*Krrrroooookkkkk! Krrrrrrrrooookkkk!* <- Hilik ko yan, hindi ko alam kung paano ispell eh. Oo na ako na ang humihilik ng malakas na parang nagistart na Sinski Motor tulad nga ng sabi ng mga kasamahan ko sa simbahan. >_<
*Tuk! Tuk! Tuk!* <- Tunog yan habang tumutulo laway ko. Sige na ako na ang YUCK! Okay lang cute pa rin naman daw ako tignan sabi ng mama ko pati na rin ng future girlfriend ko! May ganun !?! XD
*Woaaahhhh!* <- Yawn at unat ko. Ang detalyado ko magdescribe ng pagtulog ko noh. :)
Ang sarap ng gising ko! Syempre makikita ko na naman si crush mamaya. YEY! :))))
Pero ngayon na rin pala kami magprepresent ng dula namin. T_T
Kinakabahan ako, baka makalimutan ko iyong mga linya ko o kaya naman baka hindi ko maportray ng maayos ang role ko. Kasi naman eh, tatlong araw lang ang binigay sa akin para maisaulo ko ang script ko. T_T
Pero kailangan ko galingan! Syempre manonood si crush mamaya eh! Sana makausap ko siya mamaya. :)))
"Malabo yan, Torpe ka kasi Mart! Sigurado ako kapag nakita mo siya maiistroke ka na naman paano pa kaya pag kakausapin mo na siya? Sigurado akong mabubulol ka lang! Siguro nga pag natitigan mo siya habang nagprepresent ka baka lumutang na naman yang utak mo kung saan saan! Patay na!" Sabi ni Utak.
Pambihira naman ito hanggang sa kabanatang ito umeexposure ka pa rin. Palabas ko ito! Tse! Baka iakw pa sumikat dito eh! Shoooo! >_<
3:00 PM ang call time at derederecho na iyon hanggang magpalabas kami.
Ayan fast forward tayo, gusto ko na rin mag alas-tres eh para makita ko na si crush! Game! :))))
Alas-tres na at parang wala pa ring tao dito, as usual late na naman sila dumating. Alam mo iyon pag sinabi mong 3:00 ang call time darating sila ng 3:30 o mas matagal pa. Mga Pinoy nga talaga oh. >_<
3:10...3:20... ayan dalawa na kami... 3:30... lima na kami... 3:50.. halos kumpleto na kami...
4:30...
TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!
ALAM NA! AYAN NA SI CRUSH! :'>
Tamang tama ang dating niya kakatapos lang ng dry run namin. Nakaupo si crush nun, mag-isa siya doon sa sulok at nagtetext. TAE! Gusto ko talaga siyang lapitan at kausapin, dati nagagawa ko naman iyon eh pero bakit ngayon parang nahihiya na akong lapitan siya. Subukan ko ngang magpapansin. XD
*Dumaan ako sa harap niya* = STRIKE 1 T_T
tamang tama medyo malapit si Nelly sa kanya, subukan ko ngang magjoke baka matawag ko atensyon niya XD
"Nelly! Nelly! Nelly!"
"Bakit? Ano na naman iyon Mart?"
"Knock! Knock!"
"Hay naku! Ano na namang kakornihan yan Mart? Sige na nga, who's there?"
"Dalandan!"
"Dalandan who?"
"Dalandan bridge is falling down, falling down, falling down."
Tae ni isa walang tumawa, bakit nakapoker face sila lahat? At eto naman si Samantha busy pa ring nagtetext, siguro crush niya itong katext niya todo ngiti eh.T_T
Ganun ba kakorni ang knock knock ko? T_T
*Magjoke* = epic fail! STRIKE 2! >_<
Ano gagawin ko? Magistrike 3 na ako. Alam ko na!
YOU ARE READING
Forever
RomanceIsang ordinaryong love story ng dalawang taong tapat at lubos na nagmamahalan. Paano naging ordinary iyon? Ewan ko! XD Basahin niyo na lang! :))))