Mart's POV
"Mga kapatid! Hindi ang kayamanan na inyong pinaghirapan sa lupa ang gagamiting sukatan ng Panginoon kung ikaw ay makakapasok sa langit ....."
*Bigla akong napahinto at napatitig sa isang babaeng papasok ng simbahan*
TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!
"Mart? Bakit bigla kang napahinto?" Sabi ni Kuya Jun.
*Dead air w/ heart beat bilang background music*
"Mart? Uy! Lumulutang na naman iyang utak mo ah! Mart! Parang may chicks kang nakita diyan ah!"
May isang babaeng pumasok sa simbahan at ako'y napatingin sa kanya. Nahuli niya ang atensyon ko at ang weird ng feeling na naramdaman ko. Alam ko itong pakiramdam na ito eh. Hindi kaya ako ay...
Ang tagal ko na ring hindi naramdaman ang ganitong feeling, mga tatlong taon na rin siguro iyon. Trauma na nga ako diyan eh, lagi naman kasi akong iniiwan eh. Kaya nga hindi ako naniniwala na ang mga lalaki ang madalas mangiwan o siguro sadyang malas lang talaga ako? Dumating na nga rin iyong punto sa buhay ko na parang ayoko ng mainlove at gusto ko na lang mag seminaryo. Sabi nga ng isang kasabihan, "Kung si God ang first love mo, tiyak na hindi ka na masasaktan." AMEN! :)))))
"MAAAARRRRRTTTTTTTTTTTTT!!!!!"
"Ay sorry Kuya Jun, medyo nakalimutan ko lang linya ko."
"Sige okay lang, baka gutom lang iyan. Hindi ka pa ata kumakain eh."
"Libre mo ako Kuya Jun?"
"Utot mo! Oh Sige, Samantha pag sinabi kong lights, camera, action pakibuksan na iyong spotlight ah. Mart! Focus!"
TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!
At makulit din itong puso ko eh noh, ang bilis na naman ng tibok at itong ganitong weirdong pakiramdam bumalik na naman. Teka lang... Nung nakita ko si Samantha, ganito rin ang naramdaman ko at nung narinig ko ang pangalan niya ganito na naman. Hindi kaya...
"MAAAAAARRRRTTTTTTT! ANO BA!!!!!!! NAGLIGHTS, CAMERA, ACTION NA NGA DIBA!!! FOCUS NAMAN OH!"
"Ayyy... Sorry hindi ko napansin Kuya Jun. Medyo na information overload na kasi ako eh, ang dami mo kasing pinapakabisado ng biglaan eh. Libre mo na lang ako Kuya Jun, para manumbalik na ang focus ko!"
"ASA KA! SIGE NA UMAYOS KA NA! ONCE IN A LIFETIME LANG IYANG OPPORTUNITY MONG IYAN KAYA AYUSIN MO NA!"
Anong sabi niya? once in a lifetime daw? Aba'y iyan ang once in a lifetime na gusto kong maging never in a lifetime. Korny ba? Magtiis ka binabasa mo gawa ko eh :)))) Ito talaga si Kuya Jun, panira ng moment eh.
*Pasimple kong sinulyapan si Samantha*
TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! <- 3x faster
Makulit talaga itong puso kong ito eh noh, nagsimula na naman siyang tumibok tibok ng mabilis. Hindi kaya si Samantha ay....
"MAAAARTTTTTTTTT!!! UTANG NA LOOOOBBBB!!!!
Oh eto bente bumili ka muna ng monay peanut sa labas samahan mo na rin ng gusto mong softdrinks, pakibalik na lang iyong sukli ah. Mukhang lutang ka kasi eh kaya sige kumain ka na muna."
Lumabas ako ng simbahan at sinimplihan ko ulit ng titig si Samantha at alam na...
TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!
Hindi kaya, Si Samantha ang bago kong...
TUG! TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!
"Kuya Mart! Kuya Mart! Libre naman diyan oh! Gutom na ako eh. Nagpromise ka sa akin kagabi na ililibre mo ako Kuya Mart!" Hirit ni John Lucas o mas kilala sa pangalang JL.
Isa pa itong panira ng moment eh noh, nasasabik na iyong mga readers eh. Pasensya na, sadyang marami lang talaga ang mga epal dito. Naku naman, bente nga lang pera ko dito eh pahirapan ko pang nakuha ito tapos ibibigay ko rin naman pala. Para matahimik si JL, binigay ko na rin iyong bente ko sa kanya. BENTEEEEEEEEE ko! T_T WOW! Kala mo isang milyong piso ang nawala eh noh.
Baka may umepal ulit, kaya sa susunod na chapter ko na lang sasabihin ang gusto kong iparating sa inyo. Alam kong excited na kayo, pero tiis tiis lang kayo. Ako rin naman eh, excited akong sabihin ito eh!
Ano sa tingin niyo ang nais sabihin sa atin ni Mart? Post niyo sa comment box. :))))
YOU ARE READING
Forever
RomanceIsang ordinaryong love story ng dalawang taong tapat at lubos na nagmamahalan. Paano naging ordinary iyon? Ewan ko! XD Basahin niyo na lang! :))))