Marjorie's POV
"Bakit mo tinulugan yung palabas?"
"Ha, tinulugan ko ba?"
"Hindi, hindi mo tinulugan." Sarcastic kong sabi.
"Tara na nga sa Jollibee. Nagugutom na ako." ako na mismo ang humila sa kanya papuntang Jollibee.
"Kung huwag na lang kaya tayo dito sa Jollibee ang daming tao e." Ang arte naman ng lalaking to.
"Dito na. Nandito na tayo e." Ayaw niya lang talaga kasi kumain dito kasi pang bata daw.
"Ikaw na ang pumila, ako ang mag hahanap ng mauupuan natin." Tumango na lang siya at pumila na. Lagi naman ganito kapag kakain kaming dalawa sa mga fastfoodchain. Siya ang tagabili at ako naman ay tagahanap ng mauupuan. Buti na nga hindi siya nagrereklamo, pero kapag kaming lahat ang magkakabarkada ang kakain. Ayaw na ayaw niya na siya ang pipila sa counter.
"Teka, dagdagan mo ng isang mushed potato yung akin."
Alam niya kung ano ang o-orderin para sa akin. Madalas kasi kaming nakain sa jollibee kahit ayaw niya at madalas niya din akong nililibre. Hindi pwedeng hindi niya ako ililibre, dahil may kapalit yun. Katulad ngayon ililibre niya ako kasi nag request siyang ako ang pipili ng ireregalo sa Girlfriend niya.
Matagal bago ako makahanap ng mauupuan. At sakto naman ang pagdating ni Mark na dala na ang pagkain. Sa harapan ko siya umupo.
"Bakit Yum burger lang sayo? Tipid ka?" Ang dami dami sa akin tapos yum burger lang sa kanya.
"Ayakong kumain ng marami ngayon."
"Bahala ka, ikaw lang ang nagugutom niyan. Nga'pala, sayo itong mushed potato. Tikman mo masarap yan " tinanggalan ko ng takip ang lalagyanan ng mushed potato at nilapit sa kanya. Kaso tinitigan niya lang.
"Haist, tikman mo masarap nga yan." Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng kauti sa mushed potato. Tinapat ko sa bibig niya. Buti na lang sinubo niya.
Muntik na ako matawa sa itsura niya.
"Anong klaseng pagkain yan? Bakit iba ang lasa?" Halatang hindi siya nasarapan. kinuha kaagad ang tubig ko at inunom.
"Malamang iba lasa niyan, ibang pagkain yan e."
"Bakit sarap na sarap ka 'diyan sa mushed potato na yan."
"Actually yung una kong tikim sa pagkain na yan, hindi rin ako nasarapan. Pero dahil nanghinayang akong itapon, pinilit kong kainin 'inisip ko na lang masarap na kahit hindi."
"Then naging favorite mo na?" Tanong niya.
"Syempre, masarap naman talaga siya actually 'hindi niyo lang kaagad kasi naa-appreciate yung lasa."
Pagkatapos namin kumain, tinuloy na namin yung paghahanap ng regalo sa Girlfriend niya.
"Kanina pa tayo paikot-ikot pero wala ka paring napipili. Ganyan ba talaga kayong mga babae, maarte pagdating sa regalo." Asar na sabi niya. Nabutukan ko tuloy siya na wala sa oras. Laitin ba naman kaming mga babae.
"Ibahin mo ako sa mga babaeng maarte. Malay ko ba diyan sa Girlfriend mo kung ano ang taste niyan. Eh sa akin pagkain lang iregalo sapat na. Bakit pa kasi sa akin ka nagpasama?"
"Sorry na...Gusto ko lang 'naman kita makasama." Mahinang sabi niya pero sapat na yun para marinig ko.
"Ano?"
"Wala. Tara ayun na lang sapatos ang ireregalo ko." Sabay hila sa akin sa botique ng mga sapatos. Wala sa sarili ko ay napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang yun. Di kaya mahal ko na siya? Hindi! Impossible, paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya.
Nabalik ako sa wisyo ko nang bigalang may tumutusok tusok na daliri sa pisnge ko. "Uyy, marj. Okay ka lang?" Si mark pala yun.
"Bakit?"
"Kanina pa kita tinatanong kung magugustahan niya ba'to." tukoy niya sa kulay Pink na doll shoes na hawak niya.
"You know what, dapat hindi mo nireregaluhan ng Sapatos ang girlfriend mo, kasi parang pinapalakad mo siya palayo sayo." Narinig ko lang yung kasabihan na yun.
"Tss, kailan ka pa naniwala sa mga kasabihan? Tara na nga, iba na lang ang bibilhin ko sa kanya 'mamaya magkatotoo pa yang kasabihan mo." Hinila niya ako palabas ng botique. Nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso ko sa huling sinabi niya. Mukhang mahal na mahal niya nga ang girlfriend niya. Naagaw ng pansin ko ang isang botique na may nakadisplay na mga flowers na gawa sa chocolate.
"Tara, punta tayo dun." Hinila ko siya papunta sa botique na yun at pumasok sa loob.
Wooh, daming chololate na gawa sa mga flowers.
"Ate magkano yung isang yun." turo ko sa isang chocolate na hugis rose. Sa tingin ko mga walong pira na chocolate siya na sama sama.
"750.00 po ma'am." Mahal na naman.
"Sa tingin ko mark, ito ang bagay na iregalo sa Girlfriend mo, kaso ang mahal. Kaya ba ng budget mo?"
"Siguro, kaso sa tingin ko hindi magugustuhan niyan ng girlfriend ko."
"Magugustuhan niya yan, tiwala lang."
Dahil sa makulit ako, napapayag ko siya.
"Ang swerte ng girlfriend mo."
"Tss, hindi niya naman magugustuhan yan." Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng mall.
"Ang nega mo." Inirapan ko na lang siya.
"Busy ka ba bukas?" Biglang tanong niya.
"Yap, may blind date ako bukas." Tutal sabado naman.
"Bakit mo nga pala natanong? Don't tell me magpapatulong ka pa sa akin sa pagsopresa sa Girlfriend mo."
"Hindi!" Galit lang.
"Sana nga mayaman ang maka blind date ko bukas. Para madami daming pagkain ang malibre sa akin." Ayun lang naman habol ko sa pakikipag blind date e, ang malibre ng pagkain.
"Hindi ka parin pala tumitigil makipag blind date." Bakit parang nagiba ang aura ng mukha niya ngayon.
"Hindi. Ang saya kaya, nalilibre ako ng pagkain." Hindi niya siya nagsalita pa. Bakit bigla siyang tumahimik? Galit ba siya? May nagawa ba akong mali? Dahil ba sa pinilit ko siyang bilihin ang chocolate flower na yun.
Pumara na kami ng taxi lahat lahat, hindi parin siya nagsasalita. Ang moody niya talaga kahit kailan.
Nakababa na kami ng taxi pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ayoko namang 'ako ang unang magsalita. Buti na lang iisang village lang ang papasukin namin. Mas mauuna lang na madadaanan ang bahay namin kesa sa bahay nila. Actually may apartment naman siya, siguro trip niya lang matulog ngayon sa kanila.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong inakbayan, pero hindi parin siya nagsasalita. Hindi ko talaga siya maintindihan.
YOU ARE READING
Bestfriend Not Boyfriend
General FictionMarjorie Domingo has a Boy Bestfriend. Pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay nahulog ang loob nito sa binata. Paanong hindi mahuhulog ang kaniyang loob sa lakaki, na kung tratuhin siya nito ay parang isang bagay na napakahalaga. But she don't want...