Minsan akala natin na kapag mahal natin ang isang tao, ibig sabihin ay hindi na nila tayo masasaktan.
Kung sino man ang nagsabi no'n ay siya dapat ang makaranas ng sakit na nararanasan ng mga taong sinaktan at iniwan. Siya dapat ang magpaliwanag sa kanila na kung anong nararamdaman nila ay panandalian lang.
Bakit ko nga ba iniisip ang bagay na 'yon? Masyado pa akong bata at marami pa akong taon sa buhay ko. Dapat ang gawin natin ay mag-enjoy at maranasan ang lahat ng pwedeng maibigay sa atin ng buhay. Dapat libutin natin ang bawat sulok ng mga lugar na pwede nating puntahan, makakilala ng mga taong makakaimpluwensya sa buhay natin.
Dapat akong maging masaya dahil nandito pa rin ako sa mundong ito para mag-enjoy. Pwedeng-pwede akong bumalik sa mga nakagawian ko dati, mag-cutting sa klase, tumakas sa gabi para mag-party o pumunta sa mga music festivals o mag-roadtrip.
Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na bumalik sa ginagawa ko dati hindi ko na magawa. Hindi ko na kayang gawin ang lahat ng iyon hangga't naiisip ko na nagsinungaling siya sa akin. Kahit alam niyang pinagkatiwalaan ko siya sa lahat ng kwento at sikreto ko, mas pinili niya pa rin akong saktan.
At kahit sabihin niya na hindi niya gusto o sinasadya 'yon, habang buhay kong itatatak sa isipan at puso ko na binali niya ang pangako niya sa akin at tinalikuran ako.
--
A/N: LONG TIME! GREETINGS FROM ME ANG AUTHOR NIYONG MABAGAL MAGUPLOAD.
6 months ago, I have finished writing Mr. Devil Is My Boss here on Wattpad. At ngayon, nasa halos 900k+ reads na at meron na rin itong 18k+ votes! Sa konting panahon lang at kahit sa bagal ng uploads ko sa ibang chapter, I never thought I could make such a big impact sa mga readers ko.
I see MDIMB in different reading lists of readers kasama ng iba pang mga sikat na kwento, at hindi ako makapaniwala na makakarating ako sa ganoong punto. When I started the novel, hindi ako sigurado kung matatapos ko ba. But comments and feedbacks gave me back my inspiration.
Napamahal hindi lang kayo kay Sir Travis, kundi pati na rin ako.
So, now I present to you the prologue of another story. This could be a spin-off of Mr. Devil is my Boss and could be read seperately. Are you excited? Place your thoughts in the comment section! Babasahin ko lahat yan as soon as possible.
Much Love,
Rizza
BINABASA MO ANG
Her Unruly Ways (ON-HOLD)
Novela JuvenilKahit na maayos na ang pamilya ni Trisha Reyes, hindi pa rin niya maiwan ang mga nakaugalian niya noon. She knows even now she's in good terms with her family, hindi pa rin sila pabor sa mga hilig nito. She likes partying on school nights, going to...