2

50.7K 885 15
                                    

Hindi nga nagsisinungaling ang lalaki kanina dahil nung sinunod ko yung direction na tinuro niya ay agad kong nakita ang pinto na may naka-lagay na "Principal's Office". 

Ilang segundo din ang lumipas pagkatapos kong kumatok ang hinintay ko pero walang sumagot kaya napag desisyunan ko nalamang na pumasok na "Good morning sir" bati ko sa taong unang nakita ko nang mabuksan ko ang room ng Principal's office.

Napa-taas naman siya ng tingin mula sa ginagawa at nginitian ako "Oh, I'm sorry. Good morning, please come in" sabi niya at inayos ang mga gamit sa harap niya. Pumasok naman ako at sinara ang pintuan sa likuran ko at nag-lakad palapit  sa harap niya ng desk niya.

"How may i help you?" tanong ng Principal at humalukipkip sa harap ko.

Bigla akong namangha nang mapansing medyo bata pa ang Principal na kaharap ko ngayon. He should be around late 20's. Pwede ba yon? Maybe sakanila to ang school kaya siya na ang nag-manage. And I believe, sobrang talino and galing niyasiguro  sa field na pinag-aralan niya para mapunta sa posisyon niya ngayon.

"Um, I'm Maria Clarita Santos from University of San Lorenzo, transferee po ako and today is my first day" paliwanag ko "Sir" dugtong ko nanag makalimutan kong i address siya non. Hindi bagay sa kaniya ang sir, mas bagay ang "Baby"

Napakagat nalamang ako ng labi para pigilan ang tawang muntik ng umalpas dahil sa kabaliwan ko. First day na first day landing landi na ako. Pero hindi naman talaga ako lumalandi, sadyang trip kolang.

Napangisi naman ang kaharap ko at tiningnan ang wrist watch niya "You're 1 hour and 43 minutes late to your class Miss Santos?" Napangiti nalamang ako na humihingi ng paumanhin. Hindi mo naman po sir kailangan i mention "Sorry sir, I really had a hard time finding my way to your office and so I got a little lost"

Napabuntong hininga nalamang siya at may inabot mula sa gilid ng table niya "Aight, Here's your class schedule and here's a drive of the copy of the lessons that you missed"

"Thank you so much sir!" tuwang sabi ko at tinanggap ang papers at isang box. Yo! this is something na hindi ko talaga in-expect. Tanging mababait at may pusong professors lang ang magbibigay ng notes.  Pakiramdam ko ay biglang na relieve ang pakiramdam ko, isa pa naman to sa mga pinoproblema ko dag-dag pa ng  anxiety ko na baka hindi ako maka catch up sa mga lessons. Perks of being a new student maybe?

"I know it's gonna be hard,especially that you came in the middle of school year, but do your best Miss Santos. I saw your grades from your previous school and you did very well. I'm expecting a lot from you" Parang kinabahan naman ako sa sinabi niya. Yes mataas ang mga grades ko, hindi naman ako matalino pero sadyang ginagalingan kolang talaga sa pag-aaral ko. Sobrang sobra na ang sakripisyo sakin ng mama at since isang beses lang naman ako ga-graduate ng college, then why not give my best shot, diba?

"I'll try my best sir" Ngumit ako sakaniya at nag-paalam na. Alangan namang makipag chika pa ako sakaniya eh sobrang late na nga ako.

Napailing na lamang ako nang tingnan ko ang schedule ko at nakitang tapos na ang isang klase ko, Great, now may isang dagdag na lesson akong kelangang habulin.

Binilisan ko ang paglalakad papuntang classroom para hindi na ako maunahan ng professor ko, May konting hiya pa naman ako you know.  Hindi naman ako nahirapang hanapin ang room ko dahil may nakalagay na directions papuntang iba't ibang buildings. I'm currently taking up Bachelor of Science in Tourism Year 1. 

