Kaka pasok ko palang ng bagong school na papasukan ko simula ngayon.
Kalagitnaan na ngayon ng school year kaya medyo kinakabahan ako, aside from the lessons that i missed, isa sa nagpapa-kaba sakin at palagi kong iniisip simula nang nalaman kong lilipat kami ay kung if ever may magiging kaibigan ba ako. Usually kasi kapag nakasimula na ang school year ay may kaniya-kaniyang grupo na ang mga mag kaklase so it's either magiging outsider, loner or binubully ako.
I believe in the saying na you have to surround yourself with good people because it have a really huge impact sa life mo. Pero ever since naman dahil sa status ko ay halos walang gustong makipag kaibigan sakin, well except kung may kailangan silang assignment na ipapasagot or projects na ipapagawa, dun lang nila naaalala na I exist.
Napakunot ang noo ko nang mapansin na kanina pa ako naglalakad sa hallway ng school pero iilan lang ang mga students na naka salubong ko, karamihan pa sa mga yun ay tumatakbo. Agad na nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa wrist watch ko at napansing 8 na pala ng umaga.
"Shoot! 7:30 ang pasok ko"
Mabilis kong tinakbo ang daanan papuntang Principal's office, nakaka ilang liko na rin ako nang ma realize ko ang katotohanang hindi ko pala alam kung saan ang office. Muntik ko nang masapok ang sarili ko nang ma realize ko na hindi ko pala alam kung saan ang Principal's office.
This school is really beautiful, sobrang modern ng design at alam mo talagang hindi kinuripot ang pagpatayo, sobrang all out eh. Ang weird ngalang dahil sa tagong lugar na ito ay meron palang ganitong school na nakatago.
Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung may mapag-tatanungan ba ako pero sa kasamaang palad ay mukhang ako nalang ang hindi pa nakaka pasok ng class.
What a good job on my first day of class.
"Turn left walk straight and turn right then you'll see it"
Pakiramdam ko ay parang nilaglag mula sa bundok ang puso ko nang marinig ang isang baritong boses na nag mula sa likod ko. Napahawak ako sa puso ko at pinakiramdaman ang sobrang bilis na tibok nito habang pinapakalma and nanginginig kong tuhod.
Potek, halos mabali na ang leeg ko kakahanap ng tao kaninang mapag tatanungan tapos wala naman akong nakita tapos ngayon.
Kunot noo kong nilingon ang lalaking nasa likuran ko pero agad ding nanigas nang maka harap ko ang isang puting uniporme na sobrang lapit sa mukha ko. Muntik pa akong mapapikit nang maamoy ko ang pabango ng lalaking kaharap ko. Hindi Iyon masakit sa ilong, instead nakaka relax iyong amuyin. Preskong-presko at lalaking lalaki.
Sobrang pihikan ako sa amoy, Ii don't know why pero sobrang sensitive ng ilong ko sa mga pabango, sumasakit kaagad ang ulo ko sa mga matatapang na amoy ng perfume at minsan ay nasusuka pa ak, kaya nakakapanibago sakin na may amoy akong nagustuhan habang hindi nagrereklamo ang ilong ko sa tindi nito. I know na hindi iyon isang cheap cologne lang.
Dahan dahan ko namang tinaas ang paningin ko at naka salubong ang pinaka-magandang pares ng mata na nakita ko.Napa-awang ang labi ko nang mapatingin sa lalaking kaharap ko. Hindi ako sure kung ano ba talaga ang kulay ng mga mata niya pero parang golden brown or gold talaga. Mas pina ganda iyon ng araw na tumatama dito. Agad naman siyang umiwas ng tingin at nilampasan na ako.
Napasunod nalamang ako ng tingin sakanya habang sinisimot ang natitirang amoy niya na naiwan sa ere. Alam kong weird, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko dahil sobrang bango niya talaga. Yung tipo ng amoy na gustong-gusto mong amuyin.
"Huh" utal ko sa sarili nang ma realize ang nangyari. Papano nangyari yun? Papano niya nasagot ang tanong ko? Nasabi ko ba ang laman ng utak ko?
Parang baliw akong nakatunganga lang sa gitna ng hallway habang iniisip ang pangyayari ngayon lang. Ang weird talaga. Alanganing sinunod ko naman ang sinabi niya kahit puno parin ako ng pagtataka.
BINABASA MO ANG
Lust of a Snobbish Vampire ✔
VampireWith his golden brown eyes and extremely amazing features, Maria Clarita Santos a.k.a Maria Clara found herself writhing and screaming in ecstasy, as your not so ordinary Vampire, Stephen Cray slowly takes away bits of her innocence. As life plays...