang mas nasasaktan ang kaibigan nito kaysa sa kanya. Alam niyang... may gusto sa kanya si Andrei. Kaagad namang hinatak ni Shermaine ang kamay ni Andrei upang hindi makahakbang papalayo sa kaniya.


"Hi-hindi ko siya nakita. Pero siya... siya ang nakakita sa'kin. Ang sa-sabi ng nurse sa school namin, nando'n daw si-siya..." kinakalma ni Andrei ang sarili.


Alam niyang mangyayari ito pero hindi niya aakalain na magiging ganito ang reaksyon ng kaniyang puso. Sobrang sakit nang nararamdaman niya. Gusto niyang hapitin nang mahigpit na yakap si Shermaine ngunit natatakot siya, natatakot siya na baka ang yakap niya'y hindi tanggapin ni Shermaine. Saglit namang nahinto sa pag-iisip si Andrei nang marinig ang hagulgol ni Shermaine. Hindi niya ito nakikita dahil sa nakatalikod siya rito na ipinagpapasalamat niya. Dahil ayaw na ayaw niyang luluha ito sa harap niya lalo pa't ang dahilan ay ang nakaraan.


"Drei... ang sakit, sobra. Marinig ko lang 'yong pangalan niya... kinabahan kaagad ako. Nando'n agad 'yong impact na mapapalapit na naman siya sa'kin dahil sa eskwelahan na 'yon. Nando'n 'yong impact na masasaktan na naman ako at maibabalik na naman 'yong pait na nakaraan kung paano niya ako iniwanan sa ere. Andrei, ang sakit ... parang tinutusok ang puso ko sa sobrang sakit."

Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon