Forever: Chapter 2

83 2 1
                                    

Mart's POV

Si Samantha? Maaaring nagtataka kayo kung sino siya, wala siyang POV dito eh. Syempre ako lang ang nagkwekwento kaya sasabihin ko na lang kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya. Katulad ng sinabi kanina sa prologue, siya ay kasalukuyang 16 years old and she is currently taking up Accounting. Isa sa mga hatest subject ko yun eh, share. Ang galing sa math niyan grabe favorite subject niya nga yun eh in short may pagkanerd talaga itong si Samantha, She is not all brains naman. Aba'y mgaling ding kumata iyan, actually member siya ng isang choir at sa simbahan kami unang nagkita at nagkakilala. Hindi lang siya magaling kumanta, pati sumayaw magaling din iyan. Paulit-ulit eh noh, nasabi ko na nga yan sa prologue eh inulit ko na naman. Parrot ako eh. Pampahaba daw ng chapter 2. XD

Chapter two pa lang kilala ko na siya eh noh, syempre flashback daw ito eh. Sige mag flashforward na tayo! WOW! Korny mo Kuya! Sige na mananahimik na ako baka maging spoiler pa ako sa inyo pero bago iyon idedescribe ko muna siya sa inyo. Si Samantha ay may katangkaran, mahaba ang kanyang buhok at ito ang paborito kong amoyin sa kanya dahil ang bango ng ginagamit niyang shampoo. Kayumangi ang kulay ng balat niya tapos sexy siya. Basta maganda siya. :)))))) Wag na kayo umangal! XD

TAE! WOHOOO! Bakasyon na.... Nila! >_< At ako? Well nasa school pa rin, naman aabutan ata kami dito ng Holy week eh. April na at matatapos na rin ang aming pasukan, konting tiis na lang. Tuwing bakasyon maraming inilulunsad na activity ang simbahan para sa mga kabataan isa na diyan ang summer workshops. YEHEY! Hindi ako exited >_< Wala akong hilig diyan eh. Naku nung nagpaulan ng talento ang Diyos napunta ata lahat sa kapatid ko. Anong pipiliin ko? Dancing? Naku, kawawa lang instructor ko doon mapipika lang sa akin. Gitara kaya? Maputol ko lang ung mga string doon. Singing? Lahat naman daw ng tao ay may boses pero iyong nga lang hindi kaaya-aya ang boses ko. Soccer? Mainit, ayoko mapawisan mangitim pa ako.  Ayoko mainitan? Alam ko na! Acting na lang! XD May aircon doon eh! :))))))

"Tara magacting na lang tayo Kuya Letus! May aircon doon! Wag na kayo magsoccer! para sama-sama din tayo doon!" Sabi ko.

"Sige, sama na rin ako sa inyo. Magacting na lang tayo. Mukha naman tayong mga artista eh." Sabi naman ni Oyo.

Aba biruin mo iyon ang lakas ng karisma ko nagsunuran iyong mga loko. Ayos ito hindi ako mababagot, mukhang magiging masaya ito. At ito na nga ang first day ng acting workshop. Late na ako duamting kasi nga tinatamad din naman ako umatend.

"Acting ka Mart? Marunong ka ba niyan? Baka ngitian mo lang mga tao niyan kahit drama ang inaacting mo! HAHAHA!" Sabi ni Nelly, member ng isang organisasyong pangsimbahan din.

Tumingin tingin ako sa paligid at hinanap ko ang mga kasama kong sakrsitan sa workshop na ito at napaWOW na lang ako bigla. NASAAN SILA? T.S.! Bakit ako lang ang nandito????? TS lang talaga! Badtrip naman oh. Wala na, wala nang takasan ito nabigyan na ako ng role eh. Kailangan ko na talaga umatend kasi iprepresent namin ito sa harap ng mga tao. Ano bang gulo ang pinasok ko? XD

Maikli lang ang bakasyon ko kaya dapat sulitin at OO ganito ko sinusulit ang bakasyon ko sa pagaaksaya ng aking oras sa acting workshop na ito. Puro practice kami ng practice at habang papalapit na ang araw ng presentation ay lalo akong kinakabahan. 

Tatlong araw na lang at magplaplay na, kabisado ko na naman ang mga linya ko at gamay ko na ang aking karakter nang bigla akong tawagin ng instructor namin na si Kuya Jun.

"Mart, may problema tayo kasi iyong main character natin, iyong gaganap bilang si St. Francis biglang nagbackout kasi busy daw. Ngayon ikaw na lang ang gumanap bilang St. Francis. Kaya mo iyan tutulungan kita, madali lang naman iyan."

Anong sabi niya???Ako na ang gaganap bilang St. Francis at ano daw? Madali lang iyon? Tatlong araw na lang play na at kailangan ko pang kabisaduhin iyong napakapal na script na ito. >_< No choice, tinangap ko iyong role at good luck na lang sa akin. Sana magmukha nga akong santo doon, baka mawala lang ang pananampalataya ng mga taong manonood. Bahala na! XD

Memorize! Memorize! Memorize! Memorize! Memorize at memorize! Ang sakit sa ulo!!! >_< Practice na naman at dalawang araw na lang play na, hindi ko pa rin kabisado iyong script malamang kabibigay lang sa akin nito eh. >_<

MAJOR GOOD LUCK!

Tug! Tug! Tug! Tug! <- heartbeat ko T_T

Bakit kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko? Iyon ba ay dahil malapit na nga ang play at hindi ko pa kabisado ang aking script o may iba pa bang dahilan? :))))))

HULAAN NIYO! POST KAYO SA COMMENT BOX XD

ForeverWhere stories live. Discover now