Chapter 2:
Move on…
Dalawang salita na binubuo ng anim na letra. Napakadaling sabihin, pero napakahirap i-explain lalo na ang gawin ito.
Para sa kagaya niyang nasasaktan ngayon, ang salitang move on ang isa sa pinaka-offensive na salita o advice na ayaw niyang marinig ngayon, o kahit kelan. Kahit sa bibig pa iyon ng mga kaibigan niya.
One month and three days… eksaktong bilang ng araw na nagdaan mula nung huli niyang nakita si Tristan.
Tatlong araw naman ang nakakaraan mula nung matanggap niya ang divorce paper mula sa mga abogado nito.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Akala niya noon may magagawa pa siya. Pero isang masakit na wake-up call ang divorce paper na iyon. Isang nakakainsultong bagay na tumapos sa lahat ng mga pangarap niya.
Akala niya noon, loving someone is a blessing and loving you back by that someone is lucky.
Ngayon isang masakit na katotohanan ang natutunan niya- that love is a gamble, you should be prepared to lose, because you won’t always get an Aces, Kings and Queens to win the game.
Reality sucks, because in this game, unfortunately… she is the loser.
She smiled bitterly. Another set of tears was now threatening to fall from her eyes. Akala niya ubos na lahat, na wala na siyang iluluha pa.
Pero pag ang puso nasaktan… hindi mo ito mapipigilang wag umiyak. Dahil sa lahat ng parte ng tao, yun lang ang magiging totoo sayo. Kaya pag nasaktan siya, iluluha niya yung sakit, at hindi mo ito mapipigilan kahit gaanu mo ito kagustong patahanin.
Hindi niya alam kung kelan siya titigil sa pag-iyak. Siguro kapag napagod na ang puso niya. Kapag talagang nasaid na ang luha niya.
Pero ang tumigil ang puso niyang mahalin si Tristan… yun ang hindi niya kelanman makakayang sagutin.
Baka. Maari.
Maybe she will learn to move on and learn to stop her heart from loving Tristan, but one thing is so sure… hindi ngayon at lalong hindi magiging madali iyon.
“So anong plano mo ngayon?” Jodi’s question snapped her from thinking. Saka niya naalala kung nasaan siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Love ME Again
RomancePano ba matatanggap ng isang babae ang katotohanang hindi na siya ang mundo ng lalaking pinakamamahal. Is it fair to leave her for a sole reason that she can’t give him a child? O sapat bang dahilan ang kasal para manatili siyang kumakapit dito? Wil...