3

46.7K 791 43
                                    

Natigil ang kaninang tinginan ng mga kaklase ko nang pumasok na ang professor. Lahat ay nagsi-ayusan at nag-handa na para sa simula ng klase.

"Good Morning class" Bati ng professor

"Good morning ma'am" sagot naming lahat.

Napansin kong inikot ng prof namin ang paningin niya sa buong classroom, hindi na ako huhula kung bakit dahil alam kona nang biglang tumigil ang paningin niya sakin.

"So before we will start our lecture for today, let me first introduce to you our new student. Miss Santos?" tawag sakin ng prof. Napatingin nanaman lahat sakin dahil panigurado ako ang new student na tinutukoy dahil sino ba namang buang ang lilipat sa gitna ng school year. Buti nangalang at tinanggap ako ng school na ito without having a second thought. Swerte din on my part dahil ito ang unang school na inapplyan ko at in-accept ako agad kaya hindi na ako nahirapan.

"Miss" medyo nahihiyang sagot ko. Pabebe ko talaga

"Please do come in front and introduce yourself to the class" Tumayo ako at nag-lakad na papuntang harap habang pinapakiramdam ang tingin ng lahat na sumusunod sakin. Ang weird naman ng mga kaklase ko, alam ko namang bago ako sa school pero hindi naman sana na nila masyadong pinapa obvious ano?

Humarap na ako sa lahat "Hello everyone, Good Morning. My name is Maria Clarita Santos-" napatigil ako sa pag-sasalita nang biglang magkasalubong ang tingin namin ng masungit na lalaking nakasalubong ko kanina sa hallway. Seryoso at tagos sa kaluluwa lang siyang nakatingin sakin habang nakahawak sa mga labi niya. Napasunod naman ang tingin ko papunta sa mapupula niyang labi at kasabay ng dahan-dahang pag paghurma ng labi niya pangisi ay nakita ko ang pares ng pangil na nakakubli sa ilalim ng makasalanang labi niya.

"Ms. Santos?" ​bigla akong nakapkurap mula sa pagkakatulala sa lalaking kaharap ko at napansing kunot noo lang siyang nakatitig sakin.

What just happened?

Umiwas na ako ng tingin sa kaniya at huminga muna ng malalim bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Umm, I''m 20 years old. My favorite color is white,I love reading, dancing and eating and my quote in life is 'We don't need star to make things happen'. Because with our own will as a fuel and passion as a drive, we can make our dreams a reality" Sabi ko habang sinusubukang iwasan na makasalubong ang tingin niya. Bakit ba kasi dito siya sa harap ko mismo nakaupo? ang hirap naman kasing iwasan kasi nadadaanan siya ng paningin ko.

Narinig ko naman ang palakpak ng professor namin na ngayon ay katabi kona "That's a really good one Miss Santos." manghang sabi niya at tinapik ang likod ko. "Welcome to University of Creek, I really hope you will enjoy your stay here" Nakangiting sabi sakin ng prof ko." Class please assist Miss Santos with the lessons especially that midterms is fast approaching"

I felt warmth flood my heart dahil sa narinig ko. Simula kanina ay puro magagandang salita ang naririnig ko sa mga guro ko. Well isang guro pa lang naman ang naka harap ko pero what I mean is yung principal. Ang babait nila at super approachable, I think this school deserves the title na naririnig ko mula sa ibang tao na this one is a good school. And now na nandito nako, i'm starting to feel na it really is a good one. Pero hindi lang ako sure sa students.

"Yes Miss!" sagot ng mga kaklase ko.

Hindi ko maiwasang mapa "weeh" sa utak ko. Sa nangyari kanina, meron na silang first impression sakin na maganda kaya feel ko talaga hindi nila ako tutulungan.

"You may now go back to your seat Miss Santos" Naglakad na ako pabalik sa upuan ko at naamoy kopa ang pabango ng yun. Jusko hindi ba nauubos ang amoy ng pabango ng lalaking to? Buong room yata ay amoy na amoy ang pabango niya.

Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan nang biglang nag ring ang cellphone ko. And for the nth time, napunta nanaman ang tingin ng lahat sakin kabilang na ng prof.

