CHAPTER 6Daniela's POV
"Nay pupunta lang ho ako kila aling Mildred ha?" Paalam ko sa nanay ko.
"Sige. Ikamusta mo na lang ako ha."
"Opo." Humalik muna ko sa kanya bago lumabas ng bahay.
Excited akong pumunta sa bahay nila Andrei, ngayon daw kase ang dating ng mga sulat mula sa Maynila e.
Nung nakaraang araw kase, nagpadala ko ng sulat mula sa kanya. Pinadaan ko din yun kay Aling Mildred dahil sila lang ang nakakaalam ng address ni Andrei. Isa pa wala naman akong perang pampadala.
"Magandang umaga ho." Bati ko sa tatay ni Andrei na kakalabas lang ng bahay nila.
"Oh iha andiyan ka na pala. Sakto kakadating lang ng sulat ni Andrei. Pumasok ka na lang sa loob ha. Aalis na kase ako."
"Sige po. Ingat po kayo."
Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok.
Naabutan ko si Aling Mildred na nasa lamesa at nagbabasa ng sulat.
"Good Morning po." Todo-ngiting bati ko sa kanya.
Jusko miss na miss ko na ang anak nila kaya sobrang saya ko talaga na makitang may sulat na mula kay Andrei.
Ilang pages kaya yung sulat niya sakin? Isa? Dalawa? Tatlo?
O sampu kaya? Tapos puro i love you kang yung nakalagay? Haaaay. Miss na miss ko na ang Andrei ko. :(
"Oh anak andiyan ka na pala. Halika't dito ka na kumain ng agahan."
"Hindi na ho Aling Mildred. Kumain na po kami ni nanay. Pinapakamusta nga po pala niya kayo sakin."
"Aba'y ganun ba? Maayos naman kamo ang lagay namin. Matagal ko na ding hindi nakikita ang nanay mo dahil abala ako sa tindahan namin."
"Kung may maitutulong po ako sa inyo sabihin niyo lang po ha." May isdaan at gulayan kase sila sa palengke.
"Ayos lang kami anak. Oo nga pala, pasensiya ka na pero walang sulat si Andrei para sayo." Malungkot na sabi niya.
"Baka naman po naipit lang po sa ibang sulat?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Wala anak e. Iisang sulat lang ang tanging laman nung sobre. Sulat na para samin lang ng tatay niya." Nanlumo ako sa narinig ko.
Gusto kong umiyak. May nahanap na kaya siyang iba? Pero diba sabi niya mahal niya ko. Baka naging busy lang siya.
"Pasensiya ka na anak. Baka nakalimutan ka lang niyang gawan."
"Oo nga po. Nahihirapan po siguro siya sa pag-aaral." Pinilit kong ngumiti kahit na yung mga mata ko ay nagbabadya ng lumuha.
"Pakisama na lang ho itong sulat ko sa ipapadala niyo para sa kanya." Inabot ko yung sulat na pinagpuyatan kong gawin kagabi.
"Sige anak. Ako na ang bahala. Ingat ka ha."
Nagpaalam na ko sa kanya pero hindi ko pa din maiwasang malungkot.
Mahal pa kaya niya ko?
***
Wala ng Andrei at Daniela? 😢
![](https://img.wattpad.com/cover/76712849-288-k983927.jpg)
BINABASA MO ANG
MY INNOCENT HEART
Teen FictionHi Francis Daniela Mendoza! Thank you for joining our game and congratulations for winning!