3: Traditions

141 7 2
                                    

A/N:Play the song. Match sila ng chapter na ito.  Enjoy chapter 3! Sorry sobrang tagal ng mga updates but votes and comments are both appreciated.

~~

When you have started something, it becomes harder to stop the longer you do it.

Iyon naman talaga ang realidad ng buhay. Inaamin ko na noong naging malayo ang loob ni Daddy sa amin ni Kuya Travis, nahirapan akong maghanap ng outlet ng mga nararamdaman ko. At dahil may mga negosyo din si Mommy na inaasikaso pagkatapos ay parehong inaalala ni Kuya at Daddy ang kompanya naming wala ako halos nadadatnan sa bahay.

Dumating pa sa puntong tuluyang lumipat si Kuya sa sarili niyang condo kay mas lalo akong nawalan ng tao sa bahay. Minsan, kapag dumadating ako galing school, mga kasambahay namin ang madalas kong abutan at nagaasikaso sa akin. Pakiramdam ko noon nawalan ng panahon sa akin ang pamilya ko, and that hurt more than anything.

Inaamin ko, nasanay ako na binibigyan ako ni Kuya ng atensyon, something that my parents lacked simula nang lumaki ako. I tried to excel in school but I guess my parents expected that from me. Si Kuya naman, nagkaroon ng girlfriend noon bago si Ate Freia. I never liked Christine Ravanes tahe moment I saw her.

Para siyang lintang hindi mabubuhay kapag wala si Kuya. He took her to hundreds of dates na dati kami ang gumagawa. He gave her gifts na dati sa akin binibigay. Si Kuya na nga lang ang nakakapansin sa akin, nawala pa. At dahil alam kong napansin si Kuya nang magsimula siyang gumawa ng mga bagay sa school, ginaya ko siya.

I started cutting classes, I sneaked out in the middle of the night and went to clubs. Hindi ako nagpapaalam kapag may inuman kami ng mga kaibigan ko.

That's when Dad noticed me. Nagalit siya sa akin, he gave me lectures everytime I went home. Pasok sa tenga labas sa isa, pagkatapos matutulog na lang ako. Pati si Mommy ay nagalit na din sa akin, ano raw bang nangyayari sa akin, but I couldn't tell it's about them, that it tears me to see my family being torn apart. Halos di na nga namin maalalang lumabas ng kumpleto kaming apat, and they expected me to just be okay with it all?

Pagkatapos, noong dumating sa buhay naming si Ate Freia naramdaman ko na bumabalik na sa dati ang lahat. Dad even asks me how I am upon arriving from school. Mas naging maluwag na rin ang schedule ni Mommy sa business at si Kuya kinakausap na ulit ako. Para sa akin, isa siyang blessing sa pamilya namin. She gave my family back to me kaya naman sobrang nagustuhan ko siya.

I want her to tie my brother to her waist. Siya lang ang nagpatino sa kapatid kong parang halimaw.

But, it became hard for me to stop doing what I used to do. Kaya naman paminsan nahuhuli pa rin kong tumatakas ni Daddy kapag gabi. Noong una pa nga, ayaw nila Daddy kay Kaizer dahil mukha raw na hindi maganda ang maidudulot sa akin. Well, at some point it was true. Pero mas cautious na ako sa mga ginagawa ko. And I want to prove to my family na kaya kong pagkatiwalaan sa mga ibang decisions ko.

Bea talked beside me habang nakaupo kami sa VIP lounge at nakatingin kay Kaizer habang nagdi-dj sa dancefloor. "Ang hot talaga niyang si Kaizer kapag siya ang DJ sa turntables." Nakangising sabi niya while finishing her bottle of flavored beer. Kung ano-anong iniinom ng babaeng to.

Napataas ang kilay ko. "Alam nating lahat yon. Tell me, crush mo din siya 'no?"

"I don't."

"Lokohin mo nga lelang mo, Bea. Don't me."

"Ew, huwag mo ngang gagamitin iyong mga ganyang linya. Jejemon ka ba, Trisha?"

Natawa na lang ako sa pagiiba niya ng usapan. "Stop changing the subject, bįtch. Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko. Promise, I won't get mad at you. At isa pa, you use don't me more than I do. Stop acting like an elitist."

Her Unruly Ways (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon