CHAPTER 7Alexa's POV
Apat na taon na ang lumipas..
Apat na taon na ang lumipas simula nung umalis si Andrei.
Hindi ko na siya tinawag na Papa Andrei no. Sinaktan niya ang bestfriend ko.
Apat na taon na din akong nagpapatahan kay Daniela. Literal na crying shoulder niya ko pero wala naman akong magawa.
Sa loob ng apat na taon, araw-araw siyang gumagawa ng sulat para sa lalaki na yun pero ni isa sulat hindi man lang niya nagawang padalan ang kaibigan ko.
Sana kung nakahanap man siya ng iba, sinabi na lang niya para hindi nagmumukang tanga si Daniela kakahintay sa kanya.
Naging malapit na din samin si Paulo. Mabait naman siyang kaibigan e. Andiyan din siya palagi para patahanin si Daniela. Alam kong gusto niya ang kaibigan namin pero alam din naman niyang never siyang magugustuhan nito.
Ilang beses ko na din yang sinabihan na kalimutan na lang yun pero sabi niya hindi daw pwede dahil babalikan pa siya nito.
Minsan nga gusto ko na lang iuntog yung uko niya para matauhan pero hindi ko naman kaya.
Hay buhay.
"Girl narinig mo ba yung balita?" Nagulat ako kay Daniel. Nandito na pala siya sa harap ko. Di ko man lang namalayan.
"Aling balita?"
"Si Andrei daw babalik na." Nakangiting sabi niya.
"Bakit pa?"
"Alexa!" Saway niya sakin.
"Alam mo kase girl, ang kapal ng mukha niya para bumalik pa siya dito. Jusme ha. Pag yan bumalik na parang wala lang nangyare sasapakin ko talaga siya!"
"Uy wag ka namang ganyan. Alam mo namang mahal na mahal ko pa din yung nobyo ko." Batukan ko nga!
"NOBYO?! Sa pagkakalam ko kase Daniela walang nobyo ang nang-iiwan at hindi nagpaparamdam sa nobya niya. Tsaka jusko girl 4 years na ang nakalipas natiis ka niya. Tingin mo ba wala pa yung iba? Jusko naman Daniela gumising ka na nga diyan sa kahibangan mo! Hindi ka na mahal nung tao kaya wag mo ng ipagpilitan yang sarili mo!" Sorry bestfriend but I need to do this.
Masaktan man kita ngayon, papasalamatan mo din ako balang-araw.
Kailangan mo ng magising sa katotohanan na wala na yung mahal mo.
***
May reader pa ba to? Hi! ☺
BINABASA MO ANG
MY INNOCENT HEART
Teen FictionHi Francis Daniela Mendoza! Thank you for joining our game and congratulations for winning!