CHAPTER 8ANDREI'S POV
"Can I come with you?" Nagulat ako sa tanong niya sakin.
Nagtataka ba kayo kung sino siya? Siya si Jeannel Arquiza. Yung babaeng nakilala ko sa bar 4 years ago. Oo magkasama pa din kami pero hindi ko siya girlfriend. We're like bed partners to be exact.
She was always there for me. Alam niya ang buong kwento ng buhay ko. Kung bakit ako nasa bar noong gabi na yun. Kung bakit hindi ko pa din siya kayang maging girlfriend. At kung bakit hanggang bed partners lang kami pwedeng dalawa.
Alam niya na si Daniela pa din.
Si Daniela pa din mula noon hanggang ngayon.
"Ano? Can I come? I want to go to Leyte." Humawak pa siya sa braso ko.
"Huwag na. Mabo-bore ka lang doon. Walang bar at mall doon."
"Please?" She said with a seductive voice.
"Wala kaming aircon sa bahay. Papag lang ang higaan namin. Baka mahirapan ka lang."
"No worries. You won't hear anything from me. Hindi ako magrereklamo promise." Ipinulupot niya sa leeg ko ang magkabilang braso niya.
"Okay." Pagpayag ko then she sealed it with a kiss.
***
"Jean wake up." Tinapik ko ng bahagya yung pisngi niya. "Malapit na tayo."
"Hmmmm.."
"Gising ka na. Bababa na tayo o." Pangungulit ko sa kanya.
"Hm.. five m-minutes.." Rinig kong sabi niya.
5 minutes? Hay. Naalala ko na naman si Daniela. Yung nobya kong tulog-mantika. Kapag may pasok kami sa eskwelahan ako pa mismo ang gumigising sa kanya. Kinikiliti ko pa yun ng feather sa mukha para lang bumangon. Kakapain niya pa yung bibig niya na puro tuyong laway.
Nakaka-miss..
Nakakamiss ang nobya ko..
Kamusta na kaya siya?
Sila pa din kaya ni Paulo?
Masaya na kaya siya?
Naaalala niya pa kaya ako?
Kase ako, alalang-alala ko pa din siya.
Ni minsan hindi siya nawaglit sa isip ko.
At higit sa lahat mahal ma mahal ko pa din siya.
Handa na ba kong harapin siya?
Sapat na kaya ang apat na taon para maghilom yung sugat na ginawa niya sa puso ko?
***
After two years, dinala kong muli sa story na to. May readers pa ba ko? 💞
BINABASA MO ANG
MY INNOCENT HEART
Teen FictionHi Francis Daniela Mendoza! Thank you for joining our game and congratulations for winning!