"Ano ba marj! Saan kana? Malalate na tayo." Sigaw ni Katrina galing sa phone.
"Wait lang, wala akong mapili na susuotin." Kanina pa ako naghahalungkat ng maayos ayos na damit dito sa cabinet ko pero wala akong makita.
"Pinahiram kita ng dress diba? Bakit hindi iyon ang suotin mo?" Huminto ako sa paghahanap at tumingin sa kama ko 'kung saan nakapatong ang kulay red na dress na tinutukoy niya.
"Ayoko nga'ng suotin yun. Kapos na kapos sa tela." Tuwing may blind date ako, lagi niya ako pinapahiram ng damit na laging kapos sa tela 'pero ni isa sa mga pinahiram niya wala akong sinusuot, sinusuli ko kaagad sa kanya.
"Ano ka ba, ikaw na nagsabi na wala kang masuot ay tyaka late na tayo sa first date mo." Lagi ko siyang kasama kapag may ka date ako. Gusto niya rin kasi makikain.
"Tss, bahala na nga."
"Suotin mo na, para kahit papano maging mukhang tao ka naman sa harap ng makakadate mo."
"Hala, grabe siya."
"Why, I'm just stating the Fact. Everytime na, makikipagblind date ka, lagi na lang pang manang suot mo."
"Hoy, hindi pang manang ang Plain Shirt at ripped jeans no'." Totoo naman eh, tyaka kahit pangmanang suot ko bawing bawi naman sa mukha 'joke lang.
"Whatever. Basta bilisan mo na lang. Kita na lang tayo sa mall, bye. "
"Geh. Bye na." Binaba ko na ang phone at tinitigan yung dress. Kaya ba kitang suotin? Nahihiya kasi ako, hindi dahil sa mataba ako. Honestly nga, katawan ang mas lamang sa akin kesa sa mukha. Nag g-gym kasi kami ng mga kaibigan ko kaya siguro nagkakurba ang katawan ko. Maraming nagsasabi na sexy daw ako pero akala ko bola lang nila sa akin yun.
Kinuha ko yung dress at pinagmasdan. Hindi nga siya sleeveless pero yung likod ko dito kitang kita. May dalawang butas pa sa magkabilang gilid ng tiyan at hanggang kalahati ng legs ko ang ikli. Haist! bahala na nga. Buti na lang talaga flat na flat ang tiyan ko.
Dahan-dahan kong sinuot at tumingin sa malaking salamin sa kwarto ko.
Grabe bagay na bagay sa akin. Ang sexy ko talaga.
Umupo ako sa harap ng salamin at sinumulang lagyan ng make up ang mukha ko. Messy bun naman ang style na ginawa ko sa buhok ko, kaya exposed na exposed yung likod ko. Medyo may kataasan din ang suot kong sandals.
Tumayo ako tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin.
Ang sexy ko talaga.
Lumabas na ako at sumakay na ng jeep. Alam kong kanina pa ako tinititigan ng mga lalaki dito pero ipinagsawalang bahala ko na lang. First time ko na lumabas sa bahay na ganito ang suot 'kaya medyo naiilang pa ako. Kapag nakikipag blindate naman ako, hindi ko masyadong 'pinapaganda ang sarili dahil libreng pagkain lang naman ang gusto ko.
Bumaba na ako ng jeep at dumeretso sa mall. Naabutan si katrina na may kausap sa phone.
Binaba niya ang phone niya at gulat na gulat sa itsura ko.
"Ohmygod. Marj, it's that you?" Oa lang ang peg."Gaga, tara na nga. Baka mainip na dun, yung kablind date ko."
Pumunta na kami sa isang japanese restaurant kung saan naghihintay ang ka blind date ko. Sa text ko lang siya nakilala pero mukhang mayaman.
Nang makapasok kami sa restaurant hinanap kaagad ng mata ko ang makaka blind date ko.
"Kulay blue daw ang damit niya. Sabi niya kanina sa akin sa text." Sabi ko kay kat.
"Oo alam ko. Tinanong ko yan kanina diba?"
"Nga pala. Teka bakit mo nga pala tinanong?"
"Basta."
YOU ARE READING
Bestfriend Not Boyfriend
Ficción GeneralMarjorie Domingo has a Boy Bestfriend. Pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay nahulog ang loob nito sa binata. Paanong hindi mahuhulog ang kaniyang loob sa lakaki, na kung tratuhin siya nito ay parang isang bagay na napakahalaga. But she don't want...