1. Finally & Legally 18

237 8 3
                                    


A/N: Here is the first chapter, guys! Sorry kung natagalan pero sana yugn chapter 2 ay hindi matagalan ng upload. Sobrang busy ko lang talaga sa school and mas focused ako sa GC. But I hope you will enjoy this nevertheless.

Comments and votes are both appreciated!

~~

"Sorry, princess. Me and Ate Freia couldn't make it home tonight. Ang lakas kasi ng ulan pa-Manila. Bukas ng umaga bago mag-tanghali I am sure we will be home by then." Sabi niya Kuya Travis sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang ako bago siya sagutin. "Ah, akala ko pa naman makikita ko na kayo ulit from your Laguna trip. Miss ko na kayo eh tsaka birthday ko pa naman. I miss you, Kuya." Sagot ko sa kanya.

"I know, baby girl. Sorry talaga, Trisha. I know I promise to be home for your 18th birthday kaso hindi ko alam na uulan pala ngayong araw. I should have checked on the internet this morning. Bukas, we will have your second party at home, ha? Make sure to invite your friends and anyone you want to be in your party."

Siyempre sa huli, pumayag pa rin ako sa sinabi ni Kuya. Ano pa bang magagawa ko kung hindi sila makaabot ngayon gabi? I could not force them to drive through this storm baka kung mapaano pa sila. Malakas sa akin si Kuya eh, madali niyang mahuli ang kiliti ko at kung anong gusto ko.

I was anticipating Ate Freia and Kuya Travis's homecoming tonight, but it turns out na hindi sila aabot dahil masyadong malakas ang ulan ngayon pabalik dito ng Manila. It is now July at halos kakasimula pa lang ng pasukan pero malalakas na rin ang mga bagyong pumapasok sa bansa. Naiinis ako minsan kapag ganito dahil hndi ko magawa lahat ng gusto ko.

Most of the time, I am kept inside the house by my parents. Kapag summer o mga bandang January, madalas akong lumabas at mag-sneak out ng bahay tuwing may pasok. Kung iisipin nga madalas akong hindi magpapigil sa mga magulang ko. I keep on doing my activities kahit minsan hindi na ako nagpapaalam. Dad hated what I do. Ayaw niya kasing may nililihim kami sa kanya.

Simula ng maging okay kami kay Daddy ni Kuya, halos hindi naman niya kami pakawalan at hayaan lumabas ng hindi nagpapaalam. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganoon sa amin dahil gusto niya raw bumawi. Mas gusto talaga ni Daddy ang mga family outing namin lalo na ang mga roadtrips ko with my cousins. At least daw, kakilala ni Daddy ang mga kasama ko at kamag-anak namin.

Hindi naman sa ayaw ni Dad sa mga friends ko. In fact, napakawelcoming pa nga nila Mommy sa kanila sa tuwing gagawi sila sa bahay namin. The things Dad hate are the times that I sneak out without telling them where I am off to. Gawain ko kasi iyon dati noong high school ako to get his attention. Nakasanayan ko na yata kaya kahit anong gawin ko hindi ko na mabago.

A call interrupted my thoughts which I immediately answered. Napangiti agad ako ng makita ko kung sino ang nasa caller ID.

"Good evening, babe." Kaizer said the moment I answered the call. Kahit kailan talaga itong lalaki ito pinakikilig ako.

"Kaizer!" Masayang bati ko sa kanya.

Kaizer Cheng has been my boyfriend for a year. Nakilala ko siya sa university dahil sa kanya ako nagtanong kung saan ang direction papuntang Registrar's Office. Upon seeing him, alam kong nililok siya ng mga anghel sa langit. His mere presence could take any girl's breath away. Para sa iba siguro I am exaggerating, pero iyon naman talaga ang totoo.

Nang ngitian niya ako at mag-offer na siya na mismo ang magdala sa akin doon, parang nalaglag hindi lang ang puso ko pati ang baga ko. Hindi lang iyon, siya na rin daw ang magtotour sa akin sa loob ng university para naman mas maging pamilyar din daw ako sa lugar. Siyempre, sino ba naman ang isang Trisha Reyes para tumanggi sa isang grasya mula sa itaas hindi ba? So I obliged and let him tour me not knowing na siya rin pala ang magiging unang boyfriend ko.

Her Unruly Ways (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon