"Class dismissed"
Mabilis na nagsi-ayusang ang mga kaklase ko ng gamit nila at mabilis na lumabas ng room namin. Grabe sobrang bilis naman mawala ng mga kaklase ko, nauna pang lumayas kesa sa professor. Tatlo nalang kaming natira ni Trixie kasama na ang professor namin.
Medyo may katandaan na ang professor namin this last subject at pansin ko rin na nahihirapan siya sa pag ayos niya ng mga gamit niya lalo na at may dala pa siyang projector at mga wires. Mabilis ko siyang nilapitan at tinulungan sa pag ayos ng mga gamit niya. Napaangat naman siya ng tingin at ngitian ako na puno ng pasasalamat "Thank you so much Miss-?"
"Miss Santos po ma'am" nakangiting sagot ko.
"Ay sorry iha, ikaw pala yung new student kanina? pasensya na at mabilis akong maka limot ng pangalan. I'm really not good with names" Hingin paumanhin niya.
"Oh no it's alright ma'am no problem, really. Hatid kona po kayo sa may faculty room"
"Talaga? okay lang ba sayo yun?" nahihiyang sabi niya. "yes ma'am it's okay. Mukha na po kasi kayong nahihirapan sa mga dala niyo"
Bakas naman ang tuwa sa may katandaan niya nang itsura dahil sa sinabi ko. "Salamat iha" Nginitian ko nalamang siya at tinapos na ang pag-aayos ng gamit niya.
"Bes" rinig kong tawag sakin ni Trixie sa likod "Ano yun?"
"Mauuna na ako bes, sorry hindi kita masasamahan, kelangan ko na kasing umuwi dahil dumating na sa bagong lugar kung saan ako mag ste-stay yung mga gamit ko from the city" Bigla naman akong nahiya sa narinig ko. Trixie went all this trouble para lang lumipat ng school kung saan ako dahil lumipat ako.
"Hey it's okay. Alam ko anong tumatakbo diyan sa isip mo kaya tigilan mona yan. Okay lang sakin at ginusto ko to. Okay?" ngumiti ako at napatango sa sinabi niya. Kilalang kilala na nga talaga ako ni Trixie, sa itsura ko palang ay alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. "Sige bes, ingat ka ha?" paalam ko sakaniya.
"Ikaw din! wag kanang lalakwatsa bruha ka, may pagka ala dora ka pa naman" natawa nalamang ako ta kumaway sakaniya.
"Bye po ma'am" paalam niya sa professor namin. Nginitian naman siya ng prof namin at sinabihan ding mag-ingat pauwi
"Tara na po?" yaya ka sa prof namin
"Alam mo ba ikaw palang unang estudyanteng nag offer sakin ng tulungan ako at ihatid pa sa faculty room" ungkat ng prof namin habang naglalakad kami papunta sa faculty room.
Gulat na nilingon ko ang may bahid na lungkot na itsura ng prof namin.
"Kahit anong gawin namin ay karamihan sa mga students namin ay mga suwail at walang respeto. Lalong lalo na si Mr. Cohen. Nako! sakit talaga sa ulo ang batang iyon, kahit saang gulo nalang sangkot. Matalino naman sana kasi hindi nilalagay sa tamang lugar ang priorities" Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi ng prof namin. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero sayang nga talaga lalong lalo na at matalinong tao pala ang tinutukoy niya. Maraming bata sa mundo ang gustong mag-aral at makapag tapos, pero meron talagang mga tao na walang pake-alam sa pribilehiyo na meron sila.
Sayang naman kung ganon. Ang babait ng mga professor ng school nato, wala akong nakasalamuhang masungit simula kanina hanggang matapos ang klase ko. Lahat ng mga prof namin ay super approachable and understanding kaya hindi ko maintindihan kung bakita ganon. Napansin korin nga na karamihan sakanila ay hindi nakikinig at may kaniya-kaniyang ginagawa. Yung iba lumalabas tapos hindi na bumabalik.
And speaking of classmates na hindi na bumabalik, pasimuno sa lahat yung lalaking nakasalubong ko kaninag umaga, natapos lang ang buong araw na class ay hindi ko parin siya kilala.
BINABASA MO ANG
Lust of a Snobbish Vampire ✔
VampireWith his golden brown eyes and extremely amazing features, Maria Clarita Santos a.k.a Maria Clara found herself writhing and screaming in ecstasy, as your not so ordinary Vampire, Stephen Cray slowly takes away bits of her innocence. As life plays...