Napatigil ako sa tapat ng classroom ko at sinilip muna ang mga tao sa loob. Maingay sila at sobrang gulo. Ni hindi nga nila napansin ang dahan-dahan kong pag pasok sa room. Agad naman akong may nakitang bakanteng upuan sa bandang likuran kaya doon na ako dumiretso. Nilagay ko ang bag ko sa likuran ko at kinuha na ang notebook at pencil case ko sa bag para ready na ako pag dating ng prof.

Napa taas naman ako ng tingin nang mapansin ko ang biglang pananahimik ng room. Agad akong nakaramdam ng hiya nang mapansin na sakin ang attention ng lahat. As in ng LAHAT. may ilan pang nagbubulungan habang nakatingin sakin, napansin ko rin ang sama ng tingin na pinupukol sakin ng mga babae kong kaklase.

'Anong ginawa ko'? tanong ko sa sarili.

Napasinghap naman ang lahat nang pumasok ang isang lalaki. Medyo mailaw sa labas kaya hindi ko masyadong makita ang itsura niya. Ngunit agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking nakasalubong ko kanina habang papunta ako sa principal's office. Walang emosyong lang siyang naka tingin sakin, pati ang mga mata niya ay walang buhay na nakatitig lang. Mata sa mata. Nabaling sakaniya ang lahat ng attention na kanina'y nasa-akin.

Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa at dahan-dahang naglakad palapit sakin habang seryoso parin ang tingin. Pakiramdam ko naman ay nanayo ang balahibo ko sa batok sa lamig ng uri ng pagkakatitig niya. 

"She's dead" rinig ko pang parinig ng isang kaklase kong babae na malawak na nakangisi sa direction ko. Napalunok naman ako at nagtaas ulit ng tingin nang maramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko. 

"You" Walang emosyong sabi niya 

"B-bakit?" agad akong tumikham nang mautal ako sa pag sagot. Diretso parin ang pagkakatitig niya sakin. Habang tumatagal ay hindi ko kayang labanan iyon kaya pasimple kong iniwas ang tingin  ko at nilipat iyon sa makapal niyang kilay.

"Move" Napatingin ako sa upuan na inuupuan ako. 

Anong move ang sinasabi niya? makikishare ba siya sakin?

Napatingin ako sa pigura niya at kinumpara iyon sa natirang espasyo ng upuan ko. "Hala sorry feel ko hindi tayo kakasiya dito" hinging paumanhin ko sa kaniya at nilibot ang paningin sa buong classroom para mag hanap ng bakanteng upuan.

"Ayun oh! bakante" tuwang sabi ko at tinuro ang isang bakanteng upuan sa harap. Bigla akong mas lalong na intimidate nang dumilim ang ekspresyon niya sa mukha at nagdikit ang kilay niya.

"That's my fuckin seat" Mahina pero nakakakot na sabi niya. Napakurap naman ako bago mabilis na inipon ang gamit ko. Ang bobo ko naman para hindi maisip yun, mygoosh Clarita nakakahiya ka.

"Ay, sorry. Hindi ko sinasadya" yumuko pa ako ng konti bago mabilis na tinahak ang daan papuntang kabilang upuan. 

Agad akong napahawak sa dibdib ko at pinakiramdam ang bilis ng tibok nito. Mygosh, nakakatakot naman ng aura ng lalaking iyon, crush kopa naman sana ang sungit pala. 

Pasimple ko naman siyang nilingon at nakitang tahimik lang siyang tumitipa sa macbook niya at walang pakealam sa mga kaklase kong babae na  pasimpleng nagpapapansin sa kaniya. 

Mabilis akong umiwas ng tingin nang biglang lumipat ang tingin niya sakin mula sa screen ng macbook niya. 

Napabuga nalamang ako ng hininga at pagod na sumalampak sa upuan. Ang intense naman ng feeling na binibigay sakin ng lalaking to.

Lust of a Snobbish Vampire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon