2. This Jungle I Call Home

135 7 2
                                    

A/N: Not yet done with Gentlemen's Club Chapter 14, kaya dito muna ako maguupload. Enjoy chapter 2!

P.S. You can add me on Facebook (link is on my bio and join our group on FB: Pillowheart's Stories)

~~

Nakarating kami sa Club Rave ng 9:15 ng gabi. Medyo natraffic pa kami ni Kaizer kaya naghanap pa kami ng alternatibong daan gamit ang Waze app niya sa iPhone. Marami ng taong naghihintay nang makarating kami sa loob. Agad kaming sinalubong ng mga kakilala naming para batiin nila ako.

"Happy Birthday, Trisha! You're finally and legally an adult." Masaya at natatawang bati sa akin ni Beatrice, ang childhood bestfriend ko.

Inabutan pa niya ako ng isang baso ng beer para simulan na raw namin ang gabi na hinanda nila para sa akin. Agad ko naman itong ininom at nagsimulang maglibot para mabati ang ibang nasa loob pa ng club.

Naabutan ko rin ang dalawang kapatid ni Kazier. Si Kuya Kenneth, mas matanda sa kanya ng dalawang taon at isa Kyle na mas bata sa kanya ng isang taon. Agad sila kumaway pagkalapit namin.

"Ate Trisha! We were waiting for you kanina pa." Kyle pouted, and crossed his arms to act as if he's mad at me. Paawa pa itong isang 'to.

"I agree, Trisha. Kanina pa aligaga 'yang kapatid ko. He kept on bugging me and Kyle to call you for him. Legit na lover boy." Pangaasar ni Kuya Kenneth dahilan para sapakin ito ni Kaizer sa braso.

"Shut it, Kuya. Pahamak 'yang bibig mo e." Nakangising sabi ni Kaizer bago ako lingunin.

"Anyway, I'll be spinning tonight, babe. Magsisimula siguro ako ng mga 10:00 hanggang 11:30 ng gabi." Sabi ni Kaizer sabay tingin sa kanyang relo.

Tumango naman ako at ngumiti. "Okay, babe. Hihintayin kita ah? I'm sure a lot of girls are going to drool over your performance." Ani ko sa malamig na tono.

"My baby sounds too jealous on her birthday." Ngisi niya sabay yakap sa akin mula sa likuran ko.

"Hindi ako nagseselos, Kaizer. Naiinis lang ako kasi nagpapaakyat ka madalas ng mga babae sa turn tables katabi mo." Sagot ko.

Tumawa siya at mas lalo pa akong inakap. "It's part of my performance, babe. Kunwari sila ang mag-sispin pero recorded na 'yon. Come on, Trisha. Don't be like that now." Kaizer smirked.

Alam kasi niya na hindi ako magagalit sa kanya dahil alam naming part iyon ng trabaho niya. Pero minsan hindi ko maiwasan na pagselosan pa rin ang mga ganon dahil siyempre boyfriend ko siya. At aaminin ko, minsan kahit mga kaibigan ko ang sinasama niya may kirot pa rin sa dibdib ko.

I sighed and decided to let it go. Wala rin naming patutunguhan ang pagseselos ko rito dahil alam kong alam niya ang mga limitasyon niya. Masyado lang akong napapaparanoid, dahil na rin siguro sa mga naririnig kong kwento sa mga kabigan ko sa mga dati nilang nobyo.

"Fine. Hanapin na lang natin sila Bea. Doon na lang ako magsestay hanggang sa matapos ang session mo." Sagot ko sa kanya.

Natapos ko na rin ang pangalawang baso ko ng beer at kumuha ng isang bote ng apple flavored beer na paborito ko. Hindi ko alam kung ilang inom ang gagawin ko pero sigurado akong mas marami dahil birthday ko ngayon.

Narating naming ang kinaroroonan nila Bea. Naabutan naming na may kasayaw na ibang lalaki. Sigurado akong hindi ito ang boyfriend niya dahil ang boyfriend niyang si Lance ay barkada rin ni Kaizer.

"Bea?" Tawag ko sa kanya sa gitna ng malakas na tugtog.

Nilingon niya ako at mabilis niya akong hinila papalapit sa kanila para sumayaw din.

"Come on, in 30 minutes magdi-DJ na yang boyfriend mo at magagalit ka na naman. Let us have fun muna habang good mood ka pa!" She laughed.

"That is not your boyfriend, Bea! Nasaan ba si Lance?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oh, please. We are in an open relationship, Trisha. Plus, it's your birthday. We should just focus on you, okay?" Sagot niya sa akin at patuloy na nakipagsayaw sa lalaking kasama niya.

Kung ako ay matigas na ang ulo sa mata ni Daddy, mas lalo naman itong si Bea. Simula pa lang ng maging 4th year high school kami ay laman na siya ng mga club. Paano naman, parehong OFW ang parents niya at sa Lola siya nakatira . Hindi alam na kung saan-saan siya nagpupunta at sino ang mag kasama niya. Masungit kasi ang lola niya kahit na close silang dalawa.

She have tried a lot of reckless things in her 18 years of age. Nakasama na rin siya sa mga mahilig manigarilyo dati. Mga kasamahan ng ate niya sa trabaho sa call center. Nakasubok na rin mag-vape si Bea kasama ng mga pinsan niya. Naisama na niya ako dati isang beses pero hindi na ako umulit dahil ang tagal kong kinapitan ng amoy ng chocnut ng flavor na usok.

She went to an underground race with Lance and drove his Lambo. Hindi ko rin akalain na mananalo pa siya doon. Noon ko lang nalaman na 2 years na pala siyang marunong magmaneho.

At siyempre, para na lang tubig sa kanya ang alak. Hard liquors are her favorite kapag may mga party. Kung para kay Daddy malakas na akong uminom, siya naman simula pagkabata pa yata umiinom na. She won't just stop until she can barely feel herself in contact with reality.

"Trisha? Girl, nagse-space out ka!" She yelled over the music.

"Sorry, Bea. Anong sabi mo?"                

"I said, Brian wants to dance with you. I'm going to the bathroom. Ang dami ko ng nainom." Hindi na hinintay ni Bea ang sagot ko at pumalit sa harapan ko ang isang lalaki na baka ang Brian na sinasabi niya.

"Hi, Trisha. Naaalala mo pa ba ako?" Tanong sa akin ni Brian nang lumapit niya siya sa akin at hinawakan ang bewang ko nang magsimula kaming sumayaw.

How could I forget someone who used to bully me at preschool? Nginitian ko siya at umiling. I pulled him closer to me dahil siya naman ang naunang lumapit sa akin. Wala namang issue sa akin ang personal space. It's my birthday and nobody cares about anything like that. Inside Club Rave, you are free to do anything you wanted at iyon ang nagustuhan ko sa lugar na ito.

This places is my second home. Dito, pwede akong maging malaya sa gusto kong gawin. Hindi ko naman sinasabing hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko pero kapag nandito ka, pakiramdam mo maraming nakakaintindi sayo. Walang maninira sayo at hindi ka makakarinig ng mga bagay na ayaw mong marinig sa ibang tao. Everyone inside this place loves me and that gives me an intense feeling of happiness.

Nobody is a killjoy.

"Of course I do, Brian. You bullied me way back in preschool." Bulong ko sa tenga niya.

Napatawa siya sa sinabi ko at tumingin sa mga mata ko. These eyes can drown me anytime now. "Sorry, hun. Hindi ka pa kasi ganito noong bata ka. You look hideous back then." Biro pa nito.

"Ang sama mo, hindi rin naman ganito ang itsura mo noon. Besides, hindi naman ako pipiliin ni Kaizer ngayon kung ganoon pa din ako. Tell me, sa Buenavista ka na rin nagaaral ngayong college?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, Trisha. Iba lang ang department ko sa inyo kaya hindi tayo madalas magkita. I am taking Biology. 2nd year na rin ako like you." Sagot niya sa akin.

Saglit pa kaming nagkwentuhan habang nagsasayaw nang mapansin kong nagiba na ang Dj na sumalang sa turn table. Napalingon ako at nakita ko na naghahanda na si Kaizer para sa performance niya. Mabilis niyang hinana kung nasaan ako kaya kumaway ako ng madaanan niya ako. Kinindatan niya langa ko bago isuot ang headphones niya.








a/n: Anyone else falling for Kaizer's antics ngayon pa lang?

Her Unruly Ways (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon