"Yiee, kinilig siya." Pang aasar ni mark sa akin.
"Heh! Tigilan mo nga ako." Oo, aminin ko na kinilig ako sa sinabi niya na nagseselos siya pero panandalian lang yun dahil alam kong hindi siya seryoso sa sinabi niya'ng yun.
"Pero seryoso. Hindi ka ba naiilang sa mga matang nakakatitig sayo."
"Hindi, dahil hanggang tingin lang sila sa akin." Ani ko. Tumigil siya sa paglalakad at napatigil din ako.
"Pwede bang, pakitanggal ng pagkatali sa buhok mo. Please."aniya.
"At bakit naman?"
"Basta. Gawin mo na lang, iibibigay ko sayo yung chocolate rose na binili natin kahapon kapag ginawa mo."
"Hindi mo binigay sa girlfriend mo, i mean sa ex mo?"
"Yea." Simpleng sagot niya.
"Pero bakit?"
"Basta, mamaya ko na lang ikwento sayo. "
"K fine. Pero pangako mo na ibibigay mo sa akin ying chocolate ha?"
"Pangako." Sinimulan ko ng ilugay ang buhok at sinuklayan gamit ang mga daliri ko sa kamay.
Hinawakan niya ang mga buhok ko at nilagay sa likod ko.
"Better." Rinig kong sabi niya.
"Teka, na saan yung chocolate?" Mamaya kasi ginu-good time lang ako ng mokong na yan e.
"Nasa apartment. Pupunta naman tayo ngayon dun kaya wag kang 'mag alala." Ilang beses na akong nakarating sa apartment niya. Duon kasi kami nagiinuman, madalas.
Sumakay na kami sa jeep papunta sa apartment niya.
Palihim akong napapangiti dito sa kinakaupuan ko sa jeep.paano ba naman kasi si mark sinasamaan niya ng tingin yung mga lalaking napatingin sa akin kaya kaagad din naman silang napapaiwas. Lumalabas tuloy na possesive boyfriend ko siya.
Pumara kami sa tapat ng isang convenience store para bumili ng alak na iinumin namin.
Syempre pera niya ang pinangbayad sa mga Can beer na binili namin. Nilakad na lang namin papuntang apartment niya. Hindi ko nga alam kung bakit mas trip niyang mag apartment kesa tumira sa magandang bahay nila malapit sa amin.
Pagpasok namin sa apartment niya, umupo kaagad ako sa may couch dito sa maliit na sala set niya. Maliit lang ang apartment pero ang aliwalas tignan. Parang ngang babae ang nakatira dito.
Tinanggal ko ang mag kaparehas na sapatos ko at inagis lang kung saan.
"Mark Vincent! Peram ako ng damit mo ha!" hindi ko na siya hinitay sumagot at pumasok sa kwarto niya. Ilang beses na akong nakapasok dito sa kwarto niya. Minsan nga kapag trip kong matulog dito 'nagtatabi kami ni mark dito sa medyo kalakihan niyang kama. At walang nangyayari sa amin. Sobrang laki ng respeto niyan sa akin 'yung tipong kahit maghubad ako sa harap niya hindi niya ako gagalawin. kaya nga alam kong safe na safe ako sa kanya.
Sinumulan ko ng hubadin ang Dress ko at naghanap ng Shirt at boxer sa Cabinet niya.
Napalingon ako ng narinig kong bumukas ang pinto. "Marj-- opppss sorry." tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago niya sinira ang pinto.
Ng mag sink in sa utak ko yung nangyari 'biglang namula ang mukha ko. Ugh!!! Mark!!
Dali dali kung sinuot ang shirt at yung boxer. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Mark na nakaupo sa Couch. Lagot ka sa aking manyak ka!
kinuha ko ang maliliit na unan sa couch at ipinagpapa-palo ko sa kanya. "Walanghiya ka Mark! ang manyak mo!"
"Teka! hindi ko naman sinasadya ah." tumigil ako at tumingin ng masama sa kanya.
"Hindi mo nga sinasadya pero bakit kailangan mo akong tingnan mula ulo hanggang paa." naka bra at panty lang pa naman ako nu'n buti sana kung nakadamit lang ako eh.
"Eto naman hindi mabiro. Sorry na." malambing niyang sabi.
"Ewan sayo!" kinuha ko ang isang can beer na nasa coffee table at nilagok iyon.
"Bakit nga pala kayo nag break ng GF mo?" ngayon ko lang napansin na may sisig pala dito sa Coffee table. Kumuha ako at sumubo.
"Nakipagbreak ako sa kanya."
"What!? pero bakit?" muntik na ako mabulunan dun ah.
"Hindi ko na kinaya ang kaartehan niya." kumuha ulit ako ng sisig at sumubo.
"Normal lang naman sa babae ang maarte e." nagbukas ulit ako ng isang can beer at nilagok iyon.
"Tyaka nakakasakal siya. Bawat galaw ko dapat alam niya." nilagok niya ang isang can beer at nagbukas ulit ng isa.
"kahit naman ako kapag naging girlfriend mo ganun din gagawin ko e." sumubo ulit ako ng sisig. Ang sarap talaga nitong sisig.
"Talaga?"
"Oo. Gusto ko, ako lang ang priority mo. Gusto ko, under ka sa akin. May pagkababaero ka pa naman. Dapat kilala ko ang mga babaeng kilala mo. Dapat--" paglingon ko napahinto ako sa pagsasalita. Nagkasalubong ang mga mata namin. Grabe yung titig ni Mark, nakakatunaw.
"kalimutan mo na yung sinabi ko." kaagad ako umiwas sa aming dalawa at nilagok ang can beer na hawak ko. Nakakahiya ka marj! kung ano-ano ang nalabas sa bibig mo. Mukhang tinatamaan na yata ako sa iniinom kong Can Beer.
"Ahh. Inaantok na ako. Ikaw na lang uminom." Tumayo na ako at pumasok sa kwarto niya. Napahawak ako sa dibdib ko 'ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o kung ano.
Humiga ako sa kama. Ang lambot talaga ng kama niya. Kaya gustong gusto kong matulog dito. Napatitig ako sa ceiling, nahulog na ba talaga ang loob ko sa kanya? Napapikit ako ng narinig kong bumukas ang pinto. Pumasok na si Mark. Magpapanggap muna akong tulog. Nahihiya akong harapin siya ngayon. Naramdaman kong umupo siya sa kama. Napadilat ako ng bigla niya akong pinisil sa pisnge.
"Araw ang sakit nun ah." Nakanguso kong sabi. Hinimas himas ko yung kanang pisnge kong pinisil niya.
"Bakit mo ako iniwan dun?" Tanong niya.
"Inaantok na nga sabi ako." Humiga ako at ganu'on din ang ginawa niya.
"Ano ang nginingiti mo diya?" Nahuli ko kasi siyang nakangiti na parang baliw.
"Naalala ko lang kasi dati yung kalampahan mo, kaya lagi kang nabubully dati." Talagang binabalikan niya ang nakaraan.
"Tapos ikaw naman kahit payatot todo rescue sa akin." Dagdag ko. Ayun ang dahilan kung bakit kami nagkakilala.
"Siguro kung hindi ka na bully dati hindi kita makikilala." Nakatingin lang siya ceiling pero ako sa kanya nakatingin.
"Siguro nga. Pero pag hindi na nila ako binubully ikaw naman ang nambubully sa akin." Sobrang lakas niya'ng mang asar sa akin dati.
"Nakakataw kasi itsura mo kapag inaasar kita." Nakangiti niya ani.
"So clown mo pala ako dati?" Asar na tanong ko.
"Parang ganun na nga. Ikaw ang dahilan kung bakit ako napapangiti at napapatawa." Saktong pagkasabi niya yun ay paglingon niya kaya nagkasalubungan ang mga mata namin pero kaagad naman akong umuwis.
"Matutulo na ako. Geh, good nigth na." Tumalikod ako ng higa sa kanya.
--
Leave a comment, thanks :*

YOU ARE READING
Bestfriend Not Boyfriend
General FictionMarjorie Domingo has a Boy Bestfriend. Pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay nahulog ang loob nito sa binata. Paanong hindi mahuhulog ang kaniyang loob sa lakaki, na kung tratuhin siya nito ay parang isang bagay na napakahalaga. But she don't want...