--- This is a warning! This chapter is a kinda bit of a mess... a hot, hot mess indeed. I wanted to say sorry before you continue reading it because I might be corrupting you're oh so precious innocent minds. Sorry!!!
Nga pala, para kay jadiite ang chapter na ito... dahil sa comment niyang na ikinatawa ko- bakit ba kasi... sino ba nagsabing bakla si Mathew? *wink* *wink*
35 votes and 20 comments... please???
Bakit may mga taong umaasa? Mga taong patuloy na lumalaban at nakikipaglaban sa isang bagay na alam naman nila sa una pa lang... ay natalo na sila?
Bakit may mga taong patuloy na nagmamahal... kahit na alam nilang hindi na sila mahal ng taong minamahal nila?
Higit sa lahat... bakit may mga taong nagpapaasa? Dahil ba alam mo nila na mahal mo sila... kung kaya't kampante sila na kahit ilang ulit ka man nilang saktan... patuloy ka pa ring magmamahal sa kanila?
Hanggang kelan ba kakayanin ng pusong... mag-mahal?
Chapter 13
"Paalisin mo na siya dito Tristan!"
"Hindi ko kayang gawin ang gusto mo Isabella."
"At bakit hindi!?"
"Pwede ba... hindi siya aso o pusa na basta ko na lang pinulot sa kalye at inuwi dito!"
Naalimpungatan siya mula sa mahimbing niyang pagkakatulog ng may marinig siyang mga boses na parang nagtatalo. Hindi ganoon kalakas pero sapat para gisingin siya. Cecee slowly opened her eyes at ang unang bumungad sa kanya ay ang ang cream-white na kisame.
Matagal siyang nakatitig doon. She was distracted by the leaves and flowers beautifully painted up there, ng biglang kumunot ang noo niya.
Napalingon siya sa gawing kanan niya at mas lalong nadagdagan ang gatla niya sa noo ng makita ang hindi pamilyar na bedside table sa tabi ng kamang kinahihigaan niya. It was dark in color and seems too elegant, taliwas sa nakasanayan niyang bedside table na simple at kulay puti.
At ng lumingon siya sa kaliwa, doon niya napagtanto na wala siya sa sariling silid niya because of the mini-sala set placed there. Clearly, it wasn't the same room that Jodi lend to her while she was staying at her house.
Wala sa oras na napabalikwas siya ng bangon. Pero agad niya ring ibinagsak ang katawan sa kama ng maramdaman niya ang biglaang kirot sa sentido niya. Dalawang kamay na napahawak siya sa ulo at mariing pumikit para ibsan ang kirot na nararamdaman niya.
"What? Are you out of your mind Tristan? You. Are. Already. Divorcing. Her! This is insane!"
Muli niyang iminulat ang mga mata ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Isabella!? Oh my God! Don't- don't tell me... nasa... nasa bahay ako ng kabit ni Tristan???
Bumalikwas siya ng bangon, mas mabilis sa una niyang attempt ng pagbangon. She ignored the searing pain she felt not only in her head but on her entire body as well dahil sa pagbangon niya at pag-tayo paalis ng kama. Nandidiring hinubad niya ang kumot na nakapulupot sa katawan niya dahil sa realisasyon na maaring ang lahat ng nasa loob ng kuwartong iyon ay pagmamay-ari ng babae.
Maybe, others will say that she was overreacting, pero pride na lamang ang natitira sa kanya. Isabella already took Tristan's love, and her dream of becoming Tristan's only mother of his child at higit sa lahat... malapit na rin siya nitong hubaran ng titulo bilang asawa ni Tristan... at hindi niya hahayaan na ang pride at natitirang respeto niya sa sarili ay agawin din ng babae sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love ME Again
RomancePano ba matatanggap ng isang babae ang katotohanang hindi na siya ang mundo ng lalaking pinakamamahal. Is it fair to leave her for a sole reason that she can’t give him a child? O sapat bang dahilan ang kasal para manatili siyang kumakapit dito? Wil...