Chapter 5

459 16 1
                                    


CHAPTER 5

ANDREI'S POV

"Hi! Alone?" May tumabi sakin na babae.

Gabi-gabi na kong laman ng bar na to simula nung malaman ko yung panglolokong ginawa sakin ng kaisa-isang babaeng minahal ko.

"Want me to join you?" Hinawakan niya ko sa braso.

Sa totoo lang, maganda siya. Mali pala, sobrang ganda niya. Sexy pa. Ito yung katawang gustong-gusto ng mga lalaki maliban sakin.

Bakit?

Kase yung tingting na yun lang naman ang gusto ko e.

Pero wala na siya. Hindi pala, masaya na siya sa piling ng iba.

Kaya bakit ako magmukmok sa kanya kung may pagkain ng hinahain sa harap ko.

I asked trying to be seductive too.

I never tried to be like this before. Sa totoo lang gwapo akong tao pero never akong nakipaglandian sa iba. Never akong naging chickboy dahil simula bata pa lang iisang babae lang ang gusto ko.

Binabantayan ko nga yung mga kilos niya palagi dahil ayokong may manligaw sa kanya. Ayoko din namang ligawan siya dahil bata pa kami parehas. Gusto ko pag naging kami, may maipagmamalaki na ako.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, narinig ko na may gusto nga yung Paulo na yun sa babaeng mahal ko.

Sakto naman na nakita ko silang nag-uusap sa labas ng school na para bang nagtatangka na siyang manligaw kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko.

Lumabas na tuloy yung pinakatatago-tago kong pagtingin sa kanya.

Tutol pa nga ang nanay noon pero pinaglaban ko siya. Pinatunayan kong hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko kahit na may kasintahan ako.

Pero sinira niya lang lahat ng yun. Sandali pa lang akong nawawala pero tinapon na niya yung mahigpit sampung taon na pagkakaibigan namin pati ang mahigit dalawang taon na pinagsaluhan namin bilang magkasintahan.

Siya naman ang nauna kaya wala naman sigurong masama kung mambabae din ako?

As if on cue, hinalikan na ko ng babaeng katabi ko.

Natuloy ang paghahalikang sinimulan namin sa condo niya.

Pero habang ginagawa namin yun, iisang tao lang ang nasa isip at puso ko.

Si Jewel...

Ang babaeng mahal ko..

****

Shortest update ever. Sorry na. ❤

MY INNOCENT HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon