"May gusto ako sayo." Lakas loob na sabi ng isang babae kay Mark
"Ano? Pero may Girlfriend ako."
"Alam ko. Sinasabi ko lang sayo. Actually mahal na nga yata kita." Matagal na silang magkaibigang dalawa at matagal na rin ang nararamdam ng babae kay mark pero ngayon lang siyang naglakas loob na aminin ang kaniyang nararamdaman.
"Kailan mo ng umiwas sa akin." Seryosong ani ng lalaki.
"Pero bakit? Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako pabalik." Unting unti nang nagtutubig ang mga mata ng babae.
"Dahil naiilang ako at masasaktan ka lang. Kailangan mo munang tanggalin yang nararamdaman mo para sa akin bago mo ulit ako pansinin." Tuluyan ng umalis si Mark sa harap ng babaeng umiiyak.
-
Marjorie's POV
"Ano pupunta kaba mamaya?" Tanong ni katrina.
"Hindi ko alam. Marami pa akong gagawin sa bahay." Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit kong nakakalat sa table ko. Dissmisal na ngayon at pupunta pa akong liblary para gawin ang assignment ko.
"Ang kj naman nito. Hindi ka na nga nakakasama sa amin eh." Si mika. Pinuntahan talaga nila ako dito sa room para yayain na mag jamming kaming mag totropa.
"Tyaka kasama ang crush mo duon mamaya. Yieee, sasama na yan." Pang aasar ni maine. Lima kaming babae sa magkakaibigan at Apat naman ang mga lalaki.
"Fine sasama na ako. But don't get me wrong, sasama ako dahil mapilit kayo hindi dahil sa Crush ko."
"Okaaay. Sabi mo eh." Ani Liza.
"So, tara na." Excited na sabi ni mika.
"Pero wait. Wag na wag niyong sasabihin na may Crush ako sa sakanya, baka kung ano pa ang isipin ng ugok na yun." Seryosong sabi ko.
"Oo alam namin." Ani katrina
"Crush ko lang siya ibig sabihin paghanga lang wala ng iba."
"Oo na nga eh. Tara na, kanina pa akong atat na atat umalis." Ani mika.
Nakarating na kami sa bahay nila katrina. Hinihintay na lang ang mga boys. Dito ang madalas naming tambayan dahil malaki ang espasyo ng bahay nila.
Sa tingin ko mag Momovie marathon lang kami. Matagal na kaming magkakaibigang Siyam. Yung isa sa kanila ay yung crush ko pero hindi niya alam. Siya kasi pinaka gwapo sa Apat at maapil pa kaya hindi ko maiwasan na magkagusto sa kaniya pero alam kong hanggang duon na lang yun hindi na lalagpas.
Sa wakas ay nandito na ang mga boys. Si Leo, Andy, Gelo at Mark.
Nakaupo na kami lahat sa lapag. Tabi pa talaga kami ni Mark. May popcorn at mga Softdrinks sa gitna namin.
"Ano ang papanuorin natin?" Tanong ni Leo. Na sinimulang lantakin ang popcorn at ganun din ang ginawa ko. May pagkapatay gutom kasi ako, hehehe.
"Mission impossible na lang." Suggest ni Mika.
"Wag na yun, napunuod na ng iba yun. Eh kung walking dead na lang kaya." Suggest naman ni Gelo.
"Ang baduy. Titanic na lang Aww.." Ani Andy. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa pangbabatok ni Mark sa kaniya.
"Ang Girly mo Dude. Lord of the Rings na lang."
"Ewan sayo mark. Palibhasa nangbasted ka lang ng babae eh." Ani Andy.
"Teka sino?" Umiiral nanaman ang pagkatsimosa ni Maine.
"Edi yung isa sa mga nilalandi niya. Si allyson." Sagot ni Leo.

YOU ARE READING
Bestfriend Not Boyfriend
General FictionMarjorie Domingo has a Boy Bestfriend. Pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay nahulog ang loob nito sa binata. Paanong hindi mahuhulog ang kaniyang loob sa lakaki, na kung tratuhin siya nito ay parang isang bagay na napakahalaga. But she don't want...