TWENTY-FIVE

3.8K 166 4
                                    

"Oh, iho. Sana naman good news yung pagpunta mo dito."

"Mr. T, opo, no problem po napapayag ko na po siya. Mejo nahirapan lang ako ng kunti."

"Good! Kasi nung umalis ka kahapon tinanggap ko na yung offer ng People Asia. Ganun ako kakampante sa'yo iho. Paano mo ba siya napapayag?"

"Grabe siya! Mr. T naman, it's her ultimate dream po na makapunta sa New York, so it was pure luck. Pero Mr. T, pano kung di ko napapayag si Menggay."

"Menggay? Ah, nickname. It wasn't luck iho, I think the universe is conspiring to let you two be together. Wag mo na isipin kung ano mangyayari kung di mo siya napapayag, pero malamang sinasabon na kita ngayon."

"Mr. T naman parang masokista lang."

"So I have to meet her."

"Menggay po?"

"Oo, yung girlfriend mo. Kailangan ko makilala kung sino nagbibigay ng ganyang ngiti sa'yo. Namumula ka iho. Halatang halata ka."

"Mr. T naman. Papakilala ko po siya sa'yo bago kami magflight papuntang New York next week. Uunahin ko muna pag-asikaso sa parents niya."

"Bakit? Sabihin mo lang kung may maitutulong ako sa'yo sa pagkumbinsi ng pamilya niya. Magaling ako sa ganyan."

"Hmm... mas madali siguro kung ganun. Pero wag na po, ako na po bahala. Mas maganda kung ako mismo ang makikiusap sa kanila."

"O sige bahala ka na iho, basta kailangan matuloy 'to. Lagot ka saking bata ka kung hindi."

"Pressure ka naman Mr. T. Pero I really hope pumayag sila."

"Ipagdadasal kita iho. Sige na, umalis ka na, parang may tililing ang kausap ko laging nakangiti."

"Hahaha, sige po alis na ako."

"Sige iho. Don't let her get away, Alden. She's a good influence for you. We're all happy to see you this happy."

"I won't. I promise."    

We Shared a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon