ANDREI'S POV
"Andrei o may sulat para sayo." Sabi ng kasamahan ko sa dorm.
Agad kong inabot ang sulat. Wala naman kaseng ibang magpapadala sakin ng sulat bukod kay inay at panigurado may sulat din para sakin ang mahal ko.
Hay miss na miss ko na yung pasaway na yun. Panigurado tingting pa din yun hanggang ngayon. Haha.
May dalawang sulat ang nandoon. Una kong binuksan ang sulat na nakasulat sa kulay puting papel.
'Hi anak, kamusta ka na ba diyan? Mahigit isang buwan na din simula nung umalis ka aba'y akalain mo bang mamimiss ka ng tatay? Kumakain ka ba ng ayos diyan? Baka naman nagpapagutom ka diyan ha? At wag puro chichirya tsaka fast-food ang kakainan ha? Dapat kumain ka pa din ng masustansiya. Kumain ka ng gulay at prutas ng hindi ka magkasakit. Yung pag-aaral mo naman kamusta? Hindi ka ba nahihirapan? Wag puro aral anak at baka mabaliw ka. Hahaha. Pwede ka din namang lumabas-labas minsan para malibang ka. Osiya ingat ka diyan anak.
Tatay'
Ang tatay talaga kahit kelan parang si nanay kung nagbilin. Haha. Minsan nga daig pa niya si nanay e. Pero mahal ko yung si tatay.
Ano naman kaya yung laman nung isang sulat? Ah baka galing na sa mahal ko!!
Nagmadali akong buksan yung sulat.
'Dear anak,
Kamusta ka na diyan? Okay naman kami ng tatay mo dito. Pagbutihan mo ang pag-aaral mo ha. Mahal ka namin. May gusto pala kong sabihin sayo. Alam kong masasaktan ka sa malalaman mo pero ito ang tamang gawin. Nanay mo ko at alam mong ayaw kitang saktan pero magagalit naman ako sa sarili ko kung sa iba mo pa malalamna ito.'
Itinigil ko pansamatala ang pagbabasa dahil nakaramdam ako ng kaba. Bakit ako masasaktan?
'Kalakip ng sulat na ito ang mga larawan..'
Binuklat ko ng maigi ang sulat at may mga larawang bumagsak sa kama ko.
Larawang hindi ko inaasahan na makikita ko.
May picture na nakapatong si Daniela kay Paulo na animoy maghahalikan.
Meron pang hinampas ni Daniela si Paulo sa braso.
Meron pang larawan na nasa plaza silang dalawa. Ano to date?!
Nalukot ko yung mga litratong hawak ko.
Tangina! Ang sakit. Minahal ko siya ng sobra tapos ganito ang mapalala ko sa kanya.
'Sinabi ko naman sayo noon pa na itigil mo ang pakikipagrelasyon sa kanya pero hindi ka nakinig ayan tuloy kailangan pang umabot sa ganito. Hindi siya ang babaeng para sayo anak. Kita mo na isang buwan ka pa lang nakakalis pinagpalit ka na agad. Ni hindi ko na nga siya nakikita dito kaya siguradong palagi silang magkasama nung lalaki na yun. Tinanong ko pa nga si Mareng Ana kung nakagawa na ba ng sulat si Daniela para sayo pero wala naman daw. Alam kong masakit itong nalaman mo anak pero sana wag mong pabayaan ang pag-aaral mo ha. Andito lang kami ng tatay para sayo. Mahal kita anak.'
Sa Paulo na yun pa niya talaga ko pinagpalit. Ano yun hinintay lang ba nila na makaalis ako bago naging sila?
Siguro nga bata pa kami para sa pag-ibig na pinasukan naming dalawa, pero p*cha! Ang sakit e.
BINABASA MO ANG
MY INNOCENT HEART
Teen FictionHi Francis Daniela Mendoza! Thank you for joining our game and congratulations for winning!