Chapter 5

7 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may pumipisil sa pinge ko. Pagdilat ko bumugad sa akin ang nakaka asar na mukha ni Mark.

"Maaga pa. Mamaya mo na ako kulitin." Tumalikod ako sa harap niya at natulog ulit. Kaso ang kulit ni Mark, kiniliti ba naman ako sa bewang 'gising na gising na tuloy diwa ko.

"Heyy, ano ba?" Asar na umupo ako sa pagkakahiga ko at humarap sa kanya.

"May pasok po."

"Wala akong pasok ngayon, kung ikaw meron pumasok kana huwag mo na akong istorbuhin dito."

"Joke lang naman. Tara bilis 'nagluto ako ng breakfast natin." Tumayo siya at hinihila ako patayo sa kama. Ang kulit talaga ng lahi ni Mark 'sabing ayoko pang bangon eh.

"Ayoko 'inaantok pa ako." Pilit pa rin niya akong hinihila sa higaan pero syempre hindi ako nagpapahila.

"Ayaw mo talaga?"

"Oo nga." Buti na lang talaga tumigil na siya.

"Fine. Bubuhatin na lang kita." What?

Shit! Hindi siya nagbibiro 'binuhat niya nga ako na parang bagong kasal.

"Mark Vincent! Ibaba mo ako!" Parang wala lang naririnig ang gago dere-deretso niya na akong inalabas sa kwarto. Hindi na ako nagtataka kung parang ang gaan gaan ko para sa kanya. Ang laki ba naman ng katawan niya eh. Ikaw ba naman mag gym araw-araw.

Binababa niya ako ng makarating kami sa kusina. Woaa' ang daming pagkain na kahain sa mesa. Tss, niluto daw ehh inordor niya lang lahat to eh.

"Hoy kupal, anong meron?"

"Wala naman 'gusto ko lang i-celebrate ang pagiging single ko."
"Tss, celebrate celebrate ka pang nalalaman eh kinabukasan nito pustahan 'may syota kana." umupo na ako at sinimulan ko ng lantakin ang mga pagkain.

"Hindi no. Time out muna ako." Umupo niya rin siya at sinamahan na ako sa pagkain.

"Teka, sa susunod na sabado na pala yung birthday ni mika. Wala pa akong naiisip na ipang reregalo sa kanya." Niya niya kaming mag tagaytay sa birthday niya ang kaso hindi ko alam kung makakasama ako 'baka kasi hindi ako payagan ni mama e.

"Ang tagal tagal pa naman eh."

"Sabagay."

Matapos namin kumain 'niligpit niya ang pinagkainan namin. Bahal na siyang maglinis niyan haha. And besides hindi naman umangal ang gago. Lagi naman ganito ang senario kapag pumupunta ako sa aprtment niya 'pinagsisilbihan niya ako.

As usual pag uwi ko sa bahay binungangaan na naman ako ni mama 'buti na lang talaga sanay na ako.

Umakyat ako sa kwarto at humiga sa kama ko. Kailangan ko na pala mag hanap ng part time job para naman mabawasan na panghihingi kong pera kala mama.

Kinuha ko ang phone ko ng naramdaman kong nag vibrate iyon sa tabi ng unan na hinihigaan ko.

1 message received

FromKatrina

Hoyy! Bakla, Gym tayo.

Gym? Sabagay wala naman ako'ng ginagawa ngayon. Matagal na rin ng huli ako'ng nag Gym.

To: katrina

What time ba?

Send

Actually hindi ko na kailangan mag gym dahil ang payat payat ko naman. Ayoko lang kasi na nakatengga ako dito sa kwarto ko. Wala rin naman akong mga assignments.

Tumayo na ako at dumeretso sa banyo para maligo. Mahigit isang oras bago ako matapos maligo. kapag pag babae ka talaga and daming seremonyas sa pagliligo. Napaka complikado talaga maging babae. Bakit kasi pinanganak ako ni mama na babae eh.

Nagbihis na ako isang Fitted na V-neck Shirt at Jersey Shorts na pinarisan ng Rubber Shoes.

Ng makarating ako sa Gym na abutan ko si Katrina. Hawak ang isang marbel na maliit.

"Uyy katrina, anong trip ngayon at nagyaya kang mag Gym?" bungad ko sa kanya.

"Wala lang, masama ba? May gusto lang sana akong i-offer sayo na trabaho." trabaho? saktong sakto kailangan ko ng Trabaho.

"Ano naman yang racket na ibibigay mo sa akin?" minsan niya na kasi ako inofferan ng Trabaho kaso tinanggihan ko. Wala pa kasi akong mood mag trabaho nung mga time na yun. Ngayon lang siguro ako ginanahan.

"Singer sa Club. Tutal your Voice is good. Pwedeng pwede ka sa trabahong yun." aminado ako na maganda ang boses ko pero medyo nahihiya pa akong kumanta sa maraming tao although nagawa ko na yun dati pero bata pa kasi ako nun eh, iba na ngayon.

"Pagiisipan ko." Sumakay ako sa isang Exercise bike at nagsimulang magpidal.

"Ayan ka na naman eh. Malaki ang sweldo dito. You should grab this oppurtinity. Hindi Cheap na Club lang ang kakantahan mo." mukhang hindi siya titigil hanggat hindi ko inaacept ang offer niya.

"Fine, kailan simula?" medyo pinabilasan ko ang pagpidal ko.

"This week na." Aniya. Napahinto naman ako sa sinabi niya. Agad agad talaga.

"Hindi ba pwedeng Next week na lang?" kailangan ko pa kasing mag ipon ng lakas ng loob.

Umiiling lang siya bilang sagot.

"Eh edi hindi na lang ako magtatrabaho sa Club na yan." Tinuloy ko na lang ulit ang pagpipidal ko. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.

"Ohp, ohp.. wala ng bawian. Tinanggap mo na."

"Basta ayoko." kahit gaano pa kalaki ang Sweldo niyan.

"Edi sasabihin ko na lang kay Mark na matagal ka ng may Crush sa kanya." This time literal na talaga akong napahinto sa pagpipidal. kilala ko si katrina 'kapag sinabi niya gagawin niya. Nagsisi tuloy ako kung bakit sinabi ko sa kanya na Crush ko si Mark

"Ugh, Fine. Papayag na ako." umalis na ako sa pagkakasakay sa Exercise Bike at uminom ng tuwig na dala ni Katrina. Magandang araw ngayon ang mag Gym dahil kakaunti ang tao dito. Unlike tuwing weekends punuan.

kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng Jersey Shorts. Sunod sunod ang pag Vibrate.

"Sino yan?" tanong ni Katrina pagkatapos ng pagkatapos niyang uminom ng tubig.

"Yung isa kong ka textmate gusto makapag Eye ball ngayon."

"Edi maki Pag eye ball kana. Para maka libre kana ng makakaen."

"nang ganito ang suot ko?"

"Bakit 'anong masama sa suot mo. Hindi na kita kailanga'ng pahiramin ng Dress. Sexy ka na diyan sa Suot mo." Paanong hindi magiging sexy eh pang gym ang Suot ko.

"Hindi ko naman  kailangan ng Dress mo. Nakakailang lang kasi na makipag Eyeball na ganito ang suot."

"Okay na yan. Malay mo sa isang sikat na restaurant kapa ilibre ng makakain ng ka blindate mo. Edi jackpot pa." sabagay. Para makakain naman ako ulit sa isang sikat na restaurant.

"Bahala na nga. Sige alis na ako, iwan na kita dito." nakipagbeso muna ako sa kanya bago umalis ng Gym. Sumakay ako ng taxi papuntang mall kung saan kami magkikita.

Hindi ako natatakot kung Rapist o Kidnaper ang ibli-blind date ko. Kakayang kaya kong depensahan ang sarili ko dahil nag aral ako nun. Kaya malakas ang loob ko na makipag eyeball sa kanila. kaya ko lang naman ginawa ito hindi dahil gusto kong magkaroon ng Boyfriend. Ginagawa ko to dahil sa libreng pagkain sa mga ibat ibang mamahaling restaurant. Para hindi na ako gumastos para lang makakain sa isang sikat na Restaurant. Sila na ang bahalang manlibre sa akin tapos pagkatapos nun never na akong nagpapakita sa kanila at binablock ko na rin sila sa number ko para hindi na sila maka tawag at nakapag text. Diba ang utak ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bestfriend Not BoyfriendWhere stories live. Discover now