"Sorry Miss, sabi ko at dali daling kinuha ang phone ko "

"It's Okay Miss Santos you can take it, but please do keep your phone silent next time or i will confiscate it" "Thank you Miss" sagot ko habang nakangiti na may pag-hingi ng paumanhin. Ang bait talaga!

Dali-dali na akong lumabas para sagutin ang tawag.

"He-"

"HEEEEEEELLLLLLLLLO" napangiwi ako ta inilayo ang cellphone ko sa tenga nang marinig ko ang sobrang lakas na boses.

"Tangina mong babae ka, hindi ka na talaga mag babago ano?" Narinig ko naman ang pag tawa niya mula sa kabilang linya

"Hoy, walang kang right na pagalitan ako kasi FYI ako dapat ang magagalit" Napatawa ako dahil sa arte ng boses niya. "LUMIPAT KA LANG NAMAN NG WALANG PAALAM, BRUHA KA SANA DI KA TINGGAP" nilayo ko ulit ang phone sa tenga ko. Tangina talaga, ang lakas ng boses ng babaeng to, pinag lihi yata sa megaphone. Kahit hindi kona i speaker ang phone ko ay rinig na rinig ko parin ang sinasabi niya kahit hindi nasa tenga ko ang phone.

"Sorry naman" hinging paumanhin ko. Yes I transferred school without telling my bestfriend. "Alam mo namang biglaan" mahinang sabi ko. Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga niya sa kabilamg linya. "OA mo naman huminga" puna ko

"Gaga ka talaga kahit kelan. Anyways, I can see you now" Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya.

"Huh"

"TANGA TINGIN SA LIKOD" Literal na napa lundag ako sa sobrang gulat nang may biglang sumigaw sa likuran ko.Gulat na nilingon ko ito at nakita ang kaibigan kong si Trixie na sobrang lapad ang ngisi habang nakatingin sa reaksyon ko.

"Gaga ka" gigil na sambit ko at mahina siyang sinabunutan "Mamamatay ako sa sobrang gulat dahil sayo, ikaw ba sasagot ng pang libing ko? ha?!" galit na bulyaw ko dito

"Aray naman bes, harsh mo naman. Mama mona bahala sa burol ako bahala sa starbucks ng bisita" natatawang sabi niya habng inaayos ang buhok

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya habang sapo ang puso kong unti-unti nang kumakalma

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko

"Surprise?" tanong din niya. Agad ko naman siyang sinapok.

"'Aray! grabe ka talaga! nakakasakit kana! kanina kapa!" nang-hahaba ang ngusong sabi niya. "Sinundan kita kasi iniwan mo lang naman akong mag-isa dun sa school" malungkot na sabi niya

Nakaramdam naman ako ng guilt. Binubully si Trixie sa school, at dahil sa sobrang bait niya ay karamihan ng mga kaklase namin ay tini-take advantage ang kabaitan niya at pinapagawa sakaniya ang mga home works nila at mga projects. Matalino kasi si Trixie, academically and street smart.

"Sorry mahinang sambit ko" at niyakap ang kaibigan ko. Naramdaman ko naman ang pag buntong hininga niya at sinagot ang yakap ko. "Anong sabi ng mama mo?"

"Wala lang, okay lang naman sakaniya" kibit balikat na sagot niya. Swerte talaga netong babaeng to pagdating sa parents. Sunod lahat ng luho eh.

"Tara na?" napakunot noo ako sa tanong niya. "Saan?"

Agad kong sinapo ang nasaktang parte nang ako naman ngayon sang sapukin niya. "Sa class! gaga! ano chika nalang tayo habang nag kaklase sila?"

"Magkaklase tayo?" gulat na tanong ko.

"Hindi" malungkot na sagot niya. Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Papano nalang kung pati dito ay ibully din si Trixie kagaya nung sa dati naming school? hindi ko pa naman siya kaklase ngayon kaya hindi ko siya mababantayan.

"Joke lang" nakangising sabi niya at bigla akong hinila sa room.

Huh? tinanggap din pala siya dito? akala ko ako lang ang new student? 

Lust of a Snobbish Vampire